UNTIL THE NEXT SUNSET,
4sweetragedy.Hindi pa man ako nakakalayo sa parking kung saan ako nakatayo kanina ay agad na sumulpot si Liam sa unahan ko na para bang kanina n'ya pa kami tinitingnan at pinapanood ni Kian. “L-liam..” tanging saad ko.
Agad akong napalingon kung saad s'ya matalas at animo'y galit na nakatingin. Kitang-kita ko rin naman ang nag-aalab na galit ni Kian. Nasa gitna ako nilang dalawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
“Liam, tara na,” mahinahon kong saad sabay lapit sa kan'ya. Hinawakan ko ang kamay n'ya dahilan para mapatingin s'ya sa ’kin, “Bumalik na tayo sa loob,” patuloy ko. Kitang-kita ko naman ang lungkot, galit at pagkadismaya sa mga mata n'ya. “Please...”
Tumingin s'ya sa 'kin bago kusang umalis sa pagkakahawak ko at diretsyong naglakad pabalik sa loob. Napalingon ako saglit kay Kian at kitang-kita ko ang galit n'yang tingin sa akin at kay Liam.
Hindi ko na ’yon pinansin at patakbong sinundan si Liam papasok ng venue. Pinipilit kong hindi indahin ang sakit sa dibdib na nararamdaman ko. Please, h'wag ngayon. I want to enjoy this night...kahit ngayon na lang.
_____________
Nagsimula na ilang programs na inihanda ng organization dito sa university. Masasabi ko na na entertain naman ako kahit papaano.
Isa-isa nang tinawag ng emcee ang lahat ng partners para sumayaw sa gitna. Agad namang inilahad ni Liam ang palad n'ya sa unahan ko. Marahan akong napangiting inabot 'yon samantalang mababakas pa rin ang inis ay galit n'ya nang dahil sa nagyari kanina.
“Liam...okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong. Tila nawalan na kasi s'yang ng gana.
Tanging mahinang tango lang ang ginawa n'ya. Para bang ang bigat ng atmosphere sa pagitan naming dalawa. “I'm sorry,” saad ko. Ni hindi ko na rin magawang tumingin sa mga mata n'ya.
“You don't have to. Sino ba naman ako para sa'yo, ’di ba? I'm just your friend,” saad n'ya na may halong hinanakit.
Nangingilid ang luha kong napatingin sa nga mata n'ya, “Liam naman...”
“We should stop this nonsense. Bumalik na tayo sa table,“ malamig n'yang sambit. Hindi n'ya naman ako iniwan sa gitna at inihatid pa rin ako sa table naming pito.
“Ellie, anyare? Hindi pa tapos 'yung sayaw, ah?” Nag-aalalang saad ni Sam.
Marahan akong ngumiti. I don't want to ruin their mood, “Wala, napagod na ako kakasayaw,” maikli kong sagot.
Napatango na lang si Sam at hindi na nagtanong pa ng kung ano-ano. Hindi ako mapakali. Ano bang ginawa kong mali? Nasaktan ko ba si Liam? Naging manhid ba ako? Mas lalong humihirap ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang naman maging masaya ulit.
Ilang sandali pa ay natapos na ang sayaw. Nanatiling na kay Liam ang mga tingin ko. Panay lang s'ya tungga ng wine hanggang sa maisipan n'yang magpaalam kila Niel para lumabas.
“Mga teh, wait lang, sundan ko lang si Liam,” nagmamadali kong pagpapaalan kila Ely.
Nagmamadali kong sinundan ang napakabilis na lakad n'ya, “Liam, sandali!” Malakas kong sigaw sa hallway.
“Liam, sandali naman, oh!” nahihirapan kong sigaw. Medyo hinihingal na rin ako.
Tumigil s'ya kaya naman agad na akong tumakbo papunta sa gawi n'ya. Ang bigat ng gown na suot ko dahil sa malaki nating petticoat. “Liam...sabihin mo naman kung anong problema, oh!” Nangingilid ang luha kong saad. “Ano bang nagawa ko.”
Lumingon s'ya at saka mapait na ngumiti. “Wala...wala, Ellie, kasi kahit katiting hindi mo napansin.... Gusto kita, Ellie. Matagal na,” nagsisimula nang mangilid ang mga luha nya. Samantalang hindi ko na mapigilan ang pagluha ko. “I'm so sorry, hindi ko sadya.”
“Bakit hindi mo man lang napansin. For almost 9 years!...Mahal kita at ako na mismo ang problema. Gusto kita na kahit na alam kong lahat man gawin ko hindi mo pa rin masusuklian ang pagmamahal ko dahil mahal na mahal mo pa si Kian! Bakit.... bakit hindi na lang ako?” nagsimula nang bumagsak ang mga luha nya.
Ramdam na ramdam ko ang lungkot at pighati n'ya. Napahagulgol na rin ako pero wala akong magawa, “Kung kaya ko lang, Liam, matagal ko nang ginawa. Pero hindi kaya...hindi ko kayang turuan kung sino lang ang dapat mahalin ng mahina kong puso.”
BINABASA MO ANG
Until The Next Sunset (Completed)
Teen FictionKung may isang bagay man ang pinaka mahiwaga sa mundong ito, iyon ay ang pag-ibig. Ikaw, naniniwala ka ba sa hiwaga ng pag-ibig na katulad makulay na kalangitan sa tuwing lumulubog ng araw? Meet Elliana 'Ellie' Zalzedo, not a typical girl of this ge...