"MEEEOOOWWW!"
Iyak ko dahil sa inilagay ako ng mama sa isang sako. Perfect for experiment sabi niya kanina. Jusmiyo! Apat na linggo palang ako dito mukhang mamamatay nanaman ako.
"MEEEOOOWWW!Meow!" daing ko dahil sa biglang inalog ako nung mama. "What a noisy cat", rinig kong sabi niya.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil sa nasa loob ako ng sako wala akong makita. Medyo nahihilo na nga ako. Hindi ko naman mangatngat itong sako. Kahit na complete teeth na ako super liit naman.
Aaaahhh! Anak ka tipaklong, Coco #10!
Sa sobrang hilo ako ay nawalan na ako ng malay. Bahala na kung mamatay. Ano ba namang magagawa ko bilang isang maliit na kuting?
Nagising nalang ako nang binuhat ako nung mama at inihagis sa loob ng isang kulungan na puro mga pusa. Maliban sa kulungan kung saan ako inilagay may mga aso, daga at kuneho rin.
Nagulat ako ng bigla kaming umandar. Nakasakay pala kami ngayon sa isang wagon. Napatingin ako sa may labas, mukhang nakalayo na kami sa Dorhaven Village. Actually, mukhang nakalabas na kami sa Milbourne territory dahil sa gubat ang nakikita ko ngayon.
Oh no!"MEEOWWW!" Nakisabay na ako ng iyak sa mga hayop na kasama ko dito.
~~~~
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng ma-catnapped ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakarating kung saan man nila kami dadalhin.
Sa totoo lang mukhang mamamatay na muna ako sa gutom bago kami makarating. Hindi man lang kami pakainin puro tubig lang. Madumi pa na tubig.
Mangilan-ngilan na rin ang mga namatay na mga ka-preso dahil sa takot at gutom. What's worse is that they ended up getting eaten by these men.
Dear Beast God of Cats Kin, Mishipeshu, a.k.a. Coco #10,
How are you? I hope you are doing fine eating all the "tiniks" in the world. Aren't you curious about me? Well, you see...
I am about to die here! If you have any conscience at all, please save me as soon as possible.
Really... please send help.
Desperately begging,
Cattleya
Taimtim na panalangin ko. Nagbilang ako ng tatlo wala pa rin nangyari kaya nag-pray ulit ako.
Dear Lord...
At kung sinu-sino pang mga Gods ako nag-pray hanggang sa may nakita akong signboard na nadaanan namin.
Sobrang luma na ng signboard at halos mabura na ang nakasulat pero dahil matalas ang paningin ko ay nabasa ko siya.

BINABASA MO ANG
The Duke and I
HumorIn a moment of selfless bravery, Cattleya perished after rescuing a stray cat from an oncoming truck. Little did she realize, the cat was a disguised Beast God. In recognition of her noble sacrifice, the Beast God granted Cattleya a life of unparall...