uChapter 1

42 1 1
                                    

Kulang nalang ay gumapang dahil sa hirap ng buhay.Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman.Ang mga mahihirAp ay lalong naghihirap,san na nga ba tutungo?Karukhaan ang tanging nakapaligid sau.Ang kikitain mo sa araw araw ay di sapat na pantustos sa pag-aaral at sa pagpapaaral ng iba pang nakababatang kapatid.Anak ng buwaya,dagdag pang panggulo sa isip itong mga nakapaligid saung mga inggitero at inggiterA.Walang ibang magawa kundi ang libakin ka at gawing pulutan ng usapan nila.
Kayo ba naman ang ipanganak na tisay at ubod ng gandA,hindi ba kau kaiinggitan?Mabuti pa ay idaan ko nalang sa ganito,kesa naman magmumukmok ako at mag iiyak dahil sa pang-aalipusta at panghuhusga nila.Mas lalo lang nilA akong pagtsi-tsismisan.Tatawanan ko lng kau.Sino ba nman kau na pagtutuunan ko ng pansin?Mas kailangan ako ng mga kapatid ko.
"Pabili nga po ng suka,aling medeng."si tisay na halatang kagigising lang.
"Oy,tisay,magsasalad ka na nman ba ng talbos ng kamote?Naku,kaya pala madali ka lng magalit dahil na-highblood ka na sa kakasalad ng talbos kamote,hahaha!"si bruno a tambay sa kanto at tinaguriang hari ng kalye pasaway.
"Pakialam mo sa buhay ko?!Atupagin mo ang sarili mong buhay at wag kang makialam sa buhay ng iba,di mo na nga halos mapakain sarili mo dahil wala kang trabaho,eto ka pa at panay ang pakikialam sa buhay ng iba."banat niya sa lalaking nakangising-aso pa.
"Aba,matapang pala itong si tisay ah,lumalaban...at sinong ipinagmamalaki mo ha?!"sabay sunggab sa isang braso ni tisay.
"Aray ko,bitawan mo nga ako,nasasaktan ako!"pasigaw nitong sabi.
"Akala ko ba matapang ka,hindi mo pa ba ako kilala?Wala akong sinasantong tao,wala akong pinipili,ma babae mn o lalaki kapag sumuway saken,sorry nalang!"
At lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ni tisay.
"Tinatakot mo ba ako?Wala ka ng ibang alam gawin kundi ang manakot ng kapwa!Nais ko lang ding malaman mo,na wala pa akong taong kinakatakutan,ipasok mo ang salita ko sa ulo mong walang laman,ummmmp!"halos mabulantang sa pagkakatayo si bruno nang tabigin ni tisay ang kamay nitong mahigpit na humawak sa braso niya.
Mas lalong nainis ang lalaki.Di siya makapaniwala na isang babae lang ang makakagawa sa kanya ng ganun.Hiyang-hiya siya sa mga naroroon.Pakiramdam niya ay para siyang nanliit bigla,kaya nagmamadali siyang umalis doon at may sinabi pa siya kay tisay bago tuluyang lumayo.
"May araw ka rin saken babae ka,taTandaan mo yan.!"at gigil na gigil itong umaliscc
"Wow,ang galing mo tisay,idol na talaga kita!"si caloy ulit.
"Hummmp!papasikat lng yan parA makuha niya atensiyon ng mga kalalakihan dito sa barangay natin,palibhasa'y malandi.!"birit nman ng isang tsismosa at inggiterang si vecka.
"Look at your words before you speak,at baka malintikan ka sakin.!"hinarap nman ni tisay si vecka.
"Wow,ingles yun ah?Ang galing talaga ng idol ko,wooow!!!!"sigaw ni caloy na may kasamang talon.
"Tseh!Sobrang pasikat,porke ba tisay ka?!"hirit nman ng kaibigan ni vecka na si trexie.
"Bakit n'yo ba pinagtutulungan ang idol ko,inggit kayo ano?"si caloy ulit.
"Makaalis na nga rito,andaming mikrobyo dito,baka mahawaan pa ako,hummmp!"
At tumalikod na si tisay.Halos di na siya makapagpigil.Sobrang nabadtrip siya ng umagang iyon.Sa lahat ng bagay ay iyon ang pinakaayaw niya.
Nais niyang kahit isang araw mn lang ay magiging maaliwalas ang buhay niya,pero ewan ba,talaga yatang pinagkaitan siya ng kanyang tadhana na makatikim ng kahit konting katahimikan at kapayapaan sa kanyang puso.
Simula pa sa pagkabata hanggang ngayong dalaga na siya ay hindi Pa niya naranasang mamuhay ng tahimik.Lagi nalang magulo ang nakikita niya.Namulat siya sa isang magulong pamilya,walang pagkakaintindihan,puro inggit at kasakiman ang kanyang nasaksihan.Siya ay panganay na anak ng mag asawang Alfredo at Sylvia dela fuente.Sikat na may ari ng isang construction firm sa Mindanao.
Panganay sa tatlong magkakapatid.Labintatlong gulang lang siya nung magkahiwalay ang mga magulang.Ang sunod sa kanya ay isang lalaki at labing isang taong gulang nun,si fetch at ang bunso naman ay siyam na taong gulang,si red.Natutunan niya ang lahat ng gawaing bahay at iba pang trabaho sa poder ng kanyang lola Agripa,sobrang strict ng lola niya.Natutunan din niya ang lahat ng kahirapan sa buhay nung pinalayas silang magkakapatid ng lola nila.Hindi niya makakalimutan ang gabing yun.
Tahimik na nun sa buong kabahayan nang biglang kumalabog ang pintuan ng kwarto nila.Ang mga kapatid niya ay himbing na himbing na sa pagtulog.Nasa loob lng siya ng kwarto at nakikinig sa pagkalabog sa labas.Nang hindi makatiis ay binuksan niya ito.Laking gulat na lamang niya nang may biglang humila sa kanya papalayo sa kwarto nila.
"Bitawan mo ako,anong kailangan mo saken?!!!"mangiyak ngiyak niyang sabi.Hindi niya halos mamumukhaan ang tao dahil madilim nun at nakasara lahat ng ilaw.
"Tumahimik ka nga!Huwag ka ng pumalag ha,tisay,bibigyan kita ng maraming pera pagkatapos nito,ok?!"halos pabulong nitong sabi.Masyadong malapit ang mukha nito sa mukha ni tisay.Akmang kuyamusin ng halik si tisay nang bigla itong namilipit sa sakit.Tinudohan ni tisay ang pagkalalaki nito.Inumbagan ng napakalakas na suntok ang mukha nito.
Nang makawala ay hinagilap ni tisay ang switch ng ilaw,at laking gulat niya nang makita ang lalaking namilipit sa sakit,si Carlos,adopted ng lola Agripa niya.
"Walangya ka,hayup...ummmmp!!!!"at inumbagan na nman ng suntok sa kanang pisngi,putok!
"Arayku po,arrrrgh,tama na tisay!"namilipit sa sakit ang lalaki.
Dahil sa sobrang ingay na likha nilang dalawa sa labas,ay bigla nalang nagising ang lola niya.Naalimpungatan ito.Dali-dali itOng lumabas upang matingnan kung anong mga kalabog ang nasa labas.Laking gulat ng lola nila nang makitang nakahandusay sa sahig si carlos.Binalingan siya ni lola Agripa at galit na galit siyang tinanong kung anong nangyari.
Nagsisigaw ito at halos ay kaladkarin siyang palabas ng bahay.Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari subalit hindi siya pinaniwalaan ng lola Agripa niya.Pinalayas sila nang gabing iyon.Wala siyang nagawa.

Ang Sabi  Nila At Mga Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon