Chapter 16

27 2 0
                                    

Mitang's POV

Ilang araw nang wala si Alex sa pamamahay na ito.Nag-aaral daw siya kaya palaging busy.Wala tuloy akong makausap dito.Palagi na lang umaalis ang ina niya.

Lumabas ako ng kwarto ko at kukuha na sana ng catchup pero biglaang may tumawa sa likuran ko.

"So... Totoo palang Napaka takaw mo sa catchup."napalingon ako sa kanya.

Hindi ko nga siya pinansin.Nagpunta lang ako sa sala at nanood ng TV kasama ni Melay.

"Aalis ka?"tanong ng babae sa TV habang nakatalikod ang lalaki.

"Oo.Dahil sawang sawa na ako sa pagmumukha mo!"sabay alis.

Napatingin ako kay Melay na nakatingin din sa akin.

"Sa tingin mo Melay...kaya laging wala si Alex dahil nagsasawa na siya sa pagmumukha ko?"

"Sino ba namang hindi eh napaka pangit ng pagmumukha mo."sagot ng nasa likuran ko.

Sinusundan talaga ako ng lalaking ito!Nakakainis na!

"Hoy!Ikaw!Ano'ng problema mo ha?Wala akong balak na kausapin ka!"sigaw ko sabay tayo at aalis na sana.

"Ang suplada mo naman!Makikipagkaibigan lang ang tao eh."sabay upo sa sofa.

"May nakikipag kaibigan din pala na nang iinsulto?Adik ka ha?"sagot ko at pinamaywangan siya.

Natatawa ito ng malakas.Parang sira lang talaga at ako ang napagtripan.

"Sa lahat ng taong nakilala ko.Ikaw lang ang ayaw kong maging kaibigan.Pasensya na."sagot ko bago ako umalis.

Dinala ko si Melay sa labas ng bakuran at humiga sa damuhan.

Nakakabagot talaga kapag wala si Alex dito.Iniiwasan niya siguro ako.

"Melay!Gusto mong lumabas at mamasyal?"bulalas ko sa aso.

"Aw!aw!"

Napangiti ako sa kanya at tumayo.Ilalabas ko si Melay para hindi kami mabagot dito.

Napakasarap talaga sa pakiramdam na lumabas at mamasyal.Namimis ko na kasi ang araw araw na gawain ko sa bukid ng Nabaoy.

Nagpunta kami sa pasyalan o tinatawag nilang park.Napakaraming tao sa lugar na ito at parang napakasaya pa.

Ang sarap ng hangin!Naaalala ko tuloy ang kubo ko.

"Masarap maupo ng may kasama!hay!!!!"

Nagulat ako nung makita kong nakaunat pa ang kamay ni Erwin.

"Ano'ng ginagawa mo dito?Bakit mo kami sinusundan?"

"Para makipagkaibigan nga...kulit eh!"sagot niya.

"Sabi ko nga'ng ayaw ko di ba?Umalis ka na nga!"nakakainis talaga siya.

Tumayo ako at akmang aalis na pero pinigilan niya ako.

"Ano ba ang problema mo sa akin at ang init ng ulo mo?"

Napatingin ako sa kanya at itinulak siya.

"Mayabang ka kasi!Naiinis ako sa mga taong kagaya mo!"

Napangiti ito pero saglit lang at napa seryoso ang mukha na tumingin sa akin.

"Mitang... Gusto talaga kitang maging kaibigan.Please..."

My Beautiful DinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon