Hi! If you reached this part, I assume that you're done reading this short story of mine. Thank you!
Gaya ng sabi ko, napakaraming nangyari kaya ngayon lang ako nakabalik. Andaming naganap tulad ng pagkapanalo ko bilang SSG President sa school namin, pagiging overall top 1 ko sa school, at ang work immersion and defense ko na nangyari lang nitong buwan ng Abril.
Napakarami kong tinrabaho pero siyempre habang tinatrabaho ko 'yon, hindi pa rin maalis sa isip ko 'tong pagsusulat. Sabi ko sa sarili ko, "makakapagsulat din ako ulit." Kahit hindi ko alam kung kailan, umaasa ako.
Hanggang sa nabigyan ako ng pagkakataon noong Christmas break. Wala naman talaga akong balak na magsulat ulit that time, pero dahil sa subject naming Creative Writing, napabalik ako nang wala sa oras. Bago mag Christmas break, binigyan kami ng task ng Creative Writing teacher ko na kailangan daw naming makapagsulat ng sarili naming story at lagyan ng illustration. It's either magdi-digital art kami ng partner ko o kami talaga ang a-acting. Iniwan kami sa gano'ng sitwasyon kaya ginawa ko 'to para sana maging entry namin sa short film. But, sad to say, hindi natuloy yung mismong project na 'yon so hindi ko 'to naipakita sa iba.
Pero I am happy kasi naisip ko na i-release siya rito so you guys can read my work again kahit napakaikli lang.
Just to be clear, I don't know kung kailan ako totally makakabalik. Kakatapos lang ng title defense and my group got the highest score out of all the groups na nag-present. Meron pag final defense and we're still working on our paper. Natapos na rin ang work immersion ko bilang Grade 11 Practical Research 1 teacher. Meron akong exam this April 19 and 20 at kailangan ko pang ayusin ang projects and events ng SSG, so parang nakaw na oras lang talaga 'tong pag-re-release ko nito, HAHAHAHAAH.
I hope all of you are doing well and great. I really miss you guys so much (literally sobbing while typing this).
Have a happy long weekends, guys! I love youuuuuuuuuuu!

BINABASA MO ANG
Paghilom: A Short Story
Cerita Pendek"Ang totoong paghilom ay tuwing nasa tabi mo ako" Totoo nga ang sinabing minsan ay mas masakit pang manatili kaysa umalis. Makakaya ko kayang kalimutan ka? Iyan ang tanong na hindi masagot ng isipan. Sinubukang gumawa ng mundo kung saan ang isang ka...