u zChapter 5

9 1 0
                                    

"Sir,may problema tayo ngaun."balita nito sa amo isang araw matapos ding mabalitaan ang nangyari.
"Bakit ba sa tuwing tumatawag ka eh puro problemang ibinabalita mo?!"iritang sabi nito!
"Eh,di po ba un nman ang habilin nyo po na kapag my poblema,tumawag lang sau anytime,di po ba sir?"katwiran nito.
"O siya,cge na.Ano na nmang problema yan?"kalmado nang boses nito.
"Pinapalayas na ang mga bata sa inuupahan nilang bahay dahil hindi na raw nakabayad ng ilang buwang renta."balita nito sa kausap.
"O,tapos anong problema ngaun?"tanong nito sa binata.
"Yun nga po sir ang problema,kailangan nila ng perang pambayad dun."ang sabi nito.
"Alin bang problema dun,eh may perA ka,hindi ba,eh di bayaran mo!mataas ang boses nito.
"Eh sir naman,ayoko pong makilala ni tisay ang totoo kung pagkatao.Sapat na yong pagkakakilanlan niya saken."paliwanag naman niya.
"Use your head Bryan,wag kang tanga!Marami ka namang kakilala jan na pwede mong gmitin para magpanggap!"iritadong boses.
"Ok,ok.sige na,ako ng bahala sir."pagtatapos niya sa conversation nila.
"Very good.Ok,cge na.I-update mo nlng saken ha,Bryan,all i asked u is ur help...at pasado kana saken."un lang at tapos ng usapan nila.
Balik sa tindahan ni aling medeng,parang nagkakasiyahan ang mga tambay at mga tsismosa doon.Parang ang saya-saya nila.Nagtatawanan ang mga tsismosa kasali na dun sina vecka at trexie.
Ang mga tambay nman ay masayang nag-iinuman na para bang may isini-celebrate cla.Hindi nman fiesta o kayay kaarawan.Lalo nang hindi pasko.Nagtataka si tisay kung bakit ganun nlng kasaya sa tndhan ni aling medeng.Hindi niya alam kung anong gagawin,babalik sa dinadaanan o tutuloy kaya?Ewan,pero bahala na.Hindi naman cla ang sasadyain ko,kundi si aling medeng.Sa isip isip niya.
Tumuloy siya kahit nag-aalinlangan.Ayaw niya kasing makasalamuha ang mga pakialamiro at pakialamira.Walang ibang magawa kundi ang bantayan siya pati buhay nila pinakikialaman na.
"Aling medeng......"hindi paman siya nakatapos sa nais niyang sabihin ay nagsalita na si aling medeng.
"Oi,buti naparito ka,halika dito sa loob tisay,dali,upo ka."kandarapang pinapapasok si tisay s loob ng tindahan niya.Nagtataka naman ang dalaga kung bakit.Hindi niya alam,wala siyang ideya kung bakit.
"Aling medeng bakit po,ano po ba ang balita?!"gulat nitong tanong.
"Wala ka nang dapat problemahin pa tisay,nakahanap na ako ng solusyon dun s problema mo!"masayang balita nito sa dalaga.
"Ha?!Ano po,pero kanino nanggaling,saan galing?Di po ba sinabi nyo kani-kanina lang na wala talaga kaung pera,eh saan po kau kumuha qng pera?"takang tanong nito sa kaharap.
"Hay naku,basta tisay huwag mo nang itanong pa kung san nanggagaling ang pera,basta meron na.Wala ka nang dapat alalahanin pa,ok?"ayon pa ng matanda.
"Naku,mahirap po yan.Baka po kung anong kapalit niyan ha,aling medeng?"pag-aalala niya.
"Magtiwala ka lang saken at hinding-hindi talaga kita ipapahamak tisay."paninigirado ni aling medeng.
Samantalang sa labas ng tindahan ay dinig na dinig ni tisay ang mga usap-usapan sa labas.Bakit ba laging nai-involved ang pangalan niya sa usapan sa labas. Sinadya yata ng mga halimaw na ito na ako ay pariringgan.Anong drama na nman ito?!tanong niya sa isip.
"Hay naku,kung ako lng ang may itsura na katulad niyan,naku,diko talaga palalagpasin.Gagamitin ko talaga para maahon ako sa kahirapan."ani trexie.
"Kung ikaw un,eh pano hindi ka maganda eh.Sayang ung ibang may angking ganda eh bobo naman.Hindi marunong dumiskarte.Kunwari ay Maria clara,pakipot,nagtitiis sa sobrang hirap,pakapalan ng mukha na kahit pinalayas na eh andito pa rin,isiniksik parin ang mga sarili kahit na di nakabayad ng utang!Diyos ko,kung ako hayyyy,lalayas na talaga ako!"malakas ang boses ni vecka na sinadya talagang marinig ni tisay ang pag-uusap nila.
Pinilit ni tisay na dalhin ang sarili.Talagang ayaw na sana niyang masangkot sa gulo pero talagang sinusubukan siya sa mga mapanghamong salita ng mga babaeng ito.Maligaya ba sila kapag nakapanlait ng kapwa at kung makakita ng away?so impossible!!!
"Nananadya ba kau?"diretsahang tanong.
"Ano raw?"si trexie.
"Aba ewan!Sino bang kausap nyan?!"sagot nman ni vecka.
"Hindi nyo ba alam,kaung dalawa ang kinausap ni tisay.Sagutin nyo nmang maayos."seryosong si baldo.
"Aba kunwari ka ring santo ha?Ikaw na kayang kumausap jan!"at akmang tatalikod na sana si vecka nang bigla ay hinawakan ni tisay ang knyang braso.
"Kayo ha,isang pagkakamali pa ha...at tutuluyan ko na kau!"hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ni vecka at nsasaktan ang huli.
"Aray ko,ano ba...bitawan mo nga ako!"singhal nito kay tisay.
"Hoy tisay,kung may problema ka,pwede ba huwag mo kaming idamay?!"at hirit nman ni trexie.
"May problema nga ako,KAYO ang problema ko!Mga tsismosA,walang ibang magawa kundi ang magtsismisan!"gigil na gigil niyang sagot.
"Bakit,sigurado ka bang.ikaw ang pinagtsi-tsismisan namin,ha?!"si vecka ulit.
"Nagpaparinig kau!,walang ibang tao dito kundi tayo lang.Alangan nman kung ang mga lalaki ang pinaparinggan nyo ng mga salitang un?!"banat ni tisay sa dalawa.
"Hummmp!Bakit ka ba nagagalit eh,totoo naman eh...ipokrita ka!"diniinan ang pagkasabi nun.
"Ano,ulitin mo nga ang sinabi mo,ulitin mo!!!"at kasabay nun ay hinila ni tisay si vecka,hinawakan ito sa leeg.
"Hoy,anong kaguluhan ito?!Tisay,itigil mo yan,ano ba!"si Bruno na kararating lang at naabutan ang eksenang yun.
"Bakit,kakampi ka sa bruhang 'to,gusto mo pati ikaw itatali ko sa puno ng niyog,hah gusto mo?!"gigil na gigil itong hinarap nman si Bruno.
"Hoy tisay,relax lang ano ka ba?Hindi tayo magkalaban,pls huminahon ka...ano bang problema mo?"kalmado nang boses ni Bruno.
"Anong hindi tayo magkalaban,ikaw lng may sabi nyan!At wala ka ng pakialam kung may problema ako o wala...itong mga bruhang 'to wala ng ibang inatupag kundi ang makialam sa buhay ng iba!"buong tapang niyang sinabi yon.

Ang Sabi  Nila At Mga Maling AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon