Mitang's POV
"Hindi mo talaga malalaman kung hindi ka makikinig sa kanila!"narinig kong bulungan ng mga katulong pagbaba ko ng kwarto ko.
"Ano po ang pinag-uusapan ninyo?"
Inirapan ako ng isang babae.
"Aalis na si Sir Alex.Pupunta na siya ng London!"sagot ng isa.
"Babalik din po siya hindi po ba?"natatawang tanong ko.
Sanay na ako sa kanya. Palagi naman siyang namamasyal at babalik din gaya ng pag aaral niya.
(Toink!)
"Aray! Bakit ba?"binatukan ba naman ako ng batang katulong nila."Ang syonga mo talaga!Aalis na siya at dun titira sa ibang lugar!"sagot nito sabay irap na naman.
Tulala ako.
Titira sa ibang lugar? Hindi na siya babalik? Bakit? Paano ako?
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Alex.Tinulak ko ng pagkalakas ang pinto.
"Ano ba!!!"
Oops!!!
Nagbibihis pala siya.Dalidali niyang itinaas ang short niya.
"Napaka ano mo talaga...!Haist!"sigaw niya.
"Iiwan mo ako na hindi ko alam?"
Natigilan siya sa pag aayos ng buhok niya at humarap sa akin.
"Alam mo?"tanong niya.
Tinitigan ko lang siya.Hinintay ko lang na magsalita siya.Hindi pa rin talaga siya nagsalita.
"Sana sinabi mong aalis ka at hindi na babalik para makaalis na rin ako dito!"sigaw ko sa kanya.
"Sinabi ko bang umalis ka dito? Ang trabaho mo ay alagaan si Shiver.Ano bang iniisip mo?"tanong niya.
Nanahimik ako.
"Sige.Umalis ka at wag ka nang babalik pa!Sanay naman akong laging naiiwan. Akala ko pa naman kaibigan kita."sagot ko bago ako umalis.
Masama ang loob ko. Naglihim siya sa akin.
Eh ano ngayon kung aalis ka? Lagi naman niya akong iniiwasan.
Siguro nagsasawa nga siya sa akin. Hindi niya lang talaga masabi kasi nangako siyang hindi kami maghihiwalay ni Melay.
"Mukhang malungkot ang best friend ko ah."
Natigilan ako at napalingon sa nagsasalita. Si Erwin na naman.
"Bakit ka ba nandito?Mang aaway ka na naman?"tanong ko.
"Woah! Away agad? Eh wala nga akong ginagawa?"sabay sandal sa pader.
Sabagay... Wala naman talaga siyang ginagawa.Ang sama ko naman.
"Mitang.May problema ba?"
Napangiti lang ako sa kanya.
"Gusto kong mamasyal. Pwede mo ba akong samahan?"
Nagulat siya at napatingin sa akin.
"Hindi nga? Talaga ba'ng gusto mong mamasyal kasama ako?!"tanong niya.
"Bingi ka ba? Sinabi kong oo di ba?"natatawang sagot ko.
"Yes! Ha ha gusto ko yan. Saan mo gusto pumunta?"sabay akbay sa akin.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Dinner
FantasyPrologue Mitang was known as scary witch.She has the history being called aswang,manananggal or mangkukulam just because she lives in the mountain.Ano naman ang magagawa nya kung ganun ang buhay nya. Alex was known as the hottest hunk that all the g...