Chapter Fourteen- Kissed by K.
HER POV
Heyy! Sembreak na! Wooh! Yes. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung inalagaan ako ni Kuyang Gwapo. Since then hindi ko na siya muling nakita. Sayang. Nga pala, si Kevs nanliligaw na saakin. Araw-araw may bulaklak at tsokolate siyang dala. Pumunta din siya sa bahay at nagpaalam na liligawan niya ako.
Heto kami ngayon nasa isang mall kasama ko siya. Inaya niya akong lumabas. Tutal kaboring sa bahay kaya pumayag na ako. Tsaka libre niya. Hahaha. Nakacontact lense ako ngayon. Ewan ko trip ko lang. Tsaka na longsleeves at short tsaka ko pinartneran ng Roshe Run. Simple lang akong manamit wala ng churva chenalulu akong linalagay.
"Sam may sasabihin sana ako sayo. Importante ito." Bigla siyang nagsalita. Kanina pa walang imikan. Hindi ko alam bat biglang lumalayo ang loob ko sakanya.
"Ahh. Sure. Let's finish our food first. Baka gutumin tayo mamayang maguusap tayo. Hahaha." I joked. Para naman gumaan ang atmosphere. Awkward eh.
Kalahating oras siguro bago kami natapos. Inaya niya ako sa garden ng mall na ito. Doon daw kami mag-usap. Naiilang ako kasi nakaakbay siya saakin tapos hindi matanggal ang ngisi niya sa kanyang mga labi. Pinabayaan ko nalang siya. Ayoko namang mapahiya siya.
Pagdating namin dun bigla niya akong hinapit at hinalikan. Gulat na gulat ako. Di ko alam ang gagawin ko. Sa sobrang gulat ko tinulak ko siya. Kitang-kita sa mukha niya na nagulat din siya
"L-lei. Di mo ako maalala? Ako to si Netnet mo. Ang childhood bestfriend mo." Watda? Childhood best friend? Wala akong maalalang meron ako ganon. Tska Lei? Ako yun? Yung sa panaginip ko?
In an instant sumakit ang ulo ko. Sa sobrang sakit nanghina na ako at nahimatay.
Kevin's POV( shooooooort lang.)
Sasaluhin ko na sana si Sam ng may nakauna saakin. Tinignan ko siya ng makilala ko. Pagkakita ko palang sakanya nagiba na ang mood ko. Siya nanaman. Ang laging bukangbibig ni Sam. Nakakainis siya. Lahat nalang inaagaw niya saakin. Maghintay lang siya ako naman ang mangaagaw sakanya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sabi ko sandali lang ako mawawa. Pero yung sandaling yun umabot ng isang buwan. Paasa no? Hahaha. La eh ganyan talaga pag maganda.👊✊