The Ghost Of You 2

26 2 0
                                    

MIA

Sakay ng red Mustang bumyahe kami papunta ng Arizona Resort.

Isang oras din ang tinagal ng byahe namin.

"We're here."

Hindi ko siya pinansin. Pagkahinto ng sasakyan kaagad akong bumaba. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. The ambiance looks refreshing, relaxing and mesmerizing. Nawala bigla ang init ng ulo ko. Nakangiting itinaas ko ang dalawang kamay sa ere at nakapikit ang mga matang nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin.

"What a wonderful place." I murmured.

Pagmulat ko nakatayo sa harapan ko si. . . nilingon ang kotse pero wala doon si Sir Chad. Muli kong hinarap ang lalaking nakapamewang at salubong ang mga kilay.

"Who are you?"

"Mr. Brown." boses ni Sir Chad pero iba ang mukha. How does that happen?

"Baka nakakalimutan mong naparito tayo para magtrabaho hindi para magbakasyon, Miamor."

"O-Ofcourse I never forget that, Amore." matamis ko siyang nginitian sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Niliyad ko ang aking dibdib at nag-beautiful eyes sa kanya. Hinaluan ko din ng landi ang boses ko. "May chewing gum ka ba diyan, baby?"

Sunod-sunod siyang napaubo. "Ano naman ang kailangan mo sa chewing gum?"

"Oh--wala ka no'n?"

Nagpalinga-linga ako sa paligid. I saw two foreign guy accompanied with two young filipina girl. Kung maikli yung suot ko mas maikli ang suot nila. Kita ang pusod at nangingitim na kuyukot. Napangiwi ako ng irapan ako no'ng isang babae sabay hatak sa ka-partner nito na ang mga mata nakatutok sa akin, kinindatan pa ako ng afam. Exaggerate naman akong napahawak sa aking dibdib sabay iwas ng tingin.

Pagbaling ko sa kabila may grupo ng afam at filipino na mga binata. Naging puso ang mga mata ko. Muntik ng malaglag ang panty ko sa mga adonis na nagtatawanan papunta sa gawi namin. Wala sa sariling inayos ko ang suot ko, ilang ulit pa akong tumikhim.

"Don't tell me sa kanila ka hihingi ng t'ngnang chewing gum na yan?"

"Watch me." kinindatan ko pa siya saka naglakad papunta sa grupo. "Excuse me!" agaw ko sa pansin nila.

Nagtagumpay naman ako dahil huminto sila at napatutok ang mga mata sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng pasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik pa.

"Wow! Chicks pare." ani ng isang bida-bida na nakatawang lumapit sa akin. He got an army haircut, mamula-mula ang balat, pamatay ang muscles sa katawan. Mukha siyang Filipino at saksakan ng gwapo. "Yes, Binibining maganda? Wanna join with us?"

Maarte akong tumawa kahit nilulukuban na ako ng subrang hiya at kaba. "Oh I loved to but. . . may extra chewing gum ka ba diyan pogi? Naubusan kasi ako e."

Tumawa ang lalaki pati ang mga kasama nito sabay dukot sa kanyang bulsa. Binigay sa akin ang isang pellet ng doublemint gum. Wala pang bawas. Inabot ko iyon pero mabilis nitong hinawakan ang kamay ko, dinala sa kanyang labi at hinalikan.

"Woooo,"

Nagkantiyawan ang mga kasamahan nito.

"I'm Seb. What's your name, Mademoiselle?"

"Kitty--"

"She's mine." sabad ng mapanganib na boses at basta na lang hinablot ang kamay kong hawak ni Seb saka kinaladkad palayo sa mga ito.

Tinawag ako ni Seb. Nilingon ko ito at nakangiting kinawayan.

"Nice meeting you, Seb! Thanks for this--aww! Ano ba?!" angil ko kay Sir Chad ng akbayan ako nito, kung akbay pa ba 'tong ginagawa niya. Para niya na akong sinasakal. "Let me go--"

The Ghost Of You: Spy Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon