Jennyca's POV
Makalipas ang ilang buwan kanya kanya nang asaran biruan ang ginagawa naming mag kakaklase, kanya kanyang laitan at tuksohan, ngunit ang grupo namin ang naiiba sa lahat dahil kami ang grupong binansagang "achiever" pero zero sa quiz.nagkaroon kami ng kanya kanyang gropu ng magsimulang pag ayus ayusin ang aming mga upuan tuwing portfolio days at kami bilang kami hindi na nag hintay sa sasabihin ni sir at pumili na lamang ng kanya kanyang upuan. naupo ako sa gilid ika tatlong linya, sa tabi ko naman ay si Issy at si Reynier sa unahan naman ay si Zeno at si Jane sa hulihan naman ay si Kiesha, si Gabbie at si Marguerite. ng dahil sa arrangement na ito.nabansagan kaming achiever dahil palagi kaming maiingay at sumasabat sa bawat leksiyon na itinuturo sa amin.
Nang dumating na ang aming guro sa english nag simula ng mag ingay ang aming gropu.
"Ma,am." Taas kamay ko nang alam ko ang sagot sa tanong ng aming guro.
"Ma,am, ma,am." Singit naman ng mga nasa unahan at nasa hulihan ko kaya pinag tatapik ko ang kanilang mga kamay bilang saway sa kanila.
"Buysit." Biglang sabi ko nang tinawag ni maam ang mga nasa hulihan ko.
"Ok I have another question."
Hindi pa man nag sasabi ng tanong si ma,am ay nag taas na ako ng kamay.
"Ma,am." Malakas na sigaw ko na hindi man lang pinansin ni ma,am, imbes tinuon nito ang atensiyon niya sa ibang row pero ng walang makita si ma,am na nagtaas ng kamay tinawag niya na ako na nagpatalon sa akin.nang masagot ng mabuti at tama si ma,am nag yabang na ako sa mga kaibigan ko.
"Ano!" Pag hahamon ko sakanila.
"Competitive ka talaga."natatawang sabi ni Kiesha.
"Baka nakaka limutan mo kung sino to!" Pagyayabang ko habang tinuturo ang sarili.
Nang makauwi na galing sa eskwelahan nag saing na ako at nag linis ng matapos ay nag review at nag assignment na ako. Habang nag babasa narinig ko ang motor hudyat na nandito na si papa.
"Lyka!" tawag nito sa akin.kaya iniligpit ko muna ang mga gamit ko para hindi galawin ng aking nakababatang kapatid.
"Lyka!" tawag nito ulit sakin.
"Teka lang!" sigaw ko pabalik habang liniligpit parin ang mga gamit ko.
"Lyka! piste di ka lalabas!" galit na sigaw nito kaya iniwan ko nalang ang mga gamit ko at dali daling lumabas.
"Tinatawag kita! hindi mo ba ako naririnig!" sigaw nita sa akin ng makalabas ako.
"Sabi ko teka lang eh." pangangatwiran ko.
"Itaya mo ko don, 420" utos nito na nag pa simangot sakin. yun lang pala kung magalit akala mo tigre.
"Akin na." hingi ko nang pera habang iminumewestra ang aking kamay sa kaniyang harapan.
Nang matapos akung tumaya pumunta na ako sa kwarto para ipag patuloy ang pagbabasa ng tinawag niya na naman ako na nagpalabas ulit sa akin.
"Ano?" Medto inis na tanong ko sa kaniya.
"Kumuha ka don ng kanin kakain ako" utos nito. nakakainis talaga sa tuwing nandito siya sa bahay kasi kahit walang ginagawa utos lang ito ng utos. ang mama ko kasi ay nagtra trabaho, kaya siya ang nagbabantay sa nakababata kung kapatid dahil wala pa siyang trabaho mag iisang taon na, dahilan kung bakit napapagod ako dito sa bahay, pagod na nga sa paaralan pagod parin pag uwi.
-Paaralan
"Punyeto!" sigaw ko nang hindi nakikinig ang mga kagropu ko sa akin, meron kami ngayong group performance task at ako ang napiling leader kaya nagsisisigaw ako ngayon, pano ba kasi di marunong makinig ang mga ito sa akin.
"Di talaga kayo titigil, ibigay niyo yan sa kin!" sigaw ko nang hindi sila nakinig sakin at pinag kukuha ang kanilang mga cellphone.
Matapos ang nakakapagod na nangyari sa paaralan, isang nakakagod na naman na pangyayari ang madadatnan ko nang maka uwi ako sa bahay. Mga silyang nag kakalat, mga platong hindi pa nahuhugasan at mga damit na nasa sahig.
"Ano ba to" bulong ko sa sarili. pumasok muna ako sa kwarto para makapag bihis at ng makalabas nag simula na akong mag linis niligpit ko ang mga upuang nagkakalat at pinag patong patong, pinulot ko ang mga damit na nag kakalat sa sahig at nag simula ng mag hugas, ng matapos na kahinga na ako ng maluwag at nag simula ng mag saing, isa't kalahati na pala ang nagugul ko sa paglilinis, kailangan ko pang mag-aral. nang matapos pumunta na ako sa kwarto.
Habang nag ho-homework narinig ko na ang motor hudyat na naka uwi na ang aking papa.
"Ate." sigaw ng aking kapatid na hindi ko pinansin.
"Lyka!" Sigaw ni podracles na nagpatayo sa akin.
"Oh?" pagod na tanong ko ng makalabas.
"Itaya mo ako."
"Tss." biglang sagot ko na nag pagalit sa papa ko.
"Ano ayaw mo?, kaya di tayo na nanalo kasi pag inuutusan ka ganyan ka!" galit na sabi nito sa akin.
'Para na mang mananalo tayo kapag ngumiti ako halos araw araw ka ngang tumataya wala pa namang numero ang nag papapanalo sa atin, kung binili sana natin ang perang iyan pang ulam edi sana kumakain na tayo ngayon'
"Akin na." hingi ko sa kaniya nang numero at pera.
"Oh" bigay nito sa akin.
Nang maka taya, bumalik na ako sa bahay at ibinigay sa kaniya.
"Ano to? San ka tumaya?" tanong nito sa akin.
"Keyda Jun-jun"
"Tss, piste diba sabi ko keyda jojo, yan di ka kasi na kikinig busangot ka lang ng busangot tuwing inuutusan." galit na sabi nito sa akin.
"Di mo na man kasi sinabi sa akin na keyda jojo tumaya." paiyak na pangangatwiran ko. totoo naman ah di niya naman sinabi sakin.
"Bumalik ka don tumaya ka ulit, keyda jojo ha!" Utos nito sa akin at binigay ang perang pantaya ulit.
-Sa daan
"Buysit wala naman kasi siyang sinabing keyda jojo, pano ba kasi, sa lotto nalang umaasa na mag kakapera siya kaya palaging mainit ang ulo kasi walang pera, at ako ang pag bubuntungan ng galit, hindi naman kasi magandang pangkabuhayan tong ganito, kung nag invest siguro siya at nag ipon buysit, di tuloy ako nito makakapag study, nakakapagod na nga sa paaralan pati ba naman sa bahay na kakapagod pa rin." bulong ko sa sarili habang nag lalakad. at ng hindi na mamalayan tumutulo na pala ang mga luha ko na siguro ay na buo dahil sa galit. habang pinupunas ang aking luha napahinto ako habang tinitingnan si Duke na nag momotor, mas lalong na dag dagan ang sakit sa dibdib ko nang makita ko siya, like I said before Duke is someone beyond average at kung kailan nalulunod at nahihirapan ako tiyaka pa siya mag papakita para iparamdam sa akin na hagang ganito lang ang kaya ko, I see him everytime Im so down, everytime Im so tired but instead of cheering me up he just... just push me deep, and its hurt kasi he has the ability to lower my self-esteem and my confident.
I hate this feeling...
He feels like a goal that I though so easy to get, but so hard to reach
And I fucking hate it, I hate it that he keep showing in front of me everytime I'm drowning The worst is, He dont even have any idea that someone like me is drowning.

YOU ARE READING
Shell of Felicity
RomantizmIn a room full of different kind of students. No one have ever imagined that they would experience and encounter the true happiness and definition of love. Two person who have met unexpectedly. A man who have suffered a lot from his past. And a woma...