Gavril's POV
Finally, after 2 years of having modular classes ay balik na ulit sa face to face.
Nakaharap ako ngayon sa salamin, wearing my maong jeans and white plain shirt. Hindi ko alam kung anong mangingibabaw sa nararamdaman ko ngayon, magkahalo kasi itong kaba at excitement.
Kaba dahil sa loob ng dalawang taong pagkukulong sa bahay dahil sa pandemya ay ngayon nalang ulit ako makakalabas ng malaya. At excitement dahil sa bagong makikilalang mga kaibigan.
Maya maya pa ay lumabas na ako ng bahay at tumawag na nang tricycle upang magpahatid sa paaralan.
Tinignan ko ang buong paaralan. It's not my first time to enter there but it still amazes me. Lalo na dahil sa dami ng estudyante sa plaza dahil sa flag ceremony.
"Ma!" tawag ko sa mama ko. She's one of the school staff.
"Oh? Pumunta ka na dun sa flag ceremony."
"Hindi ko pa alam section ko e, tsaka nakakahiya naman kung maling section mapilahan ko dun noh!" napailing-iling nalang ito dahil sa sagot ko.
Walang ibang nagawa si mama kundi ang samahan na muna ako dahil sa pagpupumilit ko, kesyo baka mawala dahil sa laki ng paaralan.
"9-Pearl" basa ko sa nakasulat sa taas ng pintuan.
"Tignan mo yung mga nakasulat na pangalan sa pader. Dito ata section mo." napahinga ako ng malalim. Kinakabahan ako. May kakilala kaya ako rito?
Tinignan ko ang mga pangalan na nakapaskil. Nandoon nga ako. Ika labing siyam sa hanay ng mga babae.
"Dito nga, ma." lingon ko kay mama. "Aalis ka na?"
"Aba, oo. Alangan namang bantayan pa kita diyan maghapon."
Natawa nalang ako sa sinagot nito sa akin at nagpa alam na sa kanya.
Hindi nagtagal ay pumasok na ako sa loob. Halos mapatalon ako sa gulat ng may lumabas na babae sa kung saan. Mukhang kaklase ko.
"Uhm, dito ka?" obvious na tanong ko. Sinagot lang ako nito ng tango.
Umiiyak ba siya? Or sinisipon lang? Iniling ko nalang ang mga naiisip. Halos lahat ng upuan ay ukupado na kaya naghanap nalang ako ng pwede kong mapag-uupuan, at napili ko ang nasa gitna. Dalawang upuan lang ang pagitan nito sa upuan ng naturang babae.
Hindi na ako mapakali. Ilang minuto nalang ay matatapos na ang flag ceremony. Kinuha ko ang tissue sa aking bag at nagpahid ng pawis ko sa noo.
Halos manginig ako ng marinig ang boses ng magiging kaklase ko. Kanina ko ine-ensayo ang maaari kong sabihin sa kanila once na simulan nila akong i interview.
Maraming pamilyar na mga mukha ngunit wala pa rin akong makita na malapit sa akin. Naka hinga ako ng maluwag ng makitang pumasok ang isa sa kaklase ko nuong grade 6, si Kierra. Tinawag ako nito at pina upo sa tabi ng puwesto niya sa harapan.
"Hoy, kinabahan ako akala ko wala akong kakilala dito." pagki-kuwento ko sa kanya.
"Uy, same." sagot nito sa akin na ikinatawa naming dalawa.
Maya maya pa ay nagpakilala sa amin ang aming guro. Temporary advicer palang daw namin ito since manganganak na ang sana dapat ay advicer namin.
Mukha naman itong mabait kahit parang istrikto kaya panatag ang loob ko.
Hindi nagtagal ay pinalipat kami ni Kiesha sa gitna ngunit unang bahagi pa rin ng mga upuan. Dahil uukopahan daw ng mga kalalakihan ang nauna naming puwesto.

YOU ARE READING
Shell of Felicity
RomanceIn a room full of different kind of students. No one have ever imagined that they would experience and encounter the true happiness and definition of love. Two person who have met unexpectedly. A man who have suffered a lot from his past. And a woma...