The Ghost Of You 10

13 1 0
                                    

"Yang..!

"Yang-Yang..!"

"Mia!"

Malakas kong naitulak si Chad ng marinig ko ang matining na boses ng bestfriend kong si Nicky sa ibaba ng treehouse. Pareho kaming napaatras palayo sa isa't isa pero muli niya akong hinatak.

"Ano ba?" mahinang angil ko sa kanya. "Nandiyan yong bestfriend ko----babae mo nga pala."

"Wala akong babae."

"Yohooo! Yang..? Nandiyan ka ba sa itaas?"

Binaklas ko ang braso niya sabay silip sa labas ng bintana.

"Nics!"

Nakangiting kinawayan niya ako pero kaagad iyon napalitan ng gulat. Napatakip ng kamay sa bibig at namilog ang mga mata. Hindi na ako nagtaka dahil ramdam ko ang presensya ni Chad sa likuran ko kasabay ng pagdantay ng mainit niyang palad sa akin bewang.

"Hi Nicky!"

Speechless. Shock. Hanggang sa makababa ako ng treehouse at sinugod ito ng yakap na mahigpit yun pa rin ang reaksyon ng kaibigan ko. Nagpapalipat-lipat ang nagtatanong na tingin nito saamin ni Chad.

"Ano? Parang natuklaw ng makamandag na ahas ang peg, Nikay?"

She laughed. "Grabe sa Nikay. Ang bantot!"

We both laugh.

Napaigtad ako ng bigla ako nitong kinurot sa tagiliran.

"Anong milagro ang ginawa niyong dalawa sa itaas?" tanong nito saka lumapit kay Chad na ngiting-ngiti at nagyakapan sila.

Napakurap-kurap ako sa aking nakita kasabay ng pinong kurot sa puso ko. Wala akong karapatan magselos dahil wala naman kaming relasyon na dalawa pero yun ang naramdaman ko habang nakatingin sa kanila. Pag-angat ko ng tingin kay Chad nakatingin din siya sa akin; nakangiti. Kaagad akong umiwas ng tingin.

"Ang lakas-lakas ng boses ko hindi niyo man lang ba ako narinig? Kaloka kayo a."

I cleared my throat then smile again. "Ba't kahapon 'di ka pumunta or kagabi? Nagbudol fight kami do'n sa labas ng bahay. Libre niyang dyowa mo."

"Dyowa ko?" nag-angat ito ng tingin kay Chad na umakbay sa kanya. "Mag-dyowa ba tayo?" then laughed while staring at each other.

"Yang," tawag sa akin ng baritong boses.

Pagbaling ko nakangiting mukha ng kababata ko ang nabungaran ko. Magkabilaan ang bitbit na plastik. Nilapag ang mga iyon sa lupa.

"Mcdo!" patiling sigaw ko sabay sugod ng yakap dito.

Bahagya pa itong gumiwang dahil sa ginawa ko habang tumatawa at gumanti rin ng yakap sa akin.

"Kumusta? Parang gumanda ka lalo a. Nahiyang sa Manila?" aniya sabay gulo ng buhok ko.

Nakatawang sinuntok ko ang dibdib nito. "Ikaw itong parang nahiyang sa ibang bansa e. Balita ko big time ka na daw ngayon."

"Naku, tsismis lang yun."

"Di nga?" niyuko ko ang kanyang mga dala. "Ano yang mga dala mo?"

"Pasalubong."

"Naks. Last month ka pa daw dumating ba't may pasalubong ka pa ngayon na nalalaman?"

"Alam ko naman na wala kang pasalubong sa akin e kaya ako na lang magpapasalubong sayo."

"Hmm--echosero." pagigil kong pinisil ang kanyang matangos na ilong na ikinatawa nito.

Malakas na tikhim saaming likuran ang nagpatigil sa akin. Paglingon ko matalim na mata ni Chad kay Mcdo ang nakita ko pero saglit lang kaagad nawalan ng ekspresyon ang kanyang mukha. Nakaakbay pa rin siya kay Nics na alanganin na ang ngiti sa labi.

The Ghost Of You: Spy Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon