Ilang taon na ang nakalipas mula nang makilala ko si Sharon. Parang hindi niya ako nagustuhan kasi kapag lumalapit ako ay nawawala ang kanyang ngiti.
Okay lang, basta nakikita ko siya araw-araw. Pero ayoko rin namang palagi siyang masunget kaya lumalayo nalang ako.
"KUYA!" sigaw ko. "Lalabas muna ako."
"Saan ka pupunta?"
"Sa parke lang. Bakit, gusto mo sumama?"
"Yoko nga, ang pangit mo ka bonding."
"Sama mo naman, kuya!" Lumabas ako ng pinto, hindi nakalimutang dalhin ang mga susi. Na-lock out ka na ba sa labas ng bahay mo sa gabi? Nangyari na saakin yon, di masaya. Di mo alam, baka may kidnapper don. Ganda-ganda ko kasi.
Tumungo ako sa parke para magpalipas ng oras. Baka manood nanaman ako ng mga wannabe basketbol players HAHAHA. Sama ko talaga.
Pagdating ko doon, walang lalaki. May isang dalaga though. "Hoy, Sally! Anong ginagawa mo?"
Tzuyu ang totoong pangalan niya, pero pakshet ang hirap sabihiin. "Humihinga," ang kanyang sagot. Minsan boring 'tong kausap, pero pagtinutukso niya si Katarina, nakakatawa.
Sorry, Kat. Liit mo kasi HAHAHA. Pero okey lang, cute ka naman eh.
"Punta tayo sa tindera ni tita?" alok ko.
"Bakit, para makita mo kras mo?"
"Oo naman, pero gutom na din kasi ako."
Pagdating namin, nakita ko agad ang isang anghel na nagbabantay sa tindahan. "Hi, pogi! Kamusta ka na?"
Narinig kong bumulong si Sharon. "Here she goes again."
"Ba't parang hindi ka masaya? Nandito nako, ah."
Tumawa si Sally at naghanap ng mauupuan.
"What do you want?"
"I want your lambing," sabi ko, at sinabayan ng kindat. She rolled her eyes naman.
"Joke lang, may pansit kayo?"
"Yes."
"Paki dalawa non. Nandito ba si Katarina?"
"No, she went somewhere with Dahyun." Nakita ko ang ngiti sa kanyang mukha.
Sana ako nalang ang rason ng kanyang mga ngiti.
"Ayos. Salamat!"
Pagkatapos namin kumain ni Sally ay tumambay muna kami sa karinderya ni tita. Matindi kasi ang sikat ng araw, pero mahangin kapag di ka naaarawan. Naglaro nalang kami ng games sa aming mga cellphone.
Hindi ko alam, pero pinapanood ako ni Sharon.
Nung nabored ako, nilapitan ko siya. "Pogi, pabili ng coke?"
Binigyan niya ako ng isa, at bago ako uminom ay dumating na si Katarina. "Nandito ka pala, Y/N?" Natagpuan niya si Sally. "Babe! Nandito ka rin pala!" Yinakap niya ng mahigpit ang matangkad na dalaga.
Oo, mag-girlpren silang dalawa. Kung sino pang pinakamaganda, siya pang single! (Hint: ako yon).
"Yuck, ang lalandi niyo," sabi ni Tokwa galing sa likod ko. Di ko siya napansin.
"Inggit ka lang kasi wala kang jowa!" sagot ni Kat.
"Hoy, tama na yan!" sabay tayo ko. "Single people have feelings too, you know? O, pak! English pa."
"You guys are funny." Tumawa si Sharon ng malakas.
Sana ayan nalang ang aking maririning habang buhay.
"Talaga?" Umaasa akong nagtanong.
"Not you."
"HAHAHAHA yan kasi, english pa more, Y/N!" tukso ni Sally.
"Bakit ko ba kayo naging kaibigan?!"
BINABASA MO ANG
Hi, pogi! || myoui mina [COMPLETED]
Fanfiction"Hi, pogi! Pa-kiss nga?" "How about I hit you instead?" taglish #11 in taglish (04/15/23) #4 in myouimina (04/21/23)