Panglima

188 14 5
                                    

Matagal na mula huli kong tinext si Sharon.

Tinry ko na magmove on, pero ang hirap eh. Kapag may isang taong nagpapaliwanag sa buhay mo, ayaw mong mawala ang ilaw sa buhay mo. Kapag ang tawa ng isang tao ay parang musika sa tenga mo, ayaw mo siyang kalimutan. Kapag ang ngiti ng isang tao ay nagpapangiti rin sa iyo, ayaw mo siyang layuan.

Ayan ang nararamdaman ko para kay Sharon.

Pero hindi ako magaling pagdating sa pagpapakita ng damdamin ko. Madalas nauuwi sa nakakainis o corny na joke. Baka ayun ang ayaw sakin ni Sharon.

O baka ayaw niya lang talaga ako.

Minsan nagtataka ako kung paano nanatiling kaibigan ko sina Kat, Dahyun at Sally.

Ang galing talaga nila.


Mga walang magawa sa buhay

Today

Tangkad: hi mga panget

ikaw lang panget dito

Tangkad: akala mo naman nakakatawa ka

+Tokwa tignan mo o, ang sama niya

Tokwa: tama na yan

Tokwa: gusto nyo kumain sa labas?

Linggit: Treat mo?

Tokwa: wla ako pera

Linggit: ay sorry di ako pinayagan ni mama :(

naaamoy ko ang sinungaling

Linggit: manahimik ka

Tangkad: ako nalang magt-treat

Linggit: AY SIGE SAMA AKO

scam

sama ako, wala nmn akong magawa

Tokwa: natangay na kasi yung kras mo HAHAHAHA lozer

Linggit: wag, ate

Linggit: pangit nya kabonding pag mainit ulo

bat pinagtutulungan nyoko :,(

Tangkad: eh ikaw, +Tokwa pano na si Ms. Hirai ng kabilang baranggay

Tokwa: may nagsalita ba

Linggit: AY OO NGA

Linggit: KAYO NA BA??

Tokwa: pakyu all

Tokwa: pero no

Tokwa: patips nga, di ko alam pano mangligaw

okey so ito gagawin mo

Tokwa: di ikaw

ang sakit ng magmahal ng ganito

Linggit: sabihin mo lang kasi yung nararamdaman mo

Tokwa: shy ako uwu

KALOKA ANONG UWU YAN HAHAHAHA

Tangkad: yuck

Tangkad: pakyut

at least di lang ako broken hearted HAHAHAHA

Tangkad: parang fake yung HAHAHA mo

wla ako narinig

"Hoy, Y/N! Tumayo ka ngang tamad na bata ka!" sigaw sakin ni mama. Eto naman o, parang hindi ako anak niya. Mas mabait pa siya kela Kat.

"Ano po?"

Hindi siya sumagot.

"Ano po kailangan nyo?!" linakasan ko ang aking boses.

Hindi parin siya sumagot.

Ano ba, napilitan tuloy akong tumayo. Pumunta ako sa kusina at nakitang abalang-abala si mama. "Ano po?"

"Bumili ka nga ng suka sa nanay ni Katarina."

"Bakit po?"

"Mag-aadobo ako."

"WAHOOOO ADOBO! Bente po isang bote, diba?"

"Oo. Dalian mo."

Sa daan, nakita ko si Taehyung.

Na hinahalikan ang isang babaeng sure ako na hindi si Sharon.

Aba, itong gago ah!

Hi, pogi! || myoui mina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon