The Ghost Of You 5

24 2 0
                                    

"Master, napapalibutan tayo ng mga pulis!"

"Ano?!" bulalas na boses ni Deo. "Putcha salubungin niyo!"

Umaalingaw-ngaw ang malakas na palitan ng putok ng baril saan mang panig, kaliwa't kanan na nagmamadaling yabag, sigawan ng mga babaeng kasama kong nasa loob; nagpapanic na sila. Nagkulasan din ang mga kaibigan ni Seb kasama ito na umalis sa ibabaw ko. Pumasok sa. . . Tiningnan kong mabuti ang pinasukan ng mga ito. Looks like. . . a secret door. Ang daming armas!

"What is it all about, Mr. De Luca?" nagbabantang boses ni Sir Chad. "Akala ko ba hawak mo si Cong. Salonga? Did you invited me here to be capture by a cop?"

"NO. Malamang nilaglag ako ng hayop na Salonga na yun!"

"Kapag nahuli kami ng mga pulis, Mr. De Luca, I swear, uunahin kita sa hukay," sigunda ng isang lalaki. "Sabi mo safe. But what the f-ck is this?"

"Wag na tayong magsisihan dito," boses ng isa pang lalaki. "We need to escape!"

"Narinig niyo naman diba?" sabad ng isa pang lalaki. "Napapalibutan na nila tayo, saan tayo dadaan?"

"T'ngna naman Amadeo, think faster! Kapag nakalabuso tayong lahat dito, I swear, burado ka na sa grupo." galit na wika ng lalaking mukhang dayuhan pero ang galing manalog kahit may accent pa din iyon.

"Uncle," patakbong nilapitan ito ni Seb. "I thought everything is under control? Ano 'to?"

"Isa ka pa!" singhal ni Deo. "Kunin mo si Kitty! Sa underground tayo dadaan."

Kaagad naman akong tumayo at nagpalinga-linga sa paligid. All the girls were gone. Where did they go?

Tinawag ni Deo yung lalaking kanina pa 'di mapakali sa kinatatayuan. Siya yung inakala kong businessman na nakasalubong namin kaninang umaga doon sa lobby ng hotel. Tiningnan ko si Sir Chad. Alam kong may nilusot sa bulsa niya yung babaeng bumangga sa kanya kanina sa lobby ng hotel. And that girl is none other than but the one who put me inside the gift box.

"Give me the master key card!"

"Uhm--Master... I don't know how it happens but kanina pa pong umaga nawawala yung master key card. Pati po yung duplicate. Even the other keys were gone. Sira din yung secret vault and the CCTV footage were sabotage. Hinanap namin yung--"

"Whaaaat?! Anong sinasabi mong nawawala?! Ba't ngayon mo lang sinabi--"

"Master," humahangos na sumulpot yung babaeng pumasok sa akin sa kahon kanina. "The underground door is opened. Doon dumaan yung mga babae. Maybe one of them took the master key card!"

"SonOfABitch--"

"Ano pang hinihintay niyo, magsilabas na kayo!" sigaw ng lalaking bigla rin sumulpot sa likuran no'ng babae. Tagaktak ang pawis at hinihingal. "They're headed here! Subrang dami nila!"

Nagkulasan ang mga ito. And that asshole Richard Del Valle left me too! Sumabay sa agos ng mga kalalakihan. Tinakbo ako ni Seb. Hinaklit ang braso ko.

"Come with me--"

"NO!" sigaw ko sabay bawi ng aking braso. Nakita kong napahinto si Deo at Sir Chad sa pagtakbo palabas ng pinto at nilingon kami. "Money down first. Hindi ako sasama sayo kung hindi mo ako bibigyan ng pera!"

"What the f-ck!"

"Kitty!" dumadagundong na sigaw ni Deo sa akin.

Nakangising nilingon ko ito. "Akala niyo maiisahan niyo ako? Kung walang pera, walang tanan na magaganap!"

"What a damn gold digger bitch--iwanan mo na ang t'ngnang babaeng yan!"

Dumilim ang mukha ni Seb sa galit. Halos gustong durugin ang braso ko sa higpit ng hawak nito. Malakas ako nitong tinulak bago ako tinalikuran at patakbong sumunod sa tiyuhin nito. Tumalbog ako sa ibabaw ng couch.

The Ghost Of You: Spy Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon