F1: Fresh Start

12.4K 409 33
                                    


Isa-isang pumasok ang mga studyante sa loob ng kwarto pakarinig nila ng bell. Lahat sila'y nakangiti at excited sa school year na ito. Hindi pa nagtagal ay pumasok na ang kanilang guro. Mistisa, matangkad, sexy at may mukha ng isang anghel, iyan ang mga pisikal na katangian ni Teacher Yuki. Nakasuot siya ng kulay puting damit dress. Kapansin-pansin din ang mapula niyang labi gawa ng lipstick.

"Good morning class, and welcome to Xandford U!" Maligaya niyang bati sa harap ng buong klase. Nagpalakpakan ang mga studyante't mas lalong naexcite.  Umupo ang dalagang guro sa upuan kaharap ang kanyang desk at tinignan isa-isa ang kanyang mga studyante. Lahat ay tahimik dahil unang araw pa lamang nila rito. Bago pa man siya magsimulang maglecture ay napansin niyang may kumakatok sa pinto. Isang babaeng may magandang mukha, hindi lang ito masyadong napapansin dahil nakatago ito sa kanyang mahaba't makapal na buhok. Agad nilingon ng guro ang nasabing studyante at ngumiti.

"Is this your assigned section?" Tanong sa kanya ng guro. Agad namang tumango ang babae kahit na nakayuko. "Halika, pasok ka..." Anyaya ng guro, pumasok naman ang babae at umupo sa last row ng classroom kung saan walang nakaupong studyante. Hindi pa nagtagal ay nagsimula nang magturo ang guro ng kanyang lecture. Patigil-tigil siya sa kanyang lecture dahil napapansin niya ang babae sa dulo ng classroom. Para bang may iba siyang ginagawa kaya wala sa kanya ang atensyon nito. Lalapitan niya sana ito nang biglang nagring ang school bell, kaya naman lahat ay agad nagsitayuan at agad umalis ng klase. Kitang-kita ng dalawa niyang mga mata ang pagmamadali ng babaeng ito sa paglabas ng classroom. Para bang may gusto siyang takasan.

Nagkasalubong naman ang tatlong magkakaklaseng babae sa cafeteria. Maarteng inilapag ni Venus ang kanyang Luis Vuitton shoulder bag sa lamesa at umupo.

"Hey you two, have a seat.."  Utos ni Vens sa dalawang babaeng kaklase. Tinaasan naman siya ng kilay ni AJ dahil sa tono ng kanyang boses. Hinawakan siya ng isang babaeng kasama at hinila paupo sa table.

"I saw you on the day we had our interview. Why'd you called us ba? I need to buy my lunch already. By the way, my name is -" Natigil ang kanyang sinasabi ng itapat ni Venus ang kanyang  hintuturo sa labi ni Tamara.

"Shushhh! I'll be the one doing the talking here, claro?" Mataray niyang pagpigil sa dalaga. Dahil dito, mas lalo lamang nabwisit si AJ kaya malakas na inilapag niya ang kanyang dalawang kamay sa lamesa. Nagdulot ito ng napakalakas na ingay. Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napatingin sa lamesa ng tatlong babae.

"Hey there princess, don't treat us like your slaves. claro? If sa past school mo eh nakakaya mong maging reyna-reynahan, pwes dito hindi." Matapang niyang sigaw kay Venus. Hinawakan niya sa braso si Tamara at agad hinatak papalayo. Nakangiti lang si Venus sa kanila habang tumatakbo papalayo. "Trying-hard wanna-bes." Bulong niya sa sarili. Mabilis nakalabas ang dalawa ng cafeteria, papasok naman ang mga lalakeng magkakatropa nang makita nilang si Venus na nag-iisa. Agad siyang nilapitan ni TJ na siya namang sinundan ng iba pang barkada.

"Alam na ba ng lahat ang plano?" Pabulong na sinabi ng binata habang natatawa. Nagsmirk lang si Venus at tumayo.

"Well, looks like someone will be falling into Hades' pit this year."  Wika ng dalaga habang nakacross ang arms. Nagkamot naman ng ulo si Nicolo dahil sa kanyang narinig.

"Hades' pit? W-what do you mean?" Nalilitong tanong ng binata, nginitian lang siya ni Venus at tinignan sa mga mata.

"Let's just say it's a game. Kapag nilaro mo 'to, you'll be recognized by everyone, you'll gain respect and fame. It's a hidden tradition here in Xandford U, mga studyante lamang ang nakakaalam. It's forbidden to quit. And if you ever did quit? You'll fall into Hade's pit." Misteryosong paliwanag ng dalaga habang nakatingin sa kawalan.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon