Rudelyn's POV
Nang atasan ako ni sir na mangolekta ng assignment tumayo ako at tinggap ang mga notebook na binibigay nila sa akin napatingin ako kay kennedy na nakayuko parin hanggang ngayon di niya ba narinig si sir dahan dahan akong lumapit sa kaniya ng mukhang wala itong naririnig sa paligid.
"Kennedy" tawag ko sa kaniya kaya dahan dahan nitong inangat ang ulo nito at naghintay ng sasabihin ko.
"Notebook mo, akin na yung assignment mo" malakas na lintanya ko sa kaniya di ko alam kung imahinasyon ko lang ba yun o ano pero bakit parang na dissapoint siya sa tanong ko may ine expect ba siya nag utal utal pa ito bago makasagot pero ng makabawi diretso niyang sinabi sakin na wala siyang assignment kaya umalis na ako buti nalang walang nakakita sa akin na lumapit ako sa kaniya baka kung ano pang sabihin ng mga kaklase ko.
Now I am concern, bakit ba kasi ganon ang mukha niya ng maka usap ko siya is there something wrong with what i ask ano naman ang sasabihin ko sa kaniya eh iyun lang naman ang pakay ko ah bahala na nga, kakainis.
Nang matapos mangolekta nag simula ng mang asar ang aking mga kaklase at si sir mark teacher namin sa mapeh.
"Oh kennedy bat ganyan ang mukha mo" tanong sa kaniya ni sir na hindi niya man lang pinansin.
"Anong ginawa mo dito rudelyn" tanong ni sir sa akin habang tinutokoy si kennedy kaya nag angat na ito ng ulo at tumingin sa akin ng mapansin na nakatingin rin ako agad itong nag iwas.
"Ehhhhhhhh!!!" sigawan ng mga kaklase ko.
"Wala namn akong ginagawa sir" sagot ko kay sir at naki go with the flow.
"Di mo ba kinomfort" pabirong tanong uli ni sir.
"Ehhhhh!!!" sigaw uli ng mga kaklase ko na hindi ko pinansin gayundin ang tanong ni sir.
" Sino ba kasi ang babaeng yun kennedy? Nandito naman ako" malanding biro ni sir.
"Nandito rin si Rudelyn maganda na matalino pa wala ka nang mahahanap na katulad ni rudelyn" pang shi ship sa amin ni sir na hindi ko pinag tuonan ng pansin.
"Kaya nga nandito naman si rudelyn" pakikisabay ng mga kaklase ko.
Walang nagawa si kennedy kundi ang mag kamot ng ulo at umiling.
"Paki kuha nga ng HDMI ko sa room rudelyn at kennedy."
"Ehhhhhh!!!!!" hiyaw ng mga kaklase ko ng utosan kami ni sir.
~hallway~
“Sorry ha..”simula ni kennedy habang naglalakad kami papunta sa third floor.
“Ah hindi ayos lang,di mo naman kasalanan na tinutukso tayo sa room.”awkward na sabi ko sa kanya.“Actually....ako nga ang dapat mag sorry sayo.”nakayukong sabi ko.
Bigla siyang napatingin sa'kin.“Bakit naman?”
“Kasi siguro kung hindi nila tayo tinukso,edi sana hindi nagselos si marie sakin diba?Edi sana hindi kayo nag-aaway na nauwi pa sa ganun...yung ano..”nahihiyang sabi ko.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong kumunot ang noo niya.“Ha?Sino naman nagsabi sayo niyan?”
“Si ano---wala pala hinala ko lang.”
Mas lalong nangunot ang noo niya.“Hindi,wala ka namang kasalanan.Hindi lang talaga siya nakuntento sakin at hindi mo kasalanan yun.”
Napapabuntong-hininga nalang akong tumango.
YOU ARE READING
Shell of Felicity
DragosteIn a room full of different kind of students.No one have ever imagined that they would experience and encounter the true happiness and difinition of love. Two person who have met unexpectedly.A man who have suffered a lot from his past.And a woman w...