CHAPTER 11: The Accident.

2 1 0
                                    


UNTIL THE NEXT SUNSET,
4sweetragedy.

Third person POV:

Tanging ang tunog ng ambulansya at ang iyak nila Sam ang maririnig sa loob nito. Kasalukuyan nilang sinusugod si Ellie sa isa sa pinakamalapit ng hospital.

“Niel, tawagan mo si Kian at Liam!” Aligaga at naiiyak na saad ni Nicole.

Bagama't naguguluhan ay agad na kinuha ni Niel ang cellphone n'ya at idinial ang number ni Liam. Wala pang ilang segundo ng sagutin n'ya ito, “Bro, si Ellie...” panimula ni Niel. Bakas sa boses n'ya ang takot at pangamba.

“Anong nangyari? Asan si Ellie,” nag-aalalang tanong ni Liam sa kabilang linya.

“Bro.. nati-trigger na naman ang sakit n'ya. Isinusugod namin s'ya ngayon sa hospital,” aligagang saad muli ni Niel.

“I-text mo ang location ng hospital. I'll be there. Bro, please, ingatan n'yo si Ellie,” tanging naging tugon ni Liam sabay baba ng linya. 

Hindi naman na nagsayang ng oras si Niel at agad na tinawagan si Kian. Di tulad ni Liam, matagal nagring bago tuluyang sinagot ni Kian ang linya.

“What's the prob, Niel?” Tanong ni Kian na animo'y walang hang kausapin ang niisa sa kanila.

“Kian, si Ellie, sinusugod namin ngayon sa hospital,” nag-aalalang saad ni Niel.

Mas lalo pang kinabahan si Kian nang marinig ang hagulgol nila sa loob ng ambulansya, “Hintayin n'yo ako, I'll be there. Mabilis lang ako. Saang hospital?” Aligagang tanong ni Kian. Patakbo n'yang kinuha ang susi ng kotse n'ya at mabilis pa sa alas-kwatrong pumuta sa garahe.

“Sa San Serndio, hospital. Bilisan n'yo, bro! Himihina na ang pulso ni Ellie,“ saad ni Niel na lalong nagpakaba kay Kian. Mas lalo pa silang nag-aalala dahil naiipit na naman sila sa heavy traffic.

Walang ano-ano'y agad na n'yang pinatay ang linya at dali-daling nagmaneho. “No, Ellie, please, no!” Aligagang saad n'ya habang mabilis na nagmamaneho.

Ayos naman ang daloy ng trapiko pero nang makarating s'ya sa highway ay bigla na lamang nagkaroon ng traffic. Inis n'yang pinalo ang manebela ng sasakyan.

Inis n'yang iniliko ang kotse kahit na may nasa likod pa n'ya. Desperado na talaga s'yang makarating agad sa hospital kung saan dadalhin si Ellie. Ayos naman ang pagliko nya pero sa hindi inaasahan ay biglang tumigil ang makina nito. Nakaharang s'ya sa gitna ng hallway. Agad n'yang sinubukang buksan ang engine pero wala na talaga itong gas.

Napasabunot s'ya sa ulo n'ya. Isang malakas na busina ang kanyang narinig dahilan para mapaligon s'ya sa gawing yon. Isang malaking truck ng mga gulay ang pilit na pinipigilan ang mabilis nitong takbo. Tila nawalan naman ito ng preno.

Isang malakas na tunog ng busina ng truck at ang liwanag na nakakasilaw mula rin doon ang huling naaninag at nakita ni Kian bago tuluyang sumalpok ang truck na 'yon sa kotse ni Kian.

Tumilapon ang koste kung saan nakasakay si Kian dahilan para tumaob ito. Nagawa pa n'yang imulat ang mga mata n'ya kahit na sobrang labo na nito, “E-ellie....” Huling salitang binitawan n'ya bago tuluyang mandilim ang paligid at tuluyang mawalan na s'ya ng malay.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang ambulansya na tinawag ng mga taong nakasaksi sa nagyari. Agad nilang isinakay doon si Kian na ngayon ay nag-aagaw buhay na.

Dahil nga sa sobrang traffic ay naisipan nilang dumaan na lang sa eskinita kung saan dapat dadaan si Kian kanina. Iyon na lang kasi ang isa sa mabisang dahilan para maisugod agad si Kian sa hospital.

Hindi nga sila nabigi dahil hindi rin ganoon katagal ang naging byahe nila. Samantalang, nagkaroon na ng kaunting malay si Ellie habang naghihintay s'ya ng room. Kasalukuyan pa rin s'yang nasa hallway ng hospital.

Ang tanging narinig lamang nya ay kailangan na nya ng heart donor at kailangan na n'yang maoperahan ora mismo. Agad naman nang ipinasok ng mga nurse ang duguang si Kian.

Tula bumagal ang paligid nang magtapat ang hinihigaan nilang dalawa. Natapat ang hinihigaan ni Ellie at Kian. Bagama't nahihirapan si Ellie ay pinilit n'yang imulat ang mga mata n'ya. Para bang dimurog ng paulit-ulit ang puso n'ya ng makitang duguan si Kian.

Wala na s'yang nagawa kung hindi ang lumuha habang papasok si Kian sa loob ng E.R.

Until The Next Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon