SHOT 22

55 1 0
                                    

Caprice No. 24 in A minor by Niccolò Paganini

***

Shot 22

Given and Taken

"Iscalaide, may problema ba?" tanong ko bago kami humanda para bumaba mula sa chopper.

Nakahinto kami ngayon sa tapat ng rooftop ng mansyon at ibinababa ngayon ni Iscalaide ang mahabang tali.

Parang naging hangin ang tanong ko para sa kaniya nang lapitan siya ni Astrid at kinausap ito na para bang hindi ko siya tinanong.

Hindi ako makapaniwalang iniwas ang tingin sa kaniya at hindi na lang nagsalita.

Naunang bumaba si Astrid gamit ang lubid. Nang lumingon sa akin si Iscalaide na nagpapahiwatig ay lumapit na ako sa kaniya at itinabi ang nakaharang na baril sa harapan ko.

Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko para alalayan ako subalit tinabig ko lang iyon at kinaya ang sariling makababa sa roof gamit ang lubid.

Ang gulo niya. Iba ang mga sinasabi niya sa ikinikilos niya. Hindi ko alam kung ano ang paraan ko para intindihin siya nang paulit-ulit.

Lumingon ako sa paligid ng roof at nakita ang isang sniper na nakalapag sa ibabaw ng bag nito na nasa sahig. This is the one who shot me earlier that I am very grateful for it because of the leather jacket I was wearing.

Hindi ko namalayan na nakababa na pala si Iscalaide. Sumunod sa kaniya si Astrid nang maglakad ang lalaki patungo sa sulok ng roof kung saan may malaking butas na para pinasabog.

Wala man lang bantay?

Mabilis na bumaba si Iscalaide, sunod si Astrid, at huli ako. Napahawak ako sa sahig na puno ng piraso ng mga bato na nakakalat sa paligid upang suportahan ang bigat ng sarili.

Sinundan ko ang dalawa tutal pinasama lang naman nila ako sa kanila.

S'yempre. Ano ba ang trabaho ko? Ang panatilihing ligtas ang mga boss ko. Sila 'yon. Isang hamak na ladyguard lang ako ng Wagners.

Mabilis kaming pumasok sa isang pribadong kwarto bago pa may makakita sa amin.

Nang inilibot ko ang tingin ay doon ko lang napagtanto na isa itong opisina. Iscalaide immediately approached a table full of computers and when I looked at it, I found out that it was the entire mansion's CCTV.

Tiningnan ko ang isa pang pintuan sa loob ng opisinang ito at nakita ang isa pang nag-iisang computer sa magulo na lamesa.

To my right, there is also a table where all telephones or technological devices that can be used for communication are placed. I even saw Selina's phone and the toy car that she and Leo invented.

Hindi ko alam na pati iyon ay nakuha nila. Kaya pala wala na silang ginagamit upang makakuha ng impormasyon dito sa loob ng mansyon.

Lumapit ako sa lamesang may nag-iisang computer. Katulad sa labas, CCTV lang din ito ng buong bahay pero nang ilipat ko, may isang camera ang nakapokus sa kawalan na para bang nakasuot ito sa isang tao at nakikita kung saan ito pumupunta.

Napansin kong nasa labas siya at nasa tapat ng mansyon na mukhang may inaabangan lang din. Nakita ko pa sila Klein. Kung isa man ito sa mga tauhan ni Caleb, bakit wala man lang kaming naririnig na putok ng baril?

Hanggang sa magsalita siya. Doon ko nakilala ang kaniyang boses na nagpabigla sa akin.

Napaangat ako ng tingin mula sa screen nang bumukas ang pintuan at kunot-noong nakatingin sa akin si Iscalaide na nanatili pang nakahawak sa doorknob.

My Gentleman Psycho | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon