F4: Bittersweet Murder

5.7K 255 42
                                    

Alas'syete na ng umaga nang makabangon si Agatha sa kanyang higaan. Dumiretso siya agad sa banyo para maligo't magsipilyo. Sandali lang siyang naligo dahil alam niyang late na siya't kailangan niya pang mamasahe para makarating sa paaralan. Pagkasuot niya ng uniporme, agad niyang isinuot ang dalawang strap ng bag sa balikat. Naisipan ni Agatha na magbaon ng gunting para pangdepense sa kanyang mga kaklase. Hindi niya inisip na makasakit, kumbaga, panakot niya lamang ito. Bago pa man makaalis ng bahay, sinalubong siya ng kanyang Lola Barbara. Bumeso ang dalaga, nagbow at nagpaalam.

"La, mauna na po ako ah. May pasok pa po kasi ako." Magalang niyang paalam sa kanyang lola. Paalis na sana siya nang biglang siyang hinawakan nito sa kamay na para bang pinipigilan siyang umalis ng bahay.

"Mag-iingat ka. Lalong-lalo na sa mga taong pinagkakatiwalaan mo." Babala ng matanda sa kanyang apo. Hindi ito masyadong binigyan pansin ni Agatha't tuluyan nang umalis ng bahay. Sumakay siya sa isang jeep papunta sa kanilang eskwelahan. Napatingin siya sa harapan nang biglang tumigil ang kanilang sinasakyan. Isa-isang pinababa ang mga pasahero dahil sa hindi malamang dahilan. Gulong-gulo ang isipan ni Agatha sa mga oras na 'yon. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa paligid, at ang tanging alam niya lamang ay late na siya sa kanyang unang klase. Pagbaba niya ng sasakyan, unti-unting gumapang ang takot sa kanyang nakita.

Isang babae ang nabundol ng kaharap nilang sasakyan. Dahan-dahan siyang lumapit para tignan ang bangkay ng babae. Napaatras siya nang makitang kapareha niya ng uniporme ang babaeng nabundol. Napalingon siya sa trak at nakitang ang logo ng DG sa gilid nito. Pamilyar din ang lalaking nagmamaneho pero hindi niya ito masyadong makilala dahil nakasuot siya ng sombrero. Sinundan niya ng tingin ang drayber. Dali-dali itong bumaba't humalo sa nagkukumpulang tao. Aktong tatakas ito, kaya naman hindi nagdalawang-isip si Agatha na sundan ang lalaki. Napadpad sila sa isang masikip na iskinita. Tumigil sa paglalakad ang lalake at lumingon. Nagtago si Agatha sa gilid, iniisip na hindi nakahalata ito na sinusundan niya siya. Dali-dali niyang kinuha ang maliit na gunting sa kanyang bag at binulsa.

"Ano bang kailangan mo sa'kin?" Pasigaw na tanong ng binata. Marahang tumayo ang dalaga't nagpakita sa binata. Kumunot ang noo ni Agatha dahil pamilyar ang boses ng lalaking ito.

"Alam kong tagaXandford University ka. Pero bakit mo pinatay yung babae?"

"Marami na siyang nalalaman. Kailangan niya nang mamatay. Para magin matagumpay, kailangan kong itaboy ang lahat ng nakaharang sa dadaanan ko. Kahit na dumating pa sa puntong kailangan kong pumatay." Maangas na sagot ng binata. Dahan-dahang siyang humarap sa dalaga nang nakangiti.

"Agatha, Agatha, Agatha, marami ka pang hindi alam tungkol sa paaralan natin." Misteryosong bulong ng lalaki. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang cap na ikinagulat ng dalaga. Kaklase niya ang lalaking kaharap niya ngayon. Itinapon niya ang cap sa kanyang likuran at unti-unting naglakad papunta sa direksyon ni Agatha.

"Maganda ka rin pala eh." Mapangakit na bulong niya sa dalaga. Dali-daling kinuha ni Agatha ang manipis na kahoy sa gilid at itinapat kay Shiro, kitang-kita na takot na takot ang dalaga dahil sa panginginig ng kanyang mga kamay.

"Kung akala mo ay hindi ako lalaban, diyan ka nagkakamali." Nginisian lang siya ni Shiro at kumaripas ng takbo papunta kay Agatha. Mabilis na nahawakan ni Shiro ang hawak na kahoy ng dalaga't naagaw ito. Hindi pa nagtagal, hindi nagdalawang-isip ang binata na paulanan ng palo si Agatha gamit ang kahoy.

"S-Shiro, tama na!" Pakiusap ng dalaga. Ngumiti lang si Shiro't lumingon.

"Tama na? Tch. Nagsisimula pa nga lang tayo." Bulong ng binata habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. Tinawanan niya muna si Agatha't muling pinaulanan ng hampas ang dalaga. Napaupo si Agatha sa sahig sa sobrang sakit. Nanginginig ang kanyang buong katawan sa takot.

"I won't tell. I promise." Wika ng dalaga habang nakataas ang kanyang right hand na tila nangangako ito. Tumawa ng malakas si Shiro sa sinabi ng dalaga na tila isang biro ang sinabi niya.

