EPILOGUE

1 1 0
                                    

UNTIL THE NEXT SUNSET,
4sweetragedy.


Isang mabagal at maginhawang simoy ng hangin ang sumasalubong at tumatangay sa mga hibla ng buhok ni Ellie. Pasado alas-kwatro na rin kasi ng hapon nang maisipan n'yang pumunta sa lugar kung saan n'ya mababalikan ang lahat-lahat.

Habang papalapit nang papalapit sa mismong lugar ay nagmistulang bumalik lahat ng masasaya at masasakit na ala-ala n'ya noong kabataan. Lahat ng tawanan, kalokohan, iyakan, at mga katarantaduhan nila noon. Lahat ng ’yon ay naaalala n'ya pa.

Kasabay ng paglubog ng araw sa kalangitan ay ang pag-upo n'ya sa tapat ng taong matagal na n'yang gustong makita muli't mahawakan.

Kian Drake San Agustin
March 23, 2004--January 18, 2023

Marahan n'yang hinaplos ang lapida nito. May mga nagkalat ng tuyong dahon dahil hindi na s'ya gaano kadalas magpunta roon. Today, January 18, ang ika 10th year death anniversary ni Kian.

“Sampung taon na rin pala,” saad ni Ellie sabay baba ng kandila at bulaklak na dala-dala n'ya. Marahan s'yang napabuntong-hininga sabay tingin sa magandang kalangitan na ngayo'y kulay kahel dahil sa paglubog ng araw.

“Ang bilis ng araw, hindi ko namamalayan ang mabilis na takbo nito kagaya kung gaano ako nakampante na hindi ka aalis sa tabi ko. Sayang, oo, hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako. Gusto pa kita sana makasama pero maaga ka ng kinuha sa ’kin, sa amin,” nakangiti n'yang saad habang patuloy na pinagmamasdan ang kalangitan.

Muli s'yang tumingin sa puntod ng taong dati'y lubos n'yang minahal, “But I'm very thankful dahil nawala ka man, ikaw naman ang dahilan kung bakit tumitibok ang puso ko ngayon,” muling saad n'ya.

Biglang pumasok sa aala-ala n'ya kung paano s'ya nagulat at nasaktan nang malaman na patay na si Kian.  Hindi nya mapigilan ang mga luha n'ya noon. Pero mas hindi n'ya napigilan ang paghagulgol nang malaman n'ya na si Kian ang kanyang heart donor.

“Kahit wala ka na, alam kong kasama pa kita, dahil na'ndito ka,” muling saad n'ya sabay turo sa puso n'ya na ngayong malakas na.

“You're still my brightest star in the middle of the night, Kian,” saad ni Ellie kasabay nito ang mahinang paghampas ng hangin sa kan'yang katawan na para bang niyayakap s'ya nito.

Unti-unting n'yang ipinikit ang kanyang mga mata at hindi nga s'ya nagkamali, nakita n'ya muli ang masasayang ala-ala kasama si Kian.

“Mommiee!” Bakas ang kamusmusang saad ng isang bata na ngayo'y patakbong lumalapit kay Ellie. Iminulat n'ya ang kanyang mga mata at isang matamis na ngiti na nagmula sa kan'yang munting anak ang kanyang nakita.

Hinihingal ang bata na napaupo sa tabi ni Ellie, “Hi, tito Kian! It's good to see you again,” nakangiti nitong saad bagama't bulol pa.

“Kiel, anak, bakit naman tumakbo ka? Halika nga dito,” saad ni Ellie sabay patong ng bata sa kan'yang mga hita. “Kailangan na nating umalis. What will you say for Tito Kian?” Nakangiti nitong saad.

Makulit at animo'y nag-iisip ang bata ng kan'yang sasabihin dahil itinuro n'ya ang kanyang isang daliri sa kan'yang ulo, “Hmm. No need to say goodbye naman na po. We will be back here for sure and I'm gonna visit you, again, again, and again!” Masigla nitong saad.

Mahinang pagtawa ni Ellie at ang pagbungis-ngis ng anak n'ya ang maririnig sa buong palagid. “Yeah, we should,” saad ng isang pamilyar na boses ang narinig ng dalawa dahilan para pareho silang mapaligon. Si Liam.

“Dad!”

Nakangiti rin s'yang naupo sa tabi ng dalawa. Ibinaba rin n'ya ang dala n'yang kandila at bulaklak. Dala rin n'ya ang isang laruan na s'yang paborito ni Kian. “It's good to see you, again, bro.”

Sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid. Nagkatinginan sila Ellie at Liam sabay ngiti, “Let's go?”

Nakangiting napatango si Ellie. Agad na binuhat ni Liam ang apat na taong gulang nilang anak. Bago sila tuluyang humakbang isang ngiti ang ginawa nilang pamamaalam.

Kasabay ng tuluyang paglubog ng kalangitan ay ganoon din ang simula ng kanilang paghakbang, hindi sa pagtakas sa nakaraan, kung hindi ang pagsulong sa kasalukuyan.

Her, Elliana ‘Ellie’ Zalzedo, again, a not a typical girl of this generation but one of the strongest woman in their own history.

THE END.

Until The Next Sunset,
4sweetragedy.

Until The Next Sunset (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon