Shemay.
Shemay talaga.
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyong ito.
Nakaupo ako sa sopa nila Kat, tinititigan ang lalaking nakaupo sa harap ko. Ugh, nakakainis, ba't kasi nandito siya?!
Ang gwapong kontrabida ng buhay ko. Si Sharon, tawa ng tawa sa tabi ng Taehyung na ito. Wala namang sinasabing nakakatawa! Eto namang si Katarina, tinitignan ako ng parang may alam.
Ayoko na! Gusto ko lang naman bumisita. Ang awkward, wala akong masabi. Sana nanatili nalang ako sa bahay, makakanood pa ng mga drama ko hayyyysss.
Nagulat tuloy ako ng bigla-bigla akong kinausap ni Taehyung.
"Hey, you're Y/N, right?" tanong niya.
Abaaaa, inglisero din pala 'to.
Di ko gusto.
"Yes, I'm Y/N." ang sagot ko. Ipapakita ko na kung bakit best student ako sa English! "You're Taehyung? Are you new?"
Umangat ang kaniyang mga kilay. "Oh, you speak English?"
"Of course."
Anong akala niya, bobo ako?! Tssss.
Ngumiti siya. May paborito talaga ang mundo, wala akong makitang masama sa kaniya! "Cool. Yes, I'm new here, I just moved a few days ago." Tinignan niya si Sharon. "I'm lucky to have found Mina here."
Lahat nalang Mina ang tawag. Wow, girl, I feel the love talaga.
Humagikgik naman siya at mapaglarong sinapak si Taehyung. "Stop it."
Tumayo ako. "Uuwi nako, Katarina. Nakalimutan kong... kalbuhin yung aso ko. Buhbye!"
Ilang buwan ang nakalipas mula dumating ang Taehyung. Parang palagi nalang siya nakasunod kay Sharon, wala nakong pagkakataon na kausapin siya.
Ano bang babae ang hindi gustong makausap ang kras?
Buti nalang, magisa kami ni Sharon sa tindahan ni tita. "Hi, pog-"
"Don't say it." Masama ang tingin sakin ni Turon. Este, Sharon pala. Sorry, gutom na kasi ako.
"Why naman?" I pouted.
"Just leave me alone, okay?"
"Sige, mamimiss mo rin naman ako."
Tahimik ako ng ilang minuto, pero hindi ko rin nakaya. Madaldal kasi ako. "Mina, ano ba-"
"Don't call me that."
Kumuot ang aking noo. "Pero ayun tawag sayo-"
"That's what my friends call me."
"Di ba tayo magkaibigan?!"
"No."
"Eh, pano si Taehyung? Kakameet mo palang siya pero-"
"He's my boyfriend now."
Muntik ko mailuwa ang iniinom kong tubig. "HA?!"
"He was my childhood friend, but I had to move. He asked me to be his girlfriend a few weeks ago." Ang laki ng ngiti niya.
Gagi, di sinabi sakin ni Kat yan!
Di ako magpapatalo.
BINABASA MO ANG
Hi, pogi! || myoui mina [COMPLETED]
Fiksi Penggemar"Hi, pogi! Pa-kiss nga?" "How about I hit you instead?" taglish #11 in taglish (04/15/23) #4 in myouimina (04/21/23)