"Nagpapatawa ka ba? Ano tingin mo sa'kin? Tanga?! Pagkatapos mong malaman na ako nga ang pumatay sa babaeng 'yon sa tingin mo papakawalan pa kita ng buhay?" Sarcastikong wika ng binata habang dahan-dahan siyang lumapit kay Agatha. Inialay niya ang kanyang kamay sa dalaga na akmang tutulungan itong tumayo. Tinitignan lang ni Agatha ang kamay ni Shiro. Wala siyang tiwala na tutulungan siya ng binata't muling lolokohin.

"Ahhh? Ayaw mong tumayo ha?" Maangas niyang tanong. Pwersahan niyang hinatak ang kaklase patayo't sinabunutan ito.

"Masyado ka na rin maraming nalalaman. Katulad niya, dapat ka na ring mamatay." Nanlaki ang mga mata ni Agatha sa kanyang narinig. Mabilis na pinulupot ni Shiro ang kanyang dalawang kamay sa leeg ng dalaga. Paatras na sana siya ng biglang diniinan ni Shiro ang pagsasakal sa kanya. Unti-unting binubuhat siya nito hanggang sa tuluyang lumayo ang kanyang mga paa sa lupa. Alam ni Agatha na mamatay siya kapag hindi pa siya nakaisip ng paraan. Naalala niya ang gunting na nasa kanyang bulsa. Mabilis niya itong inilabas at agad itinusok sa tiyan ni Shiro. Agad siyang nabitawan ng binata na agad ding napaupo sa sahig. Nanginginig na nakagawak si Agatha sa kanyang leeg habang naghahabol ng hininga. Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalaga't hinawakan ng mahigpit ang gunting. Alam niya sa kanyang sarili na kapag hindi pa siya kumilos ay baka patayin siya ng tuluyan ni Shiro.

Tumayo ang dalaga habang papalapit kay Shiro. Nakaupo ang binata sa sahig habang nakahawak sa kanyang malalim at nagdurugong sugat. Tinitigan ni Agatha ang binata sa kanyang mga mata at sinabing...

"Forgive me because I have sinned." Buong lakas niyang itinaas ang dalawang kamay habang nakatutok sa direksyon ni Shiro ang gunting. Akmang sasaksakin niya ang kaklase.

"Agatha wa-" Hindi niya na naituloy ang kayang sasabihin ng biglang ibinaon ni Agatha ang gunting sa kanyang lalamunan. Agad tumilamsik ang dugo sa sahig, kanyang damit, at sa kanyang mukha. Sa sobrang galit ni Agatha, kahit na wala nang buhay ang kaklase ay tuloy-tuloy parin siya sa kanyang ginagawa.

"Lahat ng kasalanan ay may katumbas na kabayaran." Bulong ng dalaga sa sarili habang pinagmamasdan si Shiro na naliligo sa kanyang sariling dugo. Hindi na pumasok pa si Agatha at dumiretso nalang ng kanilang bahay. Nagulat ang kanyang lola Barbara nang makita si Agatha na punong-puno ng dugo ang kanyang uniporme.

"Oh hija? Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang dalaga. Kumurba ang isang matamis na ngiti sa dalaga at binitawan ang kanyang hawak-hawak na gunting. Gumawa ito ng ingay kaya naman napatingin ang kanyang lola rito. Namatsahan ang kulay puting tiles ng dugo na galing sa gunting.

"Pula, lola. Pula lamang ang tanging kulay na nakikita ko sa paligid. Napatay ko siya la! Napatay ko yung kaklase ko." Nababaliw na sigaw ng dalaga. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. Niyakap siya ng kanyang lola ng mahigpit at pilit na pinipigilan si Agatha sa kanyang pagwawala.

"Sige hija, magpahinga ka muna sa kwarto mo. Lilipas din ang lahat ng ito." Pagpapakalma sa kanya, natigil si Agatha sa kanyang pagwawala at nagkulong sa kwarto. Nakaupo siya sa gitna ng kama habang nakatitig sa kisame. Napalunok siya nang makita ang unti-unting pagtulo ng dugo mula sa kisame. Napahawak si Agatha sa kanyang ulo at pilit na sinasabunutan ang sarili. Nagsisigaw siya nang makitang nasa harap niya na si Shiro at hawak-hawak ang gunting na ginamit niya sa pagpatay sa kanya. Biglang bumukas ang pintuan ng dalaga, pumasok si Lola Barbara at muling niyakap ang dalaga. Naghihingalo si Agatha at umiikot ang kanyang mata sa iba't-ibang direksyon ng kwarto.

"S-Shiro, Sh-Shiro, S-Shiro..." Wika ng dalaga habang paulit-ulit niya itong sinasabi. Nakayakap lang ang kanyang lola at pilit siyang pinapakalma.

"Shhhhh, Agatha. Kumalma ka. Magiging okay din ang lahat." Wika ng matanda. Tumayo siya at dumiretso sa kusina. Kumuha siya ng gamot pampatulog sa isang cabinet at isang baso ng tubig. Pagkatapos, dumiretso siya muli kay Agatha para ipainum ito.

"Inumin mo muna 'to, hija. Magpahinga ka muna." Nanginginig na kinuha ni Agatha ang gamot sa kamay ng matanda at agad itong ininom. Inayos ni Lola Barbara ang kanyang kama at kinumutan ang dalaga. Bago pa man makaalis ay muli niyang sinabihan si Agatha.

"Simula pa lamang 'yan, Agatha." Misteryosong bulong ng matanda habang marahang isinasarado ang pintuan.

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon