Chapter Thirteen-Dreams

45 4 0
                                    

Chapter Thirteen-Dreams

HIS POV

I can't believe it! She called me Netnet. Iisang tao lang ang tumatawag saakin ng ganyan. Tinignan ko siya nakapikit siya at nakangiti. Hawak niya ang kamay ko. Nung hinawakan niya kanina ang kamay ko parang may milyong-milyong boltahe ang dumaloy sa katawan ko.

"Netnet bestfriend ko." Napatingin ako sakanya ng bigla siyang nagsalita ulit. This time wala ng pagdududa. Siya na talaga ang hinahanap ko. Binantayahan ko siya buong magdamag. Nagiba siya. Dati hindi siya ganito. Ano bang nangyari sakanya? I need to know! This is frustrating! Arrgghh!

THIRD PERSON's POV

Kasalukuyang nananaginip ang dalaga. Ang kanyang nakaraan ay linalaro siya. Nakikita niya ang mga nangyari noon.

May isang batang lalaki ang nadoon pero hindi nito maaninag ang kanyang mukha. Kahit ganoon, magaan parin ang loob niya sa batang lalaki. Naglalaro lang sila ng soccer sa kanilanh bakuran. Ito ay ang kanilang paboritong laro. Tinadyak ng batang lalaki ang bola ngunit di ito nasangga. Napunta ang bola sa kalsada hinabol nito ng batang babae. Sa sobrang pagmamadali niya hindi niya napansin ang paparating na kotse sa kanyang gilid. Kitang-kita ng batang lalaki ang nangyari. Sa takot niya tumakbo ito. Tinawag siya ng batang babae

"Netnet w-wag m-mo ak-kong iw-an."

"Netnet bestfriend ko."

Pagkatapos nito ay nawalan na siya ng malay at yakap-yakap niya ang bolang ginagamit nila sa paglalaro.

----

May isang tao ang nagmamasid muli sa bawat kilos nila. Ang mga nangyayari ngayon ay umaayon sa kanyang plano.

----

HER POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Inalala ko kung anong nangyari kahapon. Yung halik niya. Gosh! Kinikilig ako. Humaharot nanaman ako.

Linibot ko ang aking tingin. Dun ko lang napansin na hindi ito ang kwarto ko. Babangon na sana ako ng bigla akong nahilo! Shit happens. -____- nanatili nalang akong nakahiga at hinintay na may pasok sa kwartong ito. Gusto ko ng umuwi kaso hindi ko pa kaya. Baka nag lulupasay na yung exaggerated kong pinsan. Jusko. Sakit sa ulo yun.

Mga benteng minuto ng nakita kong gumalaw ang doorknob nagtugtulugan ako at hinintay kong iapproch niya ako.

"Oy. Lei.. Ahmm Sam pala gising kana para makain mo na ang almusal mo." Nagmulat ako at kunwaring kakagising ko pa lang.

"Anong nangyari kahapon? Bakit ako nandito?" Tanong ko sakanya.

"Abnormal ata 'to. Ahh. May lagnat ka. Gusto mo bang umuwi na? Kainin mo muna yan. Tapos ihahatid na kita." Giniwa ko naman ang utos niya. Bigla kong naalala yung panaginip ko. Ako ba yung batang babae? Sino naman yung lalaki? Aisht. Bahala na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Masabaw ulit. Hahaha.

Love is BlindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon