Paghilom I: Pulseras

7 1 0
                                    

Dahlia's POV

Kinabukasan matapos ang tagpong iyon, kataka-takang nagising ako nang hindi man lang nakaranas ng kahit anong bangugot sa kalagitnaan ng pagtulog.

Pagmulat ko ng mga mata, hindi pa man din ako nakakabangon ay bila na kaagad pumasok sa isip ko ang tagpo namin kahapon.

Napahilamos ako sa mukha habang napapaupo sa kama ko.

Kahit gaano ko gustong kalimutan, wala akong magagawa dahil alam kong mas mapapadalas ang pagsasama namin dahil sa pinapagawa niya.

Tinanggal ko iyon sa isip ko at nagsimulang mag-isip kung ano ang disenyong gagawin ko para sa bahay niya.

Pumunta pa ako sa paborito kong kapehan para mas makapag-isip at makagawa nang maayos.

Architect Samson, you're here.

Muling sumagi sa isip ko ang litanya niya.

Nabitawan ko ang lapis na kapit ko dahil do'n.

Noong nagkita kami, mukhang hindi naman siya nagulat nang makita ang mukha ko.

Ibig sabihin ba no'n ay una pa lang, alam na niya kung sinong architect ang gagawa para sa bahay niya?

Napailing ako.

Mukhang malabo naman ang iniisip ko dahil biglaan lang namang binitawan ng isang architect ang project, ibig sabihin ay biglaang pagpapalit din ang nangyari.

Pero bakit noong nakita niya ako ay hindi man lang siya nagtanong kung anong ginagawa ko ro'n?

Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang gulo ng pag-iisip ko.

Kahit pa mukhang mahihirapan ako sa magiging sitwasyon namin sa mga susunod, tinanggap ko pa rin ang project dahil gusto kong may pinagkakaabalahan at may tinatrabaho ako.

Paano kung makita ko ang pamilya niya?

Muli akong napatigil sa paggawa nang pumasok sa isip ko 'yon.

Alam kaya ng asawa niyang ex ni Ardhen ang gagawa ng bahay na titirhan nila?

Halos alugin ko ang buong sistema ko dahil sa naisip ko.

Napailing pa ako bago ko muling kinapitan ang lapis ko at nagpatuloy sa paggawa.

Iba't ibang design at concept ang naisip ko at pinagsama-sama iyon angkop sa kung ano sa tingin ko ang magugustuhan niya.

Halos ilang linggo ang ginugol ko para mabuo ang disenyong sa tingin ko ay hindi na niya matatanggihan.

Dumating ang araw ng muli naming pagkikita ni Ardhen para ipakita sa kanya ang nagawa kong mga disenyo na puwede niyang pagpilian.

Nakatanggap ako ng email mula sa kanya kung anong oras at kung saan kami magkikita.

Hindi ako sumagot sa email na iyon para nabasa ko naman.

Naging gano'n na lang ang pag-uusap namin dahil ayaw ko namang kunin ang number niya.

Matagal ko nang binura iyon sa cellphone ko at hindi ko naman alam kung iyon pa rin ba ang number niya.

Wala pa siya nang makarating ako sa lugar kung saan kami nagkita noong nakaraan.

Naupo ako sa bakanteng upuan sa hindi kalayuan.

Hindi ko talaga maunawaan bakit dito pa niya naisipang magkita palagi kung puwede naman sa mga indoor places.

Bakit dito pa?

Ilang taon ko ring iniwasan ang pagpunta sa lugar na ito sa takot na maalala pa ang mga hindi naman dapat.

Ang lugar na 'to ang nakasaksi sa halos lahat ng mga alaalang nabuo namin ni Ardhen.

Paghilom: A Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon