F10:Mimicked Sorrow

2.1K 82 22
                                    

Mag-isang naglalakad sa gitna ng kalsada si Jack. Hindi niya alam kung saan papunta ang direksyong kanyang tinatahak ngunit patuloy lang siya sa paglalakad. Nagbuntong-hininga siya't napahinto. "It feels like they all went home. Mukhang mayayari kami kay Saeko bukas." Malamig na bulong niya sa sarili. Pumwesto siya sa gilid ng kalsada at nagbakasakaling may maparang sasakyan na daraan.  Sa gitna ng nakabibinging katahimikan, may narinig siyang sumitsit sa kanya. Naalarma ang lalaki't agad nilingon ang kanyang paligid. Isang babae ang nakita niya sa kanyang harapan. Nakahawak siya sa kanyang braso't nakayuko. Namukhaan ni Jack ang babaeng ito. Mula sa buhok hanggang sa hugis ng kanyang katawan at sa Jansport bag na suot niya sa kanyang likuran. Si AJ.


"AJ?" Mahinang bulong ni Jack sa kanyang sarili habang maiging pinagmamasdan ang babae. "Hey! AJ! It's me, Jack!" Sigaw ng binata habang sumesenyas sa dalaga. Napakamot sa kanyang batok ang lalaki habang papalapit kay AJ. Tuwang-tuwa siya na nakakita siya ng kasama sa panahong nag-iisa siya.


"Thank goodness, nakita rin kita. Kill's waiting for us back there. Let's just deal with that Agatha girl in school, tomorrow, alright?" Wika ng binata habang kinukuha niya ang cellphone nila ni Kill. Naririnig niya na parang umiiyak si AJ pero tinignan niya lang ito't nginisian.


"Why are you crying J? Don't get all caught up just because we failed what that Saeko instructed us. We are not her tools, aye?" Prangkang pagcomfort ni Jack sa dalaga. Ang pag-iyak ng dalaga ay napalitan ng mahinang pagngisi. Papalakas ng papalakas ito na agad ikinatakot ni Jack.


"Hey, stop it. You're creeping me out." Mahinang bulong ni Kill sa dalaga. Agad tumigil ang paghalakhak ng dalaga matapos niya siyang pagsabihan. Muling tinignan si Kill ang dalaga't napakunot ang noo.


"J? Let's try to walk around and see if we can find some help." Anyaya ni Kill sa dalaga na agad naman tumango. Naunang naglakad sa Kill kay AJ. Pumipito ang binata habang nakapasok ang dalawang kamay sa kanyang magkabilang bulsa. Malikot na nagmamasid ang kanyang mga mata sa mga naglalakihang puno sa kanilang dinaraanan. Sa gitna ng kanyang paglalakad, napahinto siya nang marinig niya ang pag-echo  ng kanyang mga sipol. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakitang hindi niya na kasama pa si AJ. Nagulat siya nang makita niya si Agatha sa kanyang harapan. May hawak na manika ang dalaga habang mahinhing hinahaplos ito. Mariing napalunok ang binata't ipinikit ng matagal ang kanyang mga mata. Iniisip na kathang-isip lamang niya ito.


"Agatha, you shouldn't be here. You're already dead." Paulit-ulit niyang binubulong sa kanyang sarili. Iniisip na ang babaeng kanyang nakita ay gawa-gawa lamang ng kanyang mapaglarong imahinasyon. Habang bumubulong ang binata, marahang naglakad si Agatha papunta sa kanyang direksyon. Sa bawat hakbang ng dalaga ay siyang pag-iba ng kanyang hitsura. Unti-untign nasusunog ang kanyang mukha, nasisira't naliligo sa sariling dugo ang kanyang mga ngipin, at pamumutla't paglabas ng kanyang mga kulay lilang ugat sa katawan. Hinawakan ni Agatha si Kill sa pisngi't bumulong...


"Tolle corpus Satani!" Ngumingisi niyang bulong kay Kill kasabay ng pag-apaw ng kulay itim na likido sa kanyang bunganga. Matapos ang bulong na ito, napahinto si Kill sa kanyang paulit-ulit na sinasabi. Isang krus na nakabaliktad ang biglang lumabas sa kanyang noo na ikinatuwa ng dalaga. Bumukas ang mga mata ng binata na halatang takot na takot. Unti-unti, kinakain ng kulay itim ang puting bahagi ng kanyang mga mata. Bago pa man halikan ni Agatha si Kill, bumulong ang binata't binangit ang pangalan ng kanyang nakababatang kapatid. ""

 at muling bumulong...


"Ave Satani!" Muling bumalik sa normal na kulay ang mga mata ni Kill nang marinig niya ito. Isang misteryosong ngiti ang kumurba sa kanyang labi. Tinitigan niya si Agatha sa kanyang mga mata. "Let's play the forbidden game, shall we?" Anyaya ni Kill sa dalaga. Ngumiti si Agatha't tumango. Magkasabay silang naglakad papunta sa gitna ng kagubatan. Unti-unti na lamang naglaho ang dalawa ng parang bula, kasabay ng paglamon sa kanila ng dilim.


Monday, unang araw ng eskwela sa panibagong linggo. Abala ang mga studyante sa pag-pila ayon sa kanilang mga seksyon. Lahat ay nakaayos at hinihintay na magsimula ang isang seremonya. Natahimik ang lahat nang marinig na tumugtog ang musika. Isa-isang pumunta sa harapan ang mga clubs, scouts, teachers at principal. Ikinatutuwa ng karamihan ng mga studyante ang presensya ng isang kinatatakutan, at kinababaliwang club sa buong campus. Ito ay ang Death Guild. Nagpapakita lamang ang guild na ito tuwing bago matapos ang isang quarter. Lahat ng miyembro ng DG sa harapan ay mga nakaputing maskara. Isang senyales ng pagtatago ng kanilang mga identity.


Nagsimula ang programa sa pagsayaw ng mga majorettes sa tugtog ng musika. Tahimik na pinanood ng mga studyante ang kanilang performance. Sumunod ang mga programa na nakanayan na nilang ginagawa tuwing sumasapit ang araw ng Lunes. Ang pagtataas ng bandila sa flagpole, ang pagbigkas ng national anthem at panata. Bago matapos ang programa, nagsimula na ang mga extra-curricular clubs at organizations sa kanilang mga anunsyon para sa mga studyante. Ang Death Guild ang may kakaibang anunsyo na ikinagulat ng lahat. Ang gurong nakamaskara ang humakbang paabante at sinabing..


"From now on, the game shall end. DG will no longer be part of this school, moving forward. The guild will be dissolved, effective today. We will be opening a new guild for our lovely students, though it will be alive for one cause. It is for the betterment of the school, society and nation. It will have projects such as outreach programs, tree planting and other more exciting projects." Anunsyo ng gurong nakamaskara. Halata sa kanyang kilos na napipilitan lang siyang sabihin ang mga 'to. Pinaalis din kasi ng kanilang principal ang guild na ito nung mahuli sila dahil mayroon silang narinig na sumbong sa isang studyante ukol sa kanilang mga aktibidad sa campus.  Mabilis na kumalat ang balitang ito sa buong paaralan. Matapos ang programa, batch by batch nagtungo ang mga studyante sa kani-kanilang mga silid-aralan. Dumiretso ang mga miyembro na may posisyon ng DG sa principal's office. 


"Saeko, nagawa mo na ba?" Bungad na tanong ng principal sa guro. Nginitian lang pabalik ni Saeko't tumango. "Opo, madam. Kailangan pa rin nating ituloy ang laro, kahit na ipinagbabawal na nila ito ngayon." Magalang na sagot ng guro. Ngumisi lang ang principal rito't tumayo. "Alam kong nahihirapan kayo sa ginagawa ninyo, ngunit kailangan nating sundin ang pabaon ng ating mga ninuno. Kailangan nating pahirapan ang isa sa mga studyante ng paaralan para sa ikabubuti ng karamihan." Wika ng principal. Muli, ikwinento niya sa mga officers ng DG ang dahilan kung bakit nila ito ginagawa.


"Noong unang panahon, tradisyon na ng ating mga mahal na ninuno ang pagsasakripisyo ng isa sa kanilang mga kalahi para kay Hel. Si Hel ang diyosa ng mundo sa ibaba. Sundin mo ang kanyang utos at tutuparin niya ang inyong kahilingan. Kapag nagawa natin ito ng matagumpay, isa-isang matutupad ang inyong mga kahilingan at maaalis ang ating mga kasalanan. Sabi nila, ito raw ang isa sa mga paraan ng diyosa para bayaran ang ating paglilingkod sa kanya." Wika ng doktora. Kitang-kita sa mga studyante ang pagkasabik sa pagkatuparan ng kanilang mga pangarap at kahilingan.


"Ngayong taon, ang napiling sakripisyo ay walang iba kung hindi si...  Agatha." Wika ng principal. 


"Tapos na ang ilang linggo ng paghihirap. Bukas na bukas, gumawa kayo ng paraan para maexpel siya rito sa paaralan. Sa gayon, maikasasatuparan na natin ang panghuling hakbang, ang pag-alay ng kanyang buhay sa ating mga diyos." Instruction ng punong-guro sa kanyang mga studyante. Tumango ang lahat ng ito't nagbigay galang. Isa-isang lumabas ang mga studyante ng kanyang opisina upang bumalik sa klase.









ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon