Vegas to Lysthea
Shot 18
Heaven and Hell
Tumitig nang ilang segundo sa akin si Iscalaide bago tumalikod at nagmamadali ang mga yabag na lumabas gamit ang likod na daan.
Tumingin ako kay Vegas at nginitian siya. Niyakap ko siya nang mahigpit.
"I pu miss tang you ina mo, Vegas. Hindi niyo ako mapapaalis ng gano'n-gano'n na lang. Kilalanin niyo binabangga niyo," nakangiti kong saad habang nakabaon ang mukha sa kaniyang dibdib.
I felt his chest vibrated as he answered me. "You disappointed me."
Humiwalay ako sa yakap at tiningala siya.
"Don't do it again. Magtatanim na talaga ako ng sama ng loob sa 'yo."
Bago ko siya layuan ay tumingin muna ako sa paligid at nang masigurong abala na ang mga tao ay mabilis kong pinalipad ang kamao kong bahagyang nakaangat ang buto ng gitnang daliri sa tuktok ng ulo ni Vegas. Bahagya pa akong tumingkayad para lang magawa ang gusto kong gawin.
"Aww!" reaskyon niya at humawak sa kaniyang ulo.
Agad akong tumalikod at nagkunwaring hindi ko alam ang nangyari sa kaniya.
Kinaltukan ko.
Dumiretso ako sa likod ng mansyon at hindi nakita roon si Iscalaide kaya pumunta ako sa isang tagong lugar.
Lumusot ako sa malaking butas sa pader. Mula rito ay nakita ko si Iscalaide na nakatayo sa tapat ng dagat at pinapanood ang alon nito.
Naglakad ako palapit sa kaniya. Hindi pa man ako nakakahinto sa gilid niya ay hinarap na niya ako. Hinangin nang malakas ang buhok at damit namin.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" marahan subalit seryoso niyang tanong. Wala akong mabasang emosyon sa mga mata niyang nakatitig sa akin.
Hindi ako sumagot.
"I tried my luck. Sinubukan ko kung tatalab ba sa 'yo ang pag-alis mo sa bansa pero nagkamali ako. I did it for you, Lysthea. I even made Levi look after you. I made sure you were safe in Italy. Alam mo naman na para sa 'yo 'yon, hindi naman mahirap intindihin, 'di ba?"
Umiling siya dahil sa dismaya sa ginawa ko. Nilagpasan niya ako pero bago pa man niya ako tuluyang layuan ay hinarap ko siya.
"Hindi rin naman siguro mahirap intindihin na gusto kong manatili dito at tumulong, 'di ba?" balik ko sa kaniya.
"You don't get it!" harap niya sa akin.
"Ang hirap kasi ng gusto mo!" Sumabog na lang ako bigla dahil sa pagiging bossy niya.
"Mahirap man o hindi, everything is for you! In fact, hindi kami ang gustong pahirapan ni Caleb, yes, he wants to kill us but his main target is the ladies of Wagner; Selina, my mom, and especially you."
BINABASA MO ANG
My Gentleman Psycho | ✔️
RomanceIn a world where loyalty is everything and betrayal lurks in the shadows, Lysthea Valentin Abriar, an assassin under the Wagner family, part of an international group of mafia of the families, grew up in a chaotic and violent world. She finds hersel...