UNTIL THE NEXT SUNSET,
4sweetragedy.Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng hallway matapos akong iwan ni Liam mag-isa. Mabuti na lamang at lahat sila ay nag-eenjoy sa party dahilan para walang dumadaan sa hallway. Hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit s'ya ngayon nasasaktan.
Ang tanga-tanga ko hindi ko napansin na napaglalaruan ko na pala ang nararamdaman n'ya. Hindi ko sinasasadya pero naging insensitive ako. I hate myself. I hate Kian. I hate this f*ckin' life. I hate you universe!
Walang ibang maririnig kung hindi ang malakas kong hagulgol sa hallway, “Did he left you alone in here just like what you did on me before?” Rinig kong saad ng isang pamilyar na boses. Nang magtama ang aking mga mata ay isang malamig na titig ang ibinigay ni Kian sa ’kin. Nakasandal s'ya sa pader ng hallway na hindi kalayuan sa akin.
“Masaya ka ba, ha? Sa tingin mo ba karma ko ’to?” Mapait akong natawa matapos banggitin ang mga salitang ’yon. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata n'ya katulad kung paano ako nagagalit sa kan'ya.
“Bakit? Hindi ba? Iniwan mo ako ng walang dahilan, walang paalam. Kaya h'wag ka ng magtaka kung bakit ka nasasaktan ngayon and for your information, hindi ako ang dahilan kung bakit nasaktan mo si Liam. Kasalanan ko bang ako pa rin ang mahal mo?” Mababakas ang yabang n'ya habang sinasambit ang mga katagang ’yon.
Hindi ko mapigilang tingnan s'ya ng masama, “Ang yabang mo rin talaga, e, ano? Sana nga hindi na lang, sana nga si Liam na lang. I don't deserve sa someone like you!---”
“STOP THIS F*CKIN' NONSENSE! Kaya ba nagawa mong umalis papuntang america ng walang paalam. Para maitago 'yang relasyon n'yo at 'yang kakatihan mo!” Malakas n'yang sigaw na umaalingaw-ngaw sa buong hallway. Tila nagpintig ang tenga ko sa mga narinig ko.
Buong pwersa akong lumapit sa kan'ya sabay bato ng sling bag ko sa dibdib n'ya, “Wala kang alam!” Saad ko habang patuloy s'yang pinapalo gamit ang sling bag ko. “Wala kang alam, Kian.” Nanghihina kong saad. Hindi na nakayanan ng tuhod ko kaya naman agad akong napaupo sa sahig. “Ganyan ba talaga ang tingin mo sa 'kin?
Mapait s'yang tumawa sinyales na ayaw n'ya akong pakinggan at paniwalaan pero kung para kanina at kumalma na s'ya, “Minahal kita, Ellie. Lahat kaya kong gawin para sa 'yo but you just leave me without any further reason or explanation. Hindi mo alam kung gaano mo ako nasaktan,” kumpara kanina ay mas bumaba na ang boses n'ya. Kalmado na kaming dalawa pero patuloy pa rin ako sa paghagulgol.
“Kaya ba naniwala ka agad kay Shyra? Kaya mas pinili mong kamuhian ako? Ni isang beses ba gumawa ka ba ng dahilan para malaman kung ano ang tunay kong dahilan? Di ba, hindi?” malakas na hagulgol kong saad.
Napahilamos s'ya ng mukha bago muling nagsalita, “We should stop this conversation. Nakainom ako, bukas na lang tayo mag---”
Tumayo na ako ng makabawi ako ng lakas, “No! Mas mabuti pang h'wag na tayong mag-usap. Ito na ang closure na kailangan natin. Ayokong masaktan ka ulit at ayokong masaktan mo si Shyra. Let's just set ourselves free from the past. Minahal kita noon kagaya kung paano mo ako minahal pero hindi baka tayo para sa isa't-isa. Yes, I still love you pero tama na,” nakangiti kong saad sa kan'ya.
Kitang-kita ko ang lungkot na matagal n'yang tinago dahil puro galit at pagkamuhi lang ang ipinapakita n'ya sa ’kin, “Can I hug you for the last time?” Nakangiti kong tanong.
Hindi na s'ya nag-atubili akong yakapin. Hindi ko na rin mapigilang maluha. Ilang minuto pa ay umalis na ako sa pagkakayakap n'ya, “Thank you, Kian and maybe not a goodbye but still a farewell for our feelings before.”
Tanging tango at ngiti ang iginanti n'ya sa kin. Tumalikod na ako kahit na hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
BINABASA MO ANG
Until The Next Sunset (Completed)
Roman pour AdolescentsKung may isang bagay man ang pinaka mahiwaga sa mundong ito, iyon ay ang pag-ibig. Ikaw, naniniwala ka ba sa hiwaga ng pag-ibig na katulad makulay na kalangitan sa tuwing lumulubog ng araw? Meet Elliana 'Ellie' Zalzedo, not a typical girl of this ge...