F8:Torment

6.1K 298 84
                                    

Kasalukuyang nakatali ngayon si Agatha sa isang jeep, nakatali ang kanyang mga kamay habang mayroong cellphone na nakatutok sa kanyang kanang taenga. Kausap niya ang isa sa kanyang mga guro, si teacher Saeko. 

Teacher Saeko:"Oo Agatha, ako nga. I just want to play with you princess." Malamig na pagkasabi ng guro. 

Agatha:"P-Pakawalan niyo na ho ako, nagmamakaawa ako sa inyo. Kailangan ako nang lola ko." Naiiyak niyang pagkasabi pero tinawanan lang siya ng guro.

Teacher Saeko:"Ayun nga eh, hayaan mo hindi ka namin sasaktan." Wika niya, pagkatapos nito ay binaba na niya ang kabilang linya. Sakto namang paghinto ng jeepney sa isang hindi mataong lugar. Sumenyas si Kill kay AJ at Jack, nang makita ng dalawa ito ay agad nilang hinakan sa dalawang braso si Agatha. Pilit na nagpupumiglas ang dalaga pero lubhang malakas ang dalawa niyang kaklase. Ipinasok nila si Agatha sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Kitang-kita sa bahay na ito ang pagkaluma. May malalaking sapot sa gilid ng pader at ang makapal na alikabok sa paligid nito.

AJ:"Sorry talaga Agatha, paghindi kasi namin to ginawa kami ang malalagot." Paghingi niya nang pasensya sa kaklase pero dinuran lang siya nito. Natatawa naman si Jack at biglang binatukan ang dalaga.

Jack:"Aba? Lumalaban na ngayon. Hahahaha" Nangmamaliit niyang pagkasabi. Biglang nagdilim ang tingin ni AJ kay Agatha at bigla niyang inangat ang kanyang kanang kamay, akmang sasampalin ang dalaga.

AJ:"You deserved this." Umalingawngaw sa tahimik na paligid ang malakas na pagkasampal niya sa dalaga.

Jack:"AJ tara na, baka may makakita pa satin dito." Utos niya sa kaklase pagkatapos ay sumunod sa binata papunta sa loob ng jeep. Sinundan ng tingin ni Agatha ang tatlo niyang kaklase habang papalayo ito. Nang maiwan siyang mag-isa, agad siyang humanap nang paraan para maalis ang makapal na lubid sa kanyang dalawang kamay. May nakita siyang isag matulis na bagay na nakadikit sa pader. Agad niya itong nilapitan at inilagay ang dalawang kamay sa pagitan. Pagkatapos ay nagtaas-baba siya hanggang sa mapigtas ang tali. 

Agatha:"Makaka-alis na rin ako." Bulong niya sa kanyang sarili. Humakbang siya paabante paputa sa pintuan palabas pero bigla siyang napahinto nang marinig niya ang isang pamilyar na boses.

               :"Agatha." Tawag sa kanyang pangalan. Nilingon niya ito pero wala siyang nakita.

               :"Agatha." Pangalawang beses na tawag sa kanya pero wala pa rin siyang nakikitang tao. Pagkatapos ay muling tinawag ang kanyang pangalan, pero sa ngayon, paulit-ulit na ito at palakas nang palakas. Umikot ang kanyang mga mata sa iba't-ibang sulok ng kwarto. Mabilis na gumapang ang takot sa kanyang buong katawan. Nagbubutil-butil ang kanyang pawis at mabilis na humihinga dala ng kaba. Maya-maya ay bumukas ang isang bumbilya na nakalagay sa gitna, ito lamang ang tanging ilaw na nagbibigay liwanag sa buong kwarto. Agad nabalot ang kwarto nang nakabibinging katahimikan. 

Tatakbo na sana siya palabas nang biglang sumarado ang pintuan. Tinakpan niya ang kanyang dalawang mata at napaupo sa sahig. Unti-unti niyang inalis ang pagkakatakip nang dalawang kamay niya sa mukha nang may makita siyang paa. 

ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon