Matagal na akong hindi nag UD. Sorry guys. Busy ako. Hahaha. Daming ginagawa sa school. Ayan pambawi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
HIS POV
Nandito na siya. Manggugulo na naman ulit siya. Sigurado ako dun. Nakakaleche ang buhay!!
Nandito ako ngayon sa isang parke. Nanonood ng mga batang naglalaro. Habang pinapanood ko sila may batang lumapit saakin. Mga 2-3 years ol na siguro siya. Babaeng cute. Nagsmile siya saakin tsaka binigyan niya ako ng candy.
"Tuya ninibigay pyo ni Atye Gyanda ang kyendi na yan." Medyo bulol pa siya pero naiintindihan ko naman. "Tyangyapin myo na Tuya. Niningalay na tamay kyo." Aba! Makautos 'tong batang to.
"Asan na. Tsk! Sino nagbigay? Bakit niya ako binigyan?" Nagkibit balikat lang siya tsaka na siya umalis. Pinagmasdan ko lang ang candy. Tinignan ko ang likod ng candy. May nakasulat rito ang sabi "I like You". Gusto ko man kainin kaso baka may lason ito. Ibinulsa ko nalang ito tsaka ako pumikit ng mata. Syempre. Ano gusto mo pumikit ng ilong? Psh. Dinama ko ang hangin. Ninamnam ko ang kada segundong payapa. Iidlip lang muna ako.
HER POV
Nasa park ako dito sa malapit sa aming bahay. Trip ko lang tumambay. Nagutom ako kaya pumunta muna ako sa tindahan na malapit sa park na ito. Bumili ako ng tinapay at isang softdrink lang tsaka na candy ang sukli. Yung fresh candy ang binili ko. Natatawa kasi ako sa mga nakasulat sa likod nito.
Bumalik ako dun sa bench na inuupuan ko kanina. Natingin-tingin ako sa kabuuan ng park. Natigilan ako ng nakita ko siya na nakatingin sa mga batang naglalaro. Tinawag ko ang isang bata at pinabigay ko ang isang candy sakanya. Pinagmasdan ko lang siya kung ano ang gagawin niya sa binigay ko. Nakita kong ibinulsa niya ito tsaka siya pumikit. Mga ilang minuto din akong nakatitig sakanya ng mapagpasiyahan ko na lapitan siya. Nakatulog na siguro siya.
Umupo ako sa tabi niya. Napansin kong parang nangangalay siya sa pwesto niya kaya isinandal ko muna siya sa balikat ko. Ipinikit ko na rin ang mata ko at napagpaayahan kong matulog muna. I'll cherish this moment. Once in a lifetime lang kaya ito no. Hahaha.
HIS POV
Napalingat ako sa akong pagtulog ng maramdaman kong may pumatak sa aking pisngi. Iaangat ko na sana ang ulo ko ng mapagtanto ko na may nakapatong dito. Inamoy ko siya. Agad ko namang nalaman na si Sam ang nasa tabi ko. Inalis ko ng dahan dahan ang ulo at inilagay ang ulo ni sa balikat ko. Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya at pinakatitigan ko siya. Naamoy ko yung candy na katulad na binigay saakin ng bata. Siguro siya ang nagbigay.
Maypumatak ulit sa tubig. Pero this time sa pisngi naman niya. Pinunas ko yun gamit ang thumb ko. Ang ganda naman pala niya eh. Perfect pair of eyes, pointy nose, rosy cheek at kissable lips. Napatunganga ako sa labi niya. There's something sa loob ko na pinupush na halikan ko siya. Hindi ko napansin na nalapit ko na pala ang mukha ko sakanya. Konti nalang mahahalikan ko na siya ng bigla siyang nagmulat. Nagulat siya, nagulat din ako pero hindi ko pa rin nilalayo ang mukha ko sakanya. Akmang magsasalita siya pero napigilan nito ng labi ko.
Kasabay ng paghalik ko sakanya ang pagbuhos ng ulan na parang ang halik ko ang nagsilbing go signal nito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Oh! Ayan na! Team SamNeil muna ngayon! Hahaha. Cliffhanger ako.😂😂😂
