Shot 17
No One
"Hindi ako aalis."
"You need to—"
"Please, Mr. Vegas! If you have nothing to say, you may leave, sir."
Itinuloy ko ang pagsuntok sa foam na hawak ni Spero na hindi alam ang gagawin kung aalis ba siya o hindi. Siguro ay naguguluhan na siya ngayon sa inaasta ko sa boss ko.
Umiling ako at nagconcentrate sa ginagawa.
Bakit ba gustong-gusto nila akong ginaganito? Gusto ko lang naman ay makatulong sa kanila pero bakit ganito ang sinusukli nila sa akin?
Kita kong napatingin si Spero kay Vegas na mukhang sinenyasan dahil ibinaba niya ang kaniyang dalawang kamay at iniwan ako.
Padabog kong tinanggal ang boxing gloves sa kamay ko at tinapon sa gilid. Umupo ako at uminom ng tubig. Pagkatapos no'n ay pinunasan ko ang sarili at hindi binalingan ng tingin si Vegas.
"It's for your safety. I'm not making you choose. You have to leave the country," he insisted.
"Vegas, only you want that. I will never leave. I will stay here," I said.
"Please..."
Suminghap ako at tumingin sa kaniya. Hinilot niya ang kaniyang batok siguro dahil sa pagod at hirap sa pagpilit sa akin.
"No. Hindi mo ako mapapapunta ng Italy. Hindi ko kayang gawin 'yang gusto mo," pagmamatigas ko.
"I'm not the only one who likes it," he said. He sneered.
I was stunned. "Who?"
He was silent for a moment until he sighed and answered me. "It's Scade. He doesn't want you here. Whether you like it or not, his order will be obeyed," he replied.
I stood up and met his gaze.
"Fine!" I said with a hint of annoyance in my voice. I feel in control again. "If you want me to follow your order, I have one condition."
"What is it?"
"I want to talk to my father," I said almost in a whisper but I knew he could hear me.
His eyes narrowed. "Strictly no."
My lips parted. "Then, no deal! Just straight to the point! Ayaw niyo na sa akin dahil tapos niyo na akong gamitin. Gusto niyong bumalik na ako sa pinanggalingan ko. Am I right, Vegas?" I could almost hear my own voice begging.
Dumilim ang kaniyang ekspresyon at halatang hindi nagustuhan ang aking sinabi. "Saan ba nanggagaling 'yang sinasabi mo?"
"Oh, bakit? Is it all that I said was true?" may bahid ng irita ang aking boses.
Nanigas ang kaniyang panga at nagsilabasan ang ugat sa kaniyang braso.
"What you say is no longer important, Lysthea. There is no truth." He stepped closer to me. "Can you just say yes, please? This is for you," marahan niyang saad.
Please. He says the word.
Vegas is begging.
"Dalhin mo ako kung nasaan si daddy, Vegas..."
Napayuko ako.
Hindi siya sumagot.
Alam ko sa oras na ito ay nagbabadya na ang luha sa nag-iinit na sulok ng mga mata ko dahil sa pagiging tahimik niya. Pero nilabanan ko ang pagbagsak no'n. Pinunasan ko ang halos babagsak na mga luha sa mata ko.
Kinuha ko ang tumbler at bimpo ko na sinampas ko sa aking balikat bago ko ihakbang ang mga paa palabas ng gym.
Pagkabukas ko ng pintuan ng gym ay sumalubong sa akin ang malamig na ihip ng hangin at nagdidilim na kalangitan. Magta-tanghali pa lang subalit ayaw na magpakita ng araw.
BINABASA MO ANG
My Gentleman Psycho | ✔️
RomanceIn a world where loyalty is everything and betrayal lurks in the shadows, Lysthea Valentin Abriar, an assassin under the Wagner family, part of an international group of mafia of the families, grew up in a chaotic and violent world. She finds hersel...