Pinapanood ko ang pagbagsak ng mga luha ng ulap, yakap ang aking mga tuhod sa aking dibdib. Nakakainis dahil plano ko pa naman pumunta ng mall kasama ang mga kaibigan ko. Pero eto, naisipan ng langit na umiyak.
Nabored ako, kaya tinext ko nalang sila. Nagulat ako, bigla-bigla nagreply. Madalas sampung minuto ang lilipas bago man i-seen ang mga message ko.
Mga walang magawa sa buhay
Tangkad: bored akooo
Linggit: lintik na ulan to, sinira mga plano natin
Tokwa: miss ko na kayo TT
ang tanong, miss ka ba?
Tokwa: bad ka
Tangkad: hahahaha
walang buhay tawa mo
Tangkad: HAHAHAHAHA HSHBFJKSHFNDF LMFAO
ayannnn
ang bilis matuto
Linggit: +Tokwa pwede ba tumambay sa inyo
Tokwa: luh bat sakin
ang bilis kasi ng wifi mo
Tokwa: perks ng pagiging mayaman HAHAHA
Tangkad: kung mayaman ka bat palagi kang nagpapalibri
Tokwa: pakyu, akala ko mahal moko
so pwede o hinde
Tokwa: ...
Tokwa: sige na nga
Linggit: NAYS
Tokwa: si ate Mina, sasama ba?
Linggit: ayaw daw niya
Tangkad: hmmm bat parang masyado mabilis reply mo
Linggit: di kita ihu-hug
Tangkad: charot lang
bilisan nyo
wag kayo magpaulan masyado
yoko magkasakit kayo
Linggit: pa-fall yarn?
yoko mahawa sa inyo yuckk
Tumakbo ako patungo sa bahay nila Dub. Pinapunta niya kami sa salas. Pinlano naming panoorin ulit ang Squid Game para murahin si Sang-woo. Nabuksan ko na ang TV nang may natandaan ako. "Katarinaaa, bat di ka nagdala ng pagkain?"
"Di mo naman sinabi, eh!"
Bumuntong-hininga ako. "Babalik ako, bibili lang ng meryenda. Anong gusto nyo?"
Sinabi nila ang kanilang gusto tsitsirya at inumin, at kinuha ko ang aking pera. "Wag nyo i-start habang wala ako, ha! Kakalbuhin ko kayo."
Kaya, naglakad ako sa ulan.
Pero bago ako makarating sa tindahan ni tita, may nakita akong babae na nakaupo sa kalye. Umiiyak ata siya dahil malakas ang kaniyang mga hikbi. Ang buhok niya ay basa dahil sa ulan.
Doon ko nalaman na ang umiiyak na babae ay si Sharon.
I hesitated before linapitan ko siya. Hindi niya ako tinignan at patuloy na umiyak. Yumuko ako at hinawakan ko ang payong para sa kaniya. "Anong ginagawa mo? Sharon, magkakasakit ka niyan."
Hindi niya ako pinansin.
Hinawakan ko ang kaniyang balikat at nagsalita