Prologue

24 2 0
                                    

"I love you so much baby ko. . ."

She pressed her lips on her forehead. A sobbed escaped in her lips then hugged her baby again tightly.

"Mia. . ." hinawakan ko ang kanyang braso. I was crying too. "Walang kasalanan ang anak mo para ipamigay--"

"Bunga siya ng pagkakamali, Lucille." she cried harder. "Alam kong wala siyang kasalanan kaya binuhay ko siya. At ngayon. . ." puno ng determinasyon na tinitigan niya ako sa aking mga mata. ". . .ikaw lang ang malalapitan ko. Sayo ko siya ipagkakatiwala. Sainyo ng asawa mo. Babalikan ko siya kapag ok na ang lahat. Pangako."

I wiped out her tears rolling on her cheeks. "Mia, mahal ka ni Zack. Kapag nalaman no'n na nagkaanak kayo tiyak magkakandarapa 'yon na makuha kayong mag-ina."

"Hindi. . ." sunod-sunod siyang umiling. "Hindi totoo 'yan. Sinungaling siya. Hayop siya!"

"Mia listen--"

"Nagawa niya akong halayin, Lucille!" umiiyak na bulalas niya sa akin. Natitigilang napatitig ako sa kanya. "Ni rape niya ako. Paulit-ulit. Natapakan ang ego niya dahil hindi siya tanggap ni Dad para sa akin."

She paused then cried harder. "K-Kung. . . kung mahal niya talaga ako e 'di sana ipinaglaban niya ako. Sana magkasama kaming dalawa ngayon. Alam niya at alam mo naman na walang kaso sa akin ang agwat ng estado ng buhay naming dalawa. Pero anong ginawa niya? Nagrebelde siya! Binuntis niya ako tapos nagpakasal siya sa iba! Pinakilala niya pa nga ako sa asawa niya e. As a fucking friend, pagkatapos ng kahayupan na ginawa niya sa akin! Tsaka hindi siya totoong mahirap lang. Nagbalatkayo siya sa harapan ko! Alam mo ba kung gaano kasakit no'n sa akin ha, Lucille?"

Napanganga ako sa isiniwalat niya. Wala akong kaalam-alam na ganun ang nangyari sa kanya. Kaya pala matagal siyang 'di nagpakita sa akin. Tapos ngayon. . .

Parang hinihiwa ang puso ko sa sakit sa nakikita kong itsura ng kaibigan ko. Hilam sa luha ang namumugtong niyang mga mata, nanginginig ang mga labi at malakas na humahagulhol. Mahigpit ko siyang niyakap.

"Tiyak papatayin ako ni Dad kapag kumalat sa social media na ang unica iha niya, the CEO of high and mighty Fuentebella Group Company ay may anak na bastarda."

"Mahal na mahal ka ng Daddy mo. Natitiyak kong hinding-hindi niya 'yon magagawa sayo. And sorry. . ." kumalas ako sa kanya. ". . . sorry kasi naturingan pa akong best friend mo pero wala man lang akong alam sa nangyari--"

"Don't say sorry," then smiled at me. "Wala kang kasalanan. I choosed to be alone and hide everything to you. Nanliliit ako sa sarili ko, Lucille."

Inabot niya sa akin ang anak niyang mahimbing pa rin na natutulog. Napatitig ako sa payapang mukha nito. Animo'y walang pakialam sa paligid kahit nagmemelodrama na kami ng Mommy niya. Wala sa sariling kinuha ko iyon.

"Ikaw na lang magparehistro at magbigay ng pangalan sa kanya. Isunod mo sa apelyido ng asawa mo--"

"Pero Mia. . ."

Nilingon niya ang asawa kong tahimik lang na nakamasid 'di kalayuan sa amin. I know Drew wouldn't mind. In fact, he's the one who insisted to adopt Mia's baby after she contacted me a couple of days ago. We were married for more than five years now but no matter how we tried to make one still I never conceived. And this little angel in my arms is a blessing.

"D-Drew. . ." tawag niya.

Nilingon ko rin ang asawa ko. Humakbang ito palapit sa amin saka nakangiting kinuha ang baby sa mga braso ko.

"Walang problema sa akin. Ituturing ko siyang akin, anak namin ni Lucille. But still you're the real mom. Hindi namin ipagkakait ang karapatan mo kapag dumating ang araw na sinasabi mong babalikan mo siya." ani ng asawa ko. "Hihintayin ka namin, Mia. So please lang, magpakatatag ka. Isipin mo 'tong napakagandang anak mo. Balang araw matatanggap 'din 'to ng Daddy Norman mo."

The Ghost Of You: Spy Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon