"I am sorry,Tito Alfredo pero kailangan ko na po talagang tumigil sa ginagawa ko.Ako po ang nahihirapan dito e...hindi ko po talaga siguro kayang paamuhin ng anak niyo.Masyado na siyang palaban.ngayon."matamlay nitong sabi sa kaharap.
"Ganyan ba kababaw ang pag-ibig mo sa kanya?Isusuko mo na ba tlaga ang usapan natin?"at matalim ang tinging ipinukol niya sa binata.
"Naawa na rin kasi ako sa kalagayan nila eh...gusto ko nang sabihin sa kanila na andiyan lang po kayo sa malapitan,abot kamay lang nila at gusto ko na ring sabihin na huwag na silang magpapakahirap pa kasi naghihintay lang kayo sa paglapit nila,na may magandang buhay na nakalaan na para sa kanila. "mahaba niyang paliwanag.
"Huwag na huwag mong gawin yan Bryan,hayaan mo silang matutong humarap sa mga pagsubok sa buhay na dumarating."matigas ang boses nito.
"MY GOD,tito Alfredo,hindi pa ho ba sapat ang nakita nyong sakripisyo ni tisay.?Marunong na po siya sa buhay,kung ilang taon nang nakalilipas simula nung iniwan nyo sila sa poder ng mga magulang nyo."parang nanunumbat ito.
"Bryan,mag-iingat ka sa iyong pananalita,baka nakalimutan mo ang atraso ng iyong ama sa aken?!"may pagbabanta ang boses nito.
"Sorry po,tito Alfred.Ang saken lamang po e....."di na naituloy pa ang nais nitong sasabihin.
"Tama na Bryan,mabuti pa bumalik ka nalang dun at ipagpatuloy mo ang iyong mga gawain."anitong tumalikod na kagad sa binata.
Anong hakbang na naman kaya ang susunod niyang gawin.Parang naubusan na siya ng paraan.Ah bahala na,sulong lang nang sulong,win or lose...bahala na talaga.
"Aling medeng,kahit anong gusto nila ay ibigay mo.Kung may mga pangangailangan sila,wag kang mag atubiling ibigay anuman yon."si bruno isang araw nang siya ay pumunta sa tindahan ni aling medeng.
"WALANG problema bruno,ako ang bahala."sagot naman ng matanda.
"Teka nga muna,bakit ba labis labis ang pag-aalala mo kina tisay at mga kapatid niya,ha?"
"Wala lang po,naawa lang po talgA ako sa kanila."walang malisyang sagot.
"Uhummm,kunwari pa.Sabihin mong meron kang pagtingin kay tisay kaya ginawa mo yan."nakangiti nitong sabi.
"Sino po bang magaling na lalaki ang hindi magkakagusto diyan kay tisay eh,ang ganda nman po niyang talaga."Walang alinlangang pahayag.
"Hindi ba galit na galit yon sayo at ikaw naman ay galit din sa kanya?"pangungulit ng matanda.
"Hindi nman po pwedeng takpan ng galit ang pagkakagusto mo sa isang nilalang eh...dati pa aling medeng,gusto ko na siya."diretsang sabi.
"Naku ha,wala na pala talagang pag-asa pa si vecka na makuha ang loob mo at mapaibig niya."iling nitong sabi.
"Ha,si vecka po?Bakit nasali po si vecka sa usapan natin,aling medeng?" takang tanong nito.
"Ah ha?Eh,kuwan....ay ano ba 'to,nagkamali na nman ako.Lagot ako kay vecka nito."napakamot na lamang siya.
"Pakisabi na lamang po sa babaeng yon ha,aling medeng,wag na siyang umasa pa!Hindi ko siya gusto at kahit kailan ay hinding-hindi ko siya magugustuhan,malandi at tsismosa!!!"
"Hayaan mo bruno,sasabihin ko sa kanya."ikling sagot ni aling medeng.
"Salamat po.Nga pala hindi pa po ba nakabalik dito si....ay eto na pala siya,teka lang po ha aling medeng.Lalapitan ko muna siya."at nagmamadaling lumapit sa kadarating lang na bisita.
"Ang yaman pala talaga ni bruno,ikatlong beses ng bumisita dito ang ama niya at galante pa.Lagi nalang nambu-blow-out."napailing na sabi ni aling medeng.
"Hi aling medeng,good morning."Si vecka na bigla nlang sumulpot sa gilid ng tndahan ni aling medeng.
"At ano naman ang good sa morning?"pabirong sagot ng matanda.
"Ay.....ang taray,dinatnan ho ba kayo?"kunwa'y seryosong balik tanong sa matanda.
"Ano ka,niloloko mo ba ako?Kita mong magsi-sienta anyos na ako,eh matagal nang panahong nag menupause na ako."inirapan pa nito ang dalaga.
"Naku,ikaw po talagang matanda ka,hindi naman po iyon ang ibig kong sabihin eh...ang ibig ko pong sabihin ay dinatnan ng sumpong sa utak.!hahahaha!!!!"hagalpak ng tawa.
"Hoy ikaw,tigilan mo akong babae ka ha?Nga pala,may pinapasabi sayo si Bruno."anang matanda
"Ano po yun,sige na aling medeng.Sabihin nyo na kagad.Sus talaga naman tong prince ko,hindi nalang pinersonal,eh,andito naman siya."kilig nitong sabi.
"Anong prince ka diyan!Kapal,kaya nya pinapasabi kasi ayaw ka niyang makaharap,ganun un.Tantanan mo na raw siya at wala ka raw maasahan talaga sa kanya!"
"Aray ko po!Pwede ba aling medeng preno naman ho kung minsan,grabe ka,binuweltahan mo na ako kagad...ansakit....aray,para akong nahulog...huhuhu!"sira ang mukha.
"Alangan namang sasabihin ko ang hindi totoo,mas lalo kang umasa at masasaktan."paliwanag nito.
"Hayaan nyo po,gagawin ko ang lahat mapaibig lamang siya,ako na ho ang gagawa ng first move,basta!"at bigla nalang sinalubong si bruno na ngayon ay pabalik na sa tindahan ni aling medeng.Hahalikan na sana niya sa labi ngunit nakaiwas si bruno at galit na galit si vecka sa lalaki.
"Ikaw ha,sobra kang pakipot!Kala mo kung sinong gwapo,tseh!Hindi ka artista oi,isa ka lang namang tambay sa kanto!"nakapameywang pa ito.
"Hoy vecka,wag ka nga mag eskandalo dito sa tindahan ko.Bakit mo ba ipinipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sau?"mataas na ang boses ni aling medeng.
"Alam ko naman kung sinong kinalolokohan ng timang mong puso eh...si tisay,yung hilaw na amerikana!hummmp,hindi karin pupulutin nun,maghahanap din yun ng mayamang gwapo na kaya silang buhayin,tandaan mo yan!!!!"at dali dali ng tumalikod at umalis.
"Kita mo na aling medeng,bastos talaga,hindi marunong rumespeto."ani bruno.
"Hay naku,wag mo nalang bigyang pansin ang babaeng yun bruno,mas mabuti pa magkuwento ka nalang tungkol sa ama mo.Bakit ba saglit lamang siya kAnina?"usisa ni aling medeng.
At ano nman ang ikukuwento niya eh,di niya yon ama.Hindi niya rin pwedeng sabihin.
BINABASA MO ANG
Ang Sabi Nila At Mga Maling Akala
RandomGanun lang un; tao nga naman kung minsan, kala nila tama sila pero di nila alam na silay mali pala... Pero hayaan na natin ang mga ganung tao. Hindi nman cla kawalan satin. Di nman sila ang pamilya natin. Ok lang sila kapag ikaw ay mapapakinabanga...