uwChapter 3

14 1 0
                                    

           "May alam ka ba tungkol sa buhay ni tisay,aleng medeng?"seryosong tanong ni vecka kay aling medeng nang minsang mapagawi sa tindahan nito.
         "Bakit mo natanong yan?"takang tanong ng matanda kay vecka.
           "Wala lang po.Pansin ko po kasing malapit kayo sa isa't"-isa."katwiran nman ng babae.
            "Wala namang ibang naikuwento saken ,basta sabi lng niya na matagal na nilang di nakikita ang mga magulang nila."
         "Iyon lang ba ang ikinuwento niya sau? "Ulit nitong tanong sa matanda.
         "Eh ano pa nga ba?Teka nga lang,bakit ka ba interesado sa buhay ni tisay?"kyuryosong tanong nito sa dalaga.
        "Pano naman po kasi,eh,napakamisteryoso po naman kasi ng tatlong magkakapatid  na yun.Bigla nalang napadpad dito satin ni hindi nga natin alam kung sinong mga magulang at kung saan sila nanggagaling."ayun pa niya.
          "Ay naku,nailako mo na ba ang lahat ng paninda mo?"Putol ni aling medeng sa pangungusyoso ni vecka.
           "Hay naku,hindi pa nga po eh."tipid nitong sagot.
            "Yun naman pala eh,bakit ang aga mong nakipagtsismisan saken?"sumbat ng matanda."
           "Kumakati na nman po kasi ang dila ko eh,at kailangan ko ng kausap."pagbibiro nito.
            "At ako pang napili mo.Eto vecka ha,sasabihin ko sayo,itigil mo na ang pangungusyoso mo sa buhay nina tisay at mga kapatid niya.Kapag yan ay nalaman ni tisay,sigurado ako malalagot ka!!!"payo ng matanda kay vecka.
          "Hummmp!Hindi ako takot sa kanya ano?!"pagyayabang pa nito.
          "Naku,halatA ko kayo.Inggit lang kau kay tisay."puna ni aling medeng.
           "At bakit naman namin kaiinggitan si tisay,hindi naman siya mayaman."
          "Maganda naman at magaling sa martial arts"pamumuri ng matanda kay tisay.
          "Kahit gano pa kahusay sa martial arts kng bala ang katapat mo,talagang todas ka!"mukhang nairita na ito.
         "Oh,ano bang pinagkakaabalan ninyong dalawa rito at mukhang napakaseryoso naman ata ng pinag-uusapan n'yo?si bruno na kararating lamang."
         "Sino pa nga ba eh,di yung crush mong estranghera!"may diin nitong sabi.
          "Sinong estranghera?"takang tanong naman niya sa babaeng kaharap.
           "Meron pa bang iba maliban dun sa bago mong kinagigiliwan."pananadya nito.
          "Alam mo vecka,hindi na ako magtataka kung bakit walang nanliligaw sau hanggang ngaun."ani bruno sa babae.
          "Walang nakakapansin sa beauty ko,ganun un."simpleng sagot ni vecka.
         "Ha!ha!ha!,beauty,may beauty ka ba?!"may himig panlalait sa tono nito.
          "Ang yabang mo ah,baka nakakalimutan mong baliw na baliw ka saken noon,habol ka nang habol saken!"nakapameywang pa nitong sabi.
          "Alam mo ba.kung bakit kita hinahabol,dahil gusto kong sabihin sau na itigil nang pagiging ilusyunada mo!"singhal nito sa babae.
         "Anong ilusyon?Hummmp,baka ikaw,ilusyunado!"ganti nitong singhal sa lalaki.
         "At ikaw ang ping-iilusyunan ko,ganun?Ha!Ha!Ha!Pwe,di bale nalang!"ngiting aso.
            "Bakit,sinabi ko bang ako?Si tisay,siya ang ilusyon mo,kunwari ka lang nagagalit sa kanya,pero ang totoo,type mo xa!"paniniguradong sabi.
         "Sasabihin ko sau ha,hindi pa ipinapanganak sa mundong ito ang babaeng mamahalin ko!Si tisay?Ha!Ha!Ha,papatiwakal nalang ako!"pumailanlang ang baritonong boses ni bruno nang siya'y tumawa nang malakas.
          "Wow!ok din ang drama n'yong dalawa ha?If i am not mistaken,well,ako yata ang bida?"at sinulyapan si vecka.
          "Pwede bang itigil mo nang ka-i-english mo jan,kairita!"ismid ni vecka sa magandang c tisay.
          "Nakakairita o talagang hindi mo lang maintindihan?"tinitigan niya ito.
          "Mga pilipino tayo at siguradong hindi ka naman ibang lahi,hindi ba?"nakapameywang pang hinarap c tisay.
          "Very well explained,accepted!But one thing para magkasundo tayo,ayokong muling marinig na laman ako ng usap-usapan n'yo,klaro ba?!"isa-isang tinapunan ng tingin ang dalawa.
            "Huwag mo akong idamay dyan,tisay,coz i dont have a serious interest to anybody,lalo pag babae! lalo na kapag ikaw."sa isip ni bruno.
           "Hi,ho,hi,ho....dito lang pala kau...wow,meeting ba'to?Kumpleto tau ngaun ah,si tisay,bruno,vecka at ako,buti umabot!"pailing iling  nitong sabi,si caloy.
           "Bakit,ano ba tau sa akala mo,grupo at sasabihin mong kumpleto tau?"reklamo ni vecka.
          "Ok,fyn.watever!Pero pansin ko lang ha,may ingles din pala itong si bruno?Ang galing ha?Akala ko ba nman patambay tambay lng 'to dito sa mga kalye."ani caloy.
           "Kaya dont judge a book by its cover,ika nga."tipid namang sagot ni bruno.
           "Mukhang magkakaintindihan na tau nito ah,hehehe."at akmang makipagkamay kay vecka nang bigla ay tabigin ng babae.
            "Oy ano ka ba vecka,sakit nun ha?!"reklamo ni caloy.
        "Bakit sakin mo gustong mkipag kamay eh,dapat kasi kay bruno,timang ka tLaga ano?!"irap nito sa lalaki.
          "Eh ano nman ngaun kung sayo,di ba pwede?Pareho lang din un."si caloy.
             Magsitigil nga kau,pareho kaung mali!Hindi taung lahat bati kaya stop fighting and quite,both of u,nakakairitA!"gigil na sabi ni bruno habang c tisay ay nakikinig lang.Kung minsan ay nangingiti nlng.
           Masyadong naaliw si aling medeng sa pagtatalo ng apat.Napaisip bigla si aling medeng.Ano kayA kung magkakatuluyan ang apat na paris na to?Pano kaya kung araw-araw magkakabanggaan dito sa tindahan niya...ah magha-hired nlng xa ng magaling na referee...
          Ayos din pala dito sa labas ng bahay kung minsan.Marami kang mkikita na mga kanais nais at kung minsay di kanais nais.Ok din pala ang mga taong ito.Nakakaaliw na nakakainis.Pero nag enjoy xa sa napanood.Para lng silang nagbibiruan.
         Pano kaya kung magkakatotoo lahat,ano?Pero imposible ayaw niya ng mga ganung bagay.Ayaw niya sa mga ganung tipong lalaking tulad ky bruno.Hummmp!siga.
           Isa pa,priority niya mha kapatid niya.Wala siyang panahon sa pansarili niyang kaligayahan.Gusto niya makatapos ng pag aaral.Ganun din sa mga kapatid niya.Ayaw niyang habambuhay silang gagapang sa kahirapan ng buhay.Gagawin niyang lahat para makaahon sa kahirapan.Itataya niya ang sarili para sa kapakanan nilang magkakapatid.Nais niyang patunayang kaya niyang itaguyod mag-isa ang kanilang kabuhayan kahit na nag-iisa lamang siya.Buo ang kanyang loob.

Ang Sabi  Nila At Mga Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon