SHOT 9

123 7 0
                                    

One Of The Girls by The Weeknd

***

Iscalaide and Lysthea

Iscalaide and Lysthea

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shot 9

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shot 9

Mister and Miss

"Isa pa." Nilapag ni Iscalaide ang kaniyang plato sa harapan ni VS na luto lang nang luto sa harapan namin. Sa lamesang ito ay mayroong electric stove kung saan nagluluto si VS.

Nagpapasalamat na lang talaga ako na pumayag si VS. Mukhang ginawa niya ang gusto ng customer upang kahit papaano ay may kita siya.

Nilingon ko si Iscalaide na kanina pa kain nang kain. Seryoso lamang ang hitsura niya habang tinatapos ang kaniyang pagkain habang ako naman ay nagtatanong kay VS.

Dahil big time itong lalaking kasama ko, pinasara niya ang fast food ni VS at willing bayaran ang buong kita nito.

My goodness. Hindi siya takot na may makakilala sa kaniya, samantalang ako ay takot na takot. Aniya, ang mga tao rito ay nagtatrabaho sa ilalim niya, iilan lang iyon at ang ibang tao naman ay mas pinipili ang mamuhay nang payapa kaysa makigulo.

Nakasuot ng three stripes shirt at maong pants si Iscalaide na tinernuhan ng puting sapatos. Nagmumukha siyang simple ngunit dikit pa rin sa kaniya na para siyang modelo. Ako naman ay nagsuot ng simpleng pink shirt at pants. Pang-yapak ay flat shoes na brown. Ang sabi niya ay dapat magmukha kaming simple at makihalo sa mga tao.

"So gaano na katagal itong business mo?" tanong ko at sumubo sa aking kutsara. Mabuti na lang ay laging sumasagot sa amin si VS.

"Mag-dadalawang taon na rin yata? Hindi ko kasi binibilang." Tumawa ito. "Eh, kayo po ba? Ilang taon na kayo ni sir?" Ngumisi siya sa amin.

"Querida, can you pour me some wine?"

Gulat akong napalingon kay Iscalaide. Did he call me darling?!

Napatingin si VS sa kaniya. Maybe she understood as kerida, it means kabet!

"H-Ha?" Nanatili ang ngiti sa aking labi, kaonting nakaawang, habang nakatingin sa kaniya.

My Gentleman Psycho | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon