F3:Teacher Saeko

6K 235 34
                                    

Rrrrrrngggggggg!

Pagkarinig na pagkarinig ng mga studyante ang bell, isa-isa na silang pumasok sa loob ng classroom.  Maingay at magulo ang simula ng klase ngayong araw. Nagkakagulo, malakas na nagkwekwentuhan at ang iba nama'y naglalaro. Wala sila ngayong teacher dahil umattend ito ng seminar sa ibang school. Huling dumating ang apat na magkakaibigan na sina Trix, Riss, Suzy at Agatha. Nagulat ang apat nang biglang tumahimik ang klase. Lahat sila'y tinitignan ang apat ng masama. Napataas ang kilay ni Trix sa inasal ng mga kamag-aral. Kinuha niya ang red card sa bulsa at itinaas.

"Ano 'to? You gave us this shitty red card para ano? Matakot ako? Matakot kami?! Hell no! You need to do better than that."  Matapang niyang sigaw sabay tapon sa red card sa gitna.

"So, hindi ka pa natatakot na binigyan ka na ng warning? - The highest form of warning, to be exact." Naiinis na tanong ni Penelope sa kaklase. Napahakbang paatras si Trix nang makitang tumayo ang apat na lalake nilang kaklase. Itinaas ni Penelope ang kanan niyang kamay at pumitik.

"You need to be punished. You need to take your own medicine." Bulong niya sa sarili habang nakatingin diretso sa mga mata ni Trix. Dali-daling lumapit ang apat na lalaki sa kanya at hinawakan nang mahigpit ang kanyang mga kamay.  Pinipilit na pumiglas ng dalaga pero sadyang malakas sina Alexander at Shiro.

"Iven, bugbugin niyo na 'yan." Seryosong utos ni Penelope. Napakamot naman sa ulo si Iven dahil nabigla siya sa sinabi ni Penelope.

"Pero babae siya, Penelope.." Nag-aalinlangang reklamo ng binata. Lumapit si Venus sa kanya't at biglang siyang hinalikan sa labi.

"Is that enough for you to follow her orders?" Mapang-akit na tanong ng dalaga. Napahinto si Iven at tila hindi makapaniwala sa inasal ni Venus, pero ayaw niya pa rin itong gawin kay Penelope dahil malaki ang respeto niya sa mga babae. Napakunot ang noo ni Jack habang pinagmamasdan ang ginagawa ng kanyang mga kaklase, tumayo siya at unti-unting lumapit kay Trix. Nakangiti ang binata at mukhang may masamang binabalak. Pinilit ulit pumiglas ng dalaga pero hindi niya pa rin nagawa.

"Ano Jack? Anong gagawin mo sa'kin?" Matapang na sagot ng dalaga.

"Simple lang, edi yung pinapagawa nila." Habang sinasabi niya ito ay tinignan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa. Kahit na pinagtutulungan na siya ng lahat ay hindi parin nagpakita ng kahinaan si Trix. Tinignan niya si Trix sa mata at nilapit ang mukha.

"Satisfy me, Trix." Bulong ng binata na mas lalong ikinagalit ng dalaga. Nababastos na siya, pero kailangan niya umisip ng paraan. Ngumiti lang si Trix at sumagot.

"Don't worry, babe. I will satisfy your entirety. I will make your wildest dreams come to life." Napangiti na si Jack sa sinabi ng dalaga, nang bigla niyang sinipa't dinuraan ang binata. Imbis na magalit, natawa pa ang binata sa ginawa ng kaklase at nagbuntong hininga. Nagulat ang lahat nang biglang sinampal ng malakas ng binata ang dalaga.

"Tanga ka ba?!" Maangas na tanong ng binata, pero muli lang siyang nginitian ni Trix na tila nang-aasar. Napalingon si Trix ng bahagya nang maramdaman niyang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ng dalawa. Inabuso niya ito't malakas na nagpumiglas sa pagkakahawak ng dalawa. Agad siyang nakalaya't itinulak palayo si Jack. Dinuruan niya ito't sinipa. Natahimik ang kaklase sa gulat sa kakayahan ni Trix.

"No, Jack. Ikaw ang tanga." Huling banat ng dalaga bago tuluyang pumunta sa harap ng pintuan. Palabas na sana siya nang biglang may humatak sa buhok niya patalikod na nagresulta nang pagbagsak niya sa sahig.

"Don't be a bitch Trix!" Sigaw ni Tamara sa dalaga, pero agad namang natanggal ni Trix ang pagkakahawak nito sa kanyang buhok. Bago pa man makatayo ang dalaga ay pumasok ang isang gurong may suot na patch ng DG sa kanyang braso. Agad bumalik ang mga studyante sa kani-kanilang mga upuan na para bang wala lang nangyari. Naratnan niya si Trix sa sahig ngunit piniling hindi ito pansinin.

"Morning Class!" Sigaw ng guro na nagngangalang "Saeko". Nagtinginan ang lahat nang marinig ang pangalang iyon. Napatingin din sa nang biglang tumayo si Agatha para pumunta sa harapan. Lumapit siya sa kanilang guro at bumulong...

"Y-You need to help me, they are all monsters." Nanginginig na may kasamang takot na sumbong ng dalaga, pero tinawanan lamang siya ng guro at umiling.

"I know. That's why I love them." Misteryosong pagkasabi ng guro. Nanlaki ang mga mata ni Agatha at napaatras ng tatlong beses sa kanyang pwesto. Nagulat siya nang bigla na lamang siyang sinampal ni Teacher Saeko sa pisngi.

"My name is Saeko (Pronounced as Psy-ko), I'm the current adviser of the Death Guild. I know all of the activities happening in the school and unluckily, I'm one of your teachers." Pakilala ng guro sa kanyang sarili. Nanginginig na tumalikod si Agatha habang mabagal na naglalakad pabalik sa kanyang upuan. Bago pa man siya makaupo ay muli siyang tinawag ng kanilang guro.

"Miss Agatha, am I right?" Tanong ng guro habang nakatingin sa kanyang class record. Marahang tumalikod ang dalaga habang nakayuko.

"Y-Yes Ma'am? B-Bakit po?" Nanginginig na tanong ng dalaga.

"Come here. I want you to erase what's written in the board." Seryosong utos ng guro, pero hindi agad gumagalaw si Agatha sa kanyang kinatatayuan gawa ng takot. Nakayuko lamang siya't mayroong malalim na iniisip.

Nakita ni Teacher Saeko na hindi pa rin kumilos ang dalaga. "Are you deaf? How can I teach if the board is too crowded with your other teacher's sh*ts?" Sigaw ng guro sa kanyang studyante. "Oh, oh, that's right! Do you want me to treat you like a princess? Do you want that?" Sarcastic na tanong ng guro sa kanya. Dali-dali siyang nilapitan at sinabunutan ito papunta sa harapan. Hinatak niya pababa ang buhok ng dalaga kaya napatingala si Agatha.

"You think you're brave enough huh?" Bulong ng guro nang bigla niyang kinuha ang dalawang blackboard eraser at walang pagaalinlangang pinagpag ito sa buhok ng dalaga. Sa gitna ng kanyang pagpapagpag, sinabihan niya ang ibang studyanteng nanonood.

"I'm giving all of you a warning. Patikim pa lamang 'tong ginagawa ko. Siguro ngayon may preview na kayo kung sino talaga si Teacher Saeko." Paalala ng guro. Bigla na lamang niyang binitawan ang dalawang erasers, dahilan para tumama ito sa ulo ng dalaga.

Tumakbo si Agatha palabas ng classroom para magbanyo. Nagtataka siya dahil wala man lang kahit isa sa kanyang mga kaklase ang nagawang ipagtanggol o kahit man lang magreact sa maling ginawa ng guro. Nakayuko si Agatha habang nanggigigil. Makikitang galit na galit siya sa ginagawa sa kanya ng kanyang mga kaklase.

Nagulat siya nang biglang sumunod si Case sa restroom sa kanya. Nginitian siya nito't niyakap. "Alam mo Agatha, I know a friend of mine na matutulungan ka sa problema mong 'yan. Wala kasi talagang may gustong bumangga sa DG kasi kaya ka nilang mapatalsik sa school na 'to agad-agaran. Minsan naman, nakakaya nilang pumatay nang hindi pinagbabayaran ang kanilang mga kasalanan." Paliwanag ng dalaga.

"Hindi ko na ata kaya Case, hindi ko na talaga kaya. Aayusin ko na ang papers ko this week, magpapatransfer na ko sa ibang school." Paalam ng dalaga na ikinagulat ni Case.

"Do-Don't! Huwag mong gagawin 'yan." Kinakabahang bulong ng dalaga. Alam niya kasi na kapag nawala si Agatha ay may posibilidad na siya ang mapunta sa sitwasyon ng dalaga. Siya kasi ang may pinakamababang puntos sa ngayon kaya nag-isip agad si Case ng kanyang gagawing hakbang para pigilan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Agatha ng mahigpit at diretsang tinitigan sa kanyang mga mata.

"Huwag mo kaming iiwan Agatha, malulungkot kaming mga kaibigan mo kapag nawala ka. We can do this. We can survive this. Isipin mo na lang pagkatapos mong masurvive 'to makakapangasawa ka ng isang exo member." Biro ng dalaga na nakapagpangiti kay Agatha. Sinakyan lang ni Agatha ang biro ni Case, kaya kahit papaano ay nabawasan ang galit na dinaramdam niya kanina.

"Ahh, sige gusto ko si Luhan ah?" Pabirong sagot ng dalaga.

"Sige ba. Basta sa'kin si Suho ah? Hahaha!" Sagot ni Case. Sa oras na napansin niyang medyo okay na ang kaklase, pinauna niya na muna itong bumalik sa classroom. Pagkalabas ni Agatha ay agad niyang kinuha ang kanyang smartphone. Itinext niya ang lahat ng kanyang mga kaklase para sa iplina-plano para kay Agatha.

"I'm so sorry Agatha, but I really need to do this. I hope you'll understand." Bulong ni Case sa sarili na halatang nakokonsensya.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon