Jennyca's POV
Naiinis ako ngayon dahil sa group project na inatas sa amin ng aming guro, pano ba naman kasi nag plano na kami ni Kiesha na powerpoint ang gagawin naming reporting at sa linggo namin gagawin yun ng sabay sabay pagkatapos bigla ko nalang makikita ang text niya na "lyka nagawa na namin yung kalahati ng reporting kayo nalang bahala sa kalahati pa atyaka sa cartolina nalang namin ginawa kasi mahirap kung power point ok lang ba" wala naman na akong magagawa na simulan na nila kaya imbes na magalit ako pinapunta ko sila sa bahay para mapag usapan namin kung ano nga ba ang plano.
"So ano hand written presentation nalang ang gagawin natin." malumanay na sabi ko.
"Kayo, bahala kayo." sagot niya sa tanong ko na nagpa taas ng kilay ko.
"Anong bahala kayo kung mag pa-power point kami edi sana naging group 2 nalang kami tas kayo group 1, hindi tayo uniform kung mag pa-power point kami tas diba napag usapan na natin na power point, bat ba kasi kayo nag madali at gumawa agad agad ng hindi niyo man lang ako sinasabihan, oo tinext mo nga ako pero tapos na nagawa niyo na. ok lang naman kung mag a-adjust kami kaso wala kaming pera pambili ng kartolina, ilang kartolina ba ang ginamit niyo?" medyo naiinis na tanong ko
"Sampo."
"Tag ilan ang kartolina."
"Tag 10." sagot ni Gabbie.
"So bali 100 ang perang ginamit niyo, may pera ba kayo diyan?" tanong ko sa mga kasamahan ko pero isa isa silang umiling.
"Pam pamasahe ko lang to" mahinhin na sabi ni Rudelyn.
"Ako na bahala sa kartolina." pag salo ni Kiesha sa pondo na gagamitin namin."tutulongan ko na rin kayong mag sulat, ako na mag susulat."
"Oh sige, kung yan ang gusto mo." pag sang ayon ko sa gusto niya.
Makalipas ang ilang minuto nag simula na kaming mag trabaho ang iba naman ay umalis at gumala ang iba naman ay nag se-cellphone lang, kami naman ng mga kasama ko ay tudo kayud maka kita ng impormasyon na kakailanganin namin para sa reporting.
"Mag iintro pa ba tayo Rude." tanong ko sa katabi ko na busy sa pagsusulat ng kaniyang line.
"May intro na sila eh, mag iintro pa ba kami Kiesha." tanong nito kay Kiesha na nagsusulat sa cartolina.
"Kayo bahala." walang emosyon na sagot nito.
Tiningnan ko siya ng matagal dahil sa sinagot niya, problema nito?"Wag nalang Rude." sagot ko sa tanong ko.
Nang lumingon ulit ako kay Kiesha napansin kong hindi na maganda ang hulwa ng mukha nito nakasimangot na ito habang nag susulat.
"Diba dapat kayo ang gumagawa nito." lingon naming lahat ng magsalita ito.
"Kahapon nga muntik na akong di maka uwi kaka sulat ng ina sign niyo sa amin tas pati ba naman ng topic niyo ako pa gagawa." inis na sabi nito. Dalawang topic kasi ang i rereport namin so para hindi magulo nag kasundo kaming lahat na maghatihati.
"Bakit inutusan kaba naming magsulat." inis rin na sabi ni Jane sa kaniya.
"Ikaw itong mag sasabi na ako ng bahala tutulong ako pagkatapos pag napagod ka sa amin mo ibubundot yang galit mo kaya naman naming gawin yan kasalanan ba naming nag presenta ka kung ayaw mo edi wag kaya ko naman yan." bawi ni Jane sa pentellpen na hawak ni Kiesha.
"Mag pre presenta ka tas di mo pala kaya." bulong na dagdag ni Jane na sinuway ko kasi baka marinig.
"Sige na Jane bilisan na natin to." utos ko ng maka alis na si Rudelyn kasi pina uwi na.

YOU ARE READING
Shell of Felicity
RomanceIn a room full of different kind of students. No one have ever imagined that they would experience and encounter the true happiness and definition of love. Two person who have met unexpectedly. A man who have suffered a lot from his past. And a woma...