The Ghost Of You 8

20 2 0
                                    

THIRD PERSON's POV

"Hello Boss, nandito nga siya sa Santa Monica. Kasama niya si Mr. Del Valle. Nagtanong-tanong ako sa mga tao dito Boss pero wala talagang nakakakilala kina Andrew at Lucille kahit pinakita ko na yung mga picture. Anak daw na panganay si Brielle Mia Marquez nina Antonio at Carlota Marquez. May tatlo pang kapatid; dalawang lalaki at isang bunsong babae."

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?"

"Yes Boss. Kilalang-kilala dito si Antonio Marquez. Matalik na kaibigan siya nong pinatay na dating private driver ng mga Altamonte, si Larry. Remember him?"

"Send me their photos in my e-mail. I wanna see it in my own eyes. Also the address."

"Right away, Boss."

I ended up the call.

I scroll and select the stolen photos in my gallery then send it all in my Boss e-mail. Ngunit hindi pa man ako natatapos sa aking ginagawa ng may biglang bumangga sa akin. Nabitawan ko ang cellphone, lumipad iyon at bumagsak sa lapag.

"Opps--sorry po kuya!" boses ng dalagita.

"Ning!" tawag ng binatilyo at patakbo itong nilapitan. "Ano ba yan, ang clumsy mo talaga."

"Hindi ko napansin si Kuya e, ayon bumangga ako."

Mabilis kong dinampot ang cellphone ko at sinuksok iyon sa bulsa. Tinulungan ko silang damputin ang nagkalat na school supplies na nabitawan ng dalagita.

"Salamat po Kuya."

"Pasensya na rin po."

"Walang anuman. Mag-iingat kayo." aniko sabay talikod.

*****

MIA

Pinuntahan namin sa bookstore sina Ceddie at Ning-Ning.

Pagkatapos kong bayaran ang lahat ng pinamili ng dalawa gamit ang na withdraw kong pera sa debit card na bigay sa akin ni Sir Chad nagtungo naman kami sa Dept. Store.

Akala ko mababaliw sila kakapili ng sapatos at damit nila kaya hindi sasapat ang gulat sa aking mukha nang puro sila. . .

Ate ang ganda po nitong duster, bagay kay Nanay.

Ate ang ganda nitong t'shirt, kasyang-kasya 'to kay Tatay.

Ate walang sapatos panlakad si Tatay, tulungan mo akong pumili ng maganda.

Ate magmumukhang dalaga ulit dito si Nanay sa sandals na 'to kapag sinuot niya 'to.

Mabilis kong pinalis ang mga luhang namalisbis sa aking pisngi ng humapit ang braso ni Sir Chad sa bewang ko habang nakatingin ako sa tatlong kapatid ko na paroo't parito kakapili ng damit para sa mga magulang namin. He even pulled me towards him.

"Ok ka lang ba?" boses niya sa punong tainga ko.

Marahan akong tumango saka kinalma ang sarili. Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok para maalis ang bikig na bumara sa aking lalamunan.

"Hindi ko akalain na magiging ganito ang resulta ng pagkawala ko ng apat na taon. Mas naging responsable sila hindi kagaya noon na masyadong mga bulakbol at pasaway. Mga isip bata at puro sarili lang ang iniisip."

"Hindi ka ba masaya sa outcome?"

"Syempre masaya--"

"E ba't umiiyak ka?"

"Ate..?"

"Kuya Chad ba't pinapaiyak mo ang Ate namin?"

"Ha--ah ano kasi ang dami niyong pinamili. Umiiyak ang Ate niyo kasi wala na siyang perang pambayad."

The Ghost Of You: Spy Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon