"Cattleya, ikaw daw maghuhugas ng mga pinagkainan!"
Agad na sinamaan ko ng tingin si kuya dahil sa sinabi niya. Kakaupo ko lang sa may sofa para sana manuod ng TV tapos uutusan ako maghugas ng mga pinggan?
"Ako na nga nagprito ng bangus, ako pa maghuhugas? Eh ikaw kuya, ano ambag mo?" pagrereklamo ko.
"Ako kaya bumili ng coke." sagot niya sabay agaw saakin nung remote.
"Eh kung ipalaklak ko sayo lahat ng coke?"
"Ma! Oh! Nagrereklamo si Cattleya. Ayaw niya maghugas ng mga pinggan."
"Ano ba't magkatabi lang kayo nagsisigawan pa kayo! Cattleya, maghugas ka na doon!" biglang sulpot ni mama na nasigaw din. Makapagbawal akala mo hindi nasigaw.
"Ang daya naman! Ako na nga nagprito..."
"May sinasabi ka, Cattleya?" tsaka ako tinignan ni mama na para ba siyang halimaw.
"Wala ma... sabi ko ang ganda mo. Sana all..." Kaya naman wala na akong choice kundi iligpit yung mga pinagkainan namin sa may mesa dahil sa ako raw ang maghuhugas.
Kainis.
"Coco! Huwag mo kainin yan! Matitinik ka!" agad na pinababa ko ng mesa yung alaga naming pusa na palihim na kinakain yung mga pinagtinikan namin.
Agad akong kumuha ng cat food at inilagay sa kainan niya. "Ang sosyal ng pagkain mo at mahal tapos mas gusto mo mga tinik?"
Napatingin ako sa may sink... ba't ang dami? Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maghugas.
Gabi-gabi nalang ako lagi naghuhugas. Hindi naman ako makapalag kay mama. Nagiging halimaw kasi siya kapag nagrereklamo ako.
Patapos na ako nang may biglang naglatag ng gamit na baso. "Hindi ka pa naman tapos eh, ihabol mo na ito." Si kuya at ang pinag-inuman niya ng coke.
"Lunukin mo yan!" tukoy ko doon sa baso.
"Talaga ba? Ikaw din. Sahod ko pa naman bukas, ayaw mo ng extra allowance?"
"Joke lang." Sabay kuha doon sa baso at sinabunan. "Baka meron ka pang gusto ipahugas idala mo na lahat dito."
"Mukha kang pera, Cattleya. Pero ito oh, pakihugas yung tumbler ko." letchugas meron ngang idinagdag. "Tapos ito ring mga hindi ko naiuwing mga tumbler. Yung iba may mga tumigas na kape pero kaya mo na yan. Hahahaha..."
Tsaka niya ako iniwan sa kusina na luging-lugi. Bwisit. Dahil sa may mga tumigas na mga kape doon sa tumbler, ibinabad ko muna sa tubig at iniwan.
Lumabas na muna ako para pakainin yung mga nagwawalang pusa sa labas ng bahay.

BINABASA MO ANG
The Duke and I
HumorIn a moment of selfless bravery, Cattleya perished after rescuing a stray cat from an oncoming truck. Little did she realize, the cat was a disguised Beast God. In recognition of her noble sacrifice, the Beast God granted Cattleya a life of unparall...