Chapter 3 - Secret University

504 3 0
                                    

          Nagising ako dahil sa mga katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Sir.. Gising na po daw Kakain na." Sigaw nito mula sa labas.

Papungas pungas pa akong bumangon mula sa kama at tinungo ang pinto upang buksan. Sumalubong sa paningin ko si Erich, saglit kami nag titigan pero katakatakang namula ang pisngi niya at nag iwas ng tingin.

"Naku, wag na sir.. Zach nalang total mukhang mag ka edad lang naman tayo eh, tska bat kaba nag si-sir eh Bodyguard lang ako dito haha!." Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"K-akain na daw.." pautal nitong sabi na tila ba naiilang sabay napalunok.

Saglit akong naguluhan sa inaasal niya pero agad ko itong winaksi sa isipan. Marahan akong tumango at pasimple siyang nginitian.

"Sige susunod ako maghihilamos lang ako saglit." Aniko.

Agad naman siyang nag mamadaling umalis na talaga namang ikinatataka ko. Napailing nalang ako at hinatid siya ng tingin pababa ng hagdan. Dumeretso agad ako sa banyo.

Habang nag sesepilyo ako tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. " Syet ang haba na pala ng buhok ko. HAHA!" Pang aasar ko sa sarili.

Pero may napansin ako sa sarili ko habang nakatitig sa salamin, unti unting nanglaki ang mata ko sa itsura ko.

"Fuvk! Wala akong suot kahit isa!!!" Sigaw ko sa loob ng banyo.

Kaya pala ganon nalang ang reaksyon ni Erich kanina kaya pala hindi siya makatingin sa akin.

"Ang laki mo talagang tanga Zach." Bulong ko sa sarili at lumabas ng banyo na hubo't hubad.

..

Pagkarating ko sa dining room sa mahabang lamesa naabutan ko ang matandang kumakain kasama si kitty, sila lang dalawa wala pa ang dalawang demonyeta siguro tulog pa.

"Goodmorning po." Bati ko sa kanila.

"Goodmorning din iho kain kana." Sabi niya habang nakangiti.

Nginitian ko rin ang butihing matanda sabay hila ng isang upuan.

"Goodmorning po kuya kain ka na po." Nakangiting bati nito sa akin.

Napangiti nalang ako sa inasal ng dalagita mabuti pa itong bunso nila mabait pa di gaya ng dalawa niyang ate saksakan ng yabang. Nag simula na kami kumain, tahimik lang akong kumakain kasabay nila pagkat ramdam ko pa rin ang hiya.

Tanging boses lang ni Kitty ang maririnig sa hapag kainan, aliw na aliw ako sa batang to kung kumain parang baboy napakaingay. Pero agad kaming napatigil sa pag kain dahil sa ingay mula sa itaas.

"Ano ba Bea!.. akin ang panty nay an eh!!." Sigaw ni patricia.

"Ulol! Akin to remember pink yung favourite ko, lahat ng pink dito sa bahay pagmamay-ari ko!." Pasigaw na sumbat ni Beatrice sa kapatid.

Napailing nalang ang matanda pero kami ni kitty ay natawa habang nakikinig sa kanila.

"Ganyan talaga sila kuya walang morning na hindi yan nag aaway haha!." Sabi ni kitty sabay tawa.

Nakitawa din ako kay kitty, ilang sandali pa humupa na ang paligid tumigil na sila sa pag aaway at sabay na bumaba at sabay din na hinalikan ang kanilang ama sa magkabilang pisngi.

"Morning dad." Sabay na bati ng dalawa.

"You two, eat na.. para di kayo ma late." Utos ng matanda sumunod naman ang dalawa.

Ilang saglit pa ay tumayo ang matanda sabay tingin sa relos.

"Opps, gotta go I have a meeting later with Mr. Chua.." Sabi nito at inayos ang neck tie.

THE BODYGUARD SPG 18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon