F9:Colorful Lust

4K 159 58
                                    

Pagewang-gewang na naglalakad si Agatha sa lansangan. Nakatulala't hindi makaniwala sa kanyang nagawa. Napatigil siya nang makita niya ang isang babaeng mayroong pamilyar na mukha. Si Kill. Masama ang tingin sa kanya nito't nanlilisik ang mga mata. Pinikit ni Agatha ang kanyang mga mata't bumulong. "Namamalik mata lang ako. Walang rason para magpanik." Pagkatapos ay muli niyang binuksan ang kanyang mga mata. Nawala na si Kill sa kanyang harapan kaya naman nagbuntong-hininga siya't napangiti. Lumingon siya't tumango.


"Hindi pa tapos ang laro, lola." Bulong ni Agatha. Napangiti siya't muling gpatuloy siya sa paglalakad habang ngumingisi mag-isa. 


-

Dumiretso si Agatha sa terminal ng bus si AJ. Nagkakamot ng ulo ang dalaga habang nakataas ang kanyang kanang kamay na may hawak ng cellphone. Mukhang naghahanap siya ng signal bars para mayroong matawagan ng tulong. Lumalalim na ang gabi at kailangan niya na umuwi sa kanila. Alam niya na hinahanap na siya ng kanyang mga magulang sa mga oras na 'to. Nagpout si AJ at sumandal sa isang poste. Kinagat niya ang kanyang labi at nagbuntong-hininga.


"Bakit pa kasi ako sumama rito eh. Kainis." Bulong niya sa kanyang sarili. Napahawak siya sa kanyang mga balikat nang biglang umihip ang isang napakalakas na hangin. Nakasando lang kasi si AJ sa mga oras na 'to ngayon. Nakalimutan niya magdala ng jacket bago umalis ng kanilang bahay. Napaayos ng tayo si AJ ng maayos nang bigla siyang makaramdam ng parang mayroong mali sa kanyang paligid. Naagaw ng isang papel na pasayaw-sayaw sa ere ang kanyang atensyon. Sinusundan niya ang galaw nito hanggang sa bumagsak ang papel sa kanyang harapan. Napalunok at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang larawan sa papel.


"A-A-Agatha?!" Bulong niya sa sarili. Tatakbo na sana siya nang bigla siyang natumba pagkatalikod niya. Nasa harapan niya ang isang grupo ng mga lalaki. Nakangiti ang mga 'to't tila mayroong binabalak. Kung ibabase sa kanilang mga hitsura, mukha silang mga tambay sa kanto. Nakasuot ng mga maluluwag na damit, mayroong mga tato sa iba't-ibang parte ng kanilang katawan, at mayroong hawak na alak at nakapasak na sigarilyo sa kanilang labi. Napahawak agad si AJ sa kanyang dibdib nang makita ang grupo. Kinapa niya sa kanyang bulsa ang badge ng kanilang organization sa school. Alam niya na matatakot ang mga lalaking ito dahil kilala ang org na 'to lalo na sa labas ng paaralan.


"Tigilan niyo 'ko. Isa akong member ng DG sa Xandford University! Kabilang din ako sa seksyon ng mga tinitingala't inaasahang magpapatuloy ng mga misyon ng DG sa paaralan." Nanginginig na wika ni AJ. Nginisian lang siya ng mga lalaki habang papalapit ng papalapit sa kanya. 


"Huwag ka mag-alala miss, hindi ka naman namin sasaktan. Maglalaro lang tayo. Hindi ba mga kasama?" Mapanlinlang na wika ng isa sa limang lalaki sa grupo.  Mukhang siya ang lider ng grupong ito dahil sa kanyang suot at pag-asta. Mariing napalunok si AJ dahil sa sobrang kaba. Sinubukan niyang iwasan ang grupo pero bigla siyang hinawakan ng isa sa mga lalaki sa braso.


"San ka pupunta? Maglalaro pa tayo hindi ba?" Mapang-akit na tanong kay AJ.  Nginitian muna ni AJ ang lalaki bago niya sinikmurahan sa tiyan. "Eh g*go ka pala kayo eh! Mga manyak! Tigilan niyo ko!" Sigaw ni AJ na nasundan ng pagtakbo, pero agad siyang nahabol ng isa sa mga lalaki. Nahawakan ang buhok ni AJ at mabilis na hinatak ito paharap sa kanya. Inayos niya ang pwesto ng dalaga't ipinaharap sa kanya. Nanlilisik ang mga mata ni AJ at halatang galit na galit sa mga lalaki. Kahit na nangangamba, hindi niya ipinahahalata ito dahil alam niya na maari itong gamitin ng mga lalaking ito panlaban sa kanya.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon