UNTIL THE NEXT SUNSET,
4sweetragedy.Third person POV:
Matapos ang nangyaring pag-uusap nila ni Kian ay walang gana at halos walang patutunguhang naglakad si Ellie papalabas ng hallway. Hindi n'ya namalayan na nasa may garden na pala s'ya.
Kahit papaano ay magaan na Ang pakiramdam n'ya. Alam na n'ya na hindi man sila magkatuluyan muli ni Kian ay alam na n'ya na napalaya na n'ya ang sakit na matagal nang pumipigil sa kan'ya.
Naupo s'ya sa isang mahabang upuan na kahoy sa garden ng kanilang university na hindi gaano kalayo sa mismong venue ng party. Hindi n'ya mapigilang mapangiti nang pumasok sa isip n'ya kung paano s'ya naging masaya sa piling ni Kian noon. Kung paano sila magtawanan at mag-asaran. Ngunit may isang pangyayari na hinding-hindi n'ya makalimutan.
Flashback:
Masasayang tawan at kulitan ang maririnig sa buong bahay nina Ellie. “Ellie, ready na ba 'yung mga toper wear ng ulam?” Aligagang tanong ni Sam habang patuloy sa kanyang ginagawa.
“Malapit na, wait lang!”
Pasado alas-kwatro na nang hapon at halos lahat sa kanila ay abala. Nag-aya kasi si Kian ng outing sa dagat malapit dito sa kanila para sana i-celebrate ang first anniversary nila ni Ellie. Tandang-tanda n'ya pa kung paano ma-excite ang kanilang tropa para sa outing na 'yon dahil sobrang kalat na ng buong bahay nila.
“Tara na! Okay na ba ’yan?” Kunot noong reklamo ni Neil. Kanina pa rin kasi s'ya nag-iintay sa kotse ni Liam.
“Oo kulot. Dalhin mo nga ’to!” Iritadong saad ni Nicole. Kanina pa kasi ito tanong nang tanong na animo’y boss sa isang resto.
“Sungit talaga nito,” kamot batok n'yang saad. “Siguro may feelings pa ’to sa 'kin,” pagmamayabang n'ya sa sarili.
Natatawa s'yang binatukan ni Ellie dahilan para samaan n'ya ito ng tingin, “Ang hangin mo pa rin talaga ’no? Tara na nga,” natatawang saad ni Ellie.
Nagsimula nang maglakad si Ellie papalabas habang bitbit ang toper wear na may lamang ulam. Sumunod na rin ang lahat sa kan'ya dahil nangangawit na si Neil sa hawak nitong box ng puto. Bakit nga ba hindi pa sila magbalikan kahit na halata naman talaga na gusto pa rin nila ang isa't-isa.
“Ganyan talaga kayong mga babae, 'no? Masyado kayong in denial. Bakit kasi hindi n'yo na lang aminin na gusto n'yo pa rin kami? Normal lang ’yon, ’no!” Bwelta n'ya pa ni Neil habang maingat na binababa ang ulam sa likod ng kotse.
“Tara na nga, ang dami mong dada, e. Tara na, Love,” malambing na saad ni Kian kay Ellie sabay akbay sa balikat nito.
Napangiwi naman sina Nicole, Sam, at Ely maging ang tatlong tukmol na lalaki. “Tara na nga, bago pa tayo langgamin sa dalawang ’to.
“Sus! Bitter ka lang, e. Tara na, Lovebirds!” Pang-aasar ni Sam dahilan para samaan ko sila ng tingin. Agad na akong nagtungo sa passenger seat habang sa likod naman sila.
Pinaandar na ni Kian ang sasakyan kasabay ng pag-andar ng maiingay nilang bibig.
_______
Saktont-sakto lamang ang dating nila sa beach dahil bago pa lang nagsisimulang lumubog ang araw.
Magkasamang naupo sina Ellie at Kian sa isang mahabang kahoy sa gilid ng dalampasigan, “Happy 1st anniversary, Love,” malambing na saad ni Kian sabay abot ng isang box na naglalaman ng isang moon necklace. He knows how she loves all about the sky, moon, and universe.
“Ang ganda, thank you,” nakangiting saad ni Ellie sabay yakap ng mahigpit sa binata.
Kinuha ni Kian ang kwintas at pumwesto sa likod ni Ellie para ikabit ang kwintas, “This necklace will symbolizes how much I love you. You're my brightest moon in my darkest night,” saad ni Kian.
Muling nagkatinginan ang dalawa at sa pagkakataon na 'yon ay muling niyakap ni Ellie ang binata, “You're also my sunset who symbolizes the promise of the new dawn in my life.”
End of flashback.
“Ellie!” nag-aalalang sigaw ni Sam. Mabuti na lamang dahil naisipan nilang hanapin si Ellie dahil kanina pa ito nawawala sa party.
Hindi na namalayan ni Ellie ang pagpikit ng kan'yang mga mata sa gitna ng dilim. Hindi na rin n'ya maramdaman ang sakit ng kan'yang dibdib na kanina n'ya pa nararamdaman. Unti-unting nawawala ang kan'yang malay at tanging sigaw ni Sam ang narinig n'ya bago tuluyang ipikit ang kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Until The Next Sunset (Completed)
Teen FictionKung may isang bagay man ang pinaka mahiwaga sa mundong ito, iyon ay ang pag-ibig. Ikaw, naniniwala ka ba sa hiwaga ng pag-ibig na katulad makulay na kalangitan sa tuwing lumulubog ng araw? Meet Elliana 'Ellie' Zalzedo, not a typical girl of this ge...