SHOT 8

106 8 0
                                    

Shot 8

Who and Why?

Umagang-umaga at nagtawag agad si Yocen sa pool. May gagawin daw kami, training ulit. Kung dati ay ako ang huma-handle sa mga tauhan ni Mr. Santiago, ako naman ngayon ang sasabak. Dati naman ay laging ganito ang nangyayari, kahit no'ng bata pa ako.

I was still yawning when I entered the pool area. Nando'n na rin ang iba, naka-black sleeveless at black pants. Si Yocen ay naka-white sleeveless at shorts. Ang outfit ko naman ay katulad din sa kanila ngunit naka-sports bra naman ako.

Good thing, Yocen sent a clothes for me. Nakakailang lang dahil pulos mga lalaki ang nandirito, walang babae.

"Morning," mahinang bati ko nang pumunta sa pwesto. No one responds to me. Great.

"Okay, let's start. I know you've been already trained. Ilang beses na rin AT!" lumakas ang boses niya. "... noon 'yon. Who knows? Baka sa ilang taong hindi pagta-train sa inyo ay mga lampa na kayo?"

"And now they need us, they need our strength to kill those assholes who just trying to destroy our territory. As the in charge of this team, I'd like you all to be more loyal and brave enough to be just killed like you did everything worthy."

Tumingin sa akin si Spero. Tipid akong ngumiti sa kaniya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin at tumingin na lamang sa harapan.

"Now, I'll test your speed. Itatali ko ang mga kamay at paa niyo at lulusong kayo sa pool. Perhaps, a seconds will do to untie the rope in your hands. Good luck."

Nagsimula nga niyang talian kami isa-isa. Hindi naman ako kabado, siguro sa kasanayan na rin.

Kumunot ang noo ko. Pansin ko na ilang beses niyang inikot-ikot ang tali sa kamay ko at ilang beses ding pinagbuhol. Alam kong may mali dahil nagmamasid ako sa kaniya kanina pa. Iba rin ang tali, mas manipis itong akin kaysa sa akin, mas mahihirapan ako nito dahil sa higpit ng pagkakabuhol niya sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa paanan nang sunod niyang talian iyon. Kinagat ko ang labi nang higpitan niya iyon at para bang mahaharangan no'n ang daloy ng dugo sa paa ko.

Tumayo siya sa harapan ko at malamig ang tingin sa akin. Nilagpasan niya rin ako. Lilingunin ko sana siya nang bigla niya akong itinulak sa pool. Kita ko rin ang pagkagulat sa kanila bago ako tuluyang mapunta sa tubig.

Sa sobrang gulat ay nakalanghap ako ng tubig na nagpadala ng sakit sa ulo ko. Ngunit hindi iyon ang inintindi ko. Kita ko na rin na lumubog ang iba at sinusubukang tanggalin ang tali.

Nabalot na ng bula ang tubig dahil sa akin. Habang tinatanggal nang pilit ang lubid ay nakatingin ako kay Spero na nakatingin din sa akin bago tuluyang umahon.

Ang iba ay nakakaahon na, ako na lang ang hindi.

Naging malikot na ako sa pool. Natanggal ko na ang tali sa kamay ko. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko ngayon, sobrang galit na galit ako.

"Lysthea! You can do it!" dinig kong sigaw ni Spero. "What the hell, Yocen?! I saw that!"

"Saw what?" malamig ang boses ni Yocen.

"The different rope you tied to her!"

"It's just the same. Guni-guni mo lang 'yon, Spero. What's your problem, anyway? Do you want me to train y'all like a junior? Luwagan ko pagkakatali? Tss. Shut your mouth."

Inawang ko agad ang labi nang makaahon ang ulo ko sa tubig. Agad kong hinabol ang hininga. Dumako ang tingin ko kay Yocen. He tilted his head, para bang naaamazed pa siya habang tinitingnan ako.

Ang mukhang natataranta na si Spero ay parang nabuhayan nang makita ako. Nakalubog ang kaniyang mga paa sa tubig at lumusong muli para lumapit sa akin.

"You okay?" tanong niya na tinanguan ko lang. Muli akong tumingin kay Yocen.

My Gentleman Psycho | ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon