Mitang's POV
Sa wakas,nakalabas din ng kwarto si Alex. Dalawang araw din siyang nagmumukmok sa kwarto niya.Sa bagay,may palamigan naman siya sa loob ng kwarto niya.
"Okay ka lang ba?"tanong ko sa kanya habang nakaupo sa siya sa sofa.
Tumango lang siya sa akin.Napaka lalim talaga ng problema niya.
Bakit kaya?
"Alam mo bang hinahanap ko yung pangungulit mo sa akin?Yung galit ka palagi."
Napatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.
"Bakit naman?"tanong niya.
"Eh kasi wala naman akong makausap dito sa bahay kung hindi ikaw."nakangiting sagot ko.
Napangiti siya at napasandal sa balikat ko.
"Oo na.I'm sorry."
Siya ba ito?Himala yata!Panay ang sorry sa akin?
"Ay!Nga pala...kukunin ko muna yung tinimpla kong juice!"sabay tayo at naglakad patungo sa kusina.
Tinuruan kasi ako ng ina niya kung paano gumawa ng pagkain at inumin.
"M-mitang..."
Napalingon ako sa kanya at ngumiti.
"Kaya ko na.Akala mo hindi ako marunong magtimpla?""Hindi iyon..."nanlaki ang mga mata niya habang pailing na sinabi iyon.
Nagkunot noo ako.Para kasi siyang nakakita ng buntot sa likuran ko.
"B-bakit?"kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Menstruation..."sambit niya.
"Ha?"
Ano daw?
"M-meron ka!"sagot niya habang dinidiin ang salitang 'ka'.
Hindi ko talaga siya maintindihan sa mga pinagsasabi niya.
"May dugo oh!"sabay turo sa likuran ko.
Naku!Lagot na ako nito!Ayan na naman siya ina!
"Ikaw na lang ang kumuha ng inumin mo.Wag kang pumunta sa kwarto ko!"sabay takbo.
Ganito ako.Palagi akong dinudugo sa pagtatapos ng buwan.Ilang araw ko din itong hihintaying matapos.Pumasok ako sa banyo.
"Mitang...okay ka lang ba diyan?"habang kinakatok ang pinto ng banyo.
"Umalis ka na lang!Ganito talaga ako!Hindi ako lalabas dito kapag hindi ka umalis diyan!"sigaw ko.
"PE-pero...sabi mo wag akong pumasok sa kwarto mo!Ibig sabihin lang nun hindi ka rin lalabas!"sagot niya.
"Ganun na nga!Kaya pwedeng umalis ka muna?"
Maya maya ay hindi na nga ito nagsalita.Dali-dali akong akong lumabas ng banyo.
"Ano bang ikinatatakot mo?"
nagulat ako sa tanong niya.Isinara niya ang pinto ng banyo at tinitigan ako.Namula ako dahil nahihiya ako sa kanya.
"H-ha?"
Nakasandal ako sa pader.Kinakabahan at balisa.
"Menstruation lang yan! Magpapakamatay ka?!"sigaw niya.
"Nahihiya ako eh!"sagot ko.
Alex's POV
Siraulo talaga ang babaeng ito.Hindi naman kailangan na magkulong sa kwarto niya gaya ko.
BINABASA MO ANG
My Beautiful Dinner
FantasiaPrologue Mitang was known as scary witch.She has the history being called aswang,manananggal or mangkukulam just because she lives in the mountain.Ano naman ang magagawa nya kung ganun ang buhay nya. Alex was known as the hottest hunk that all the g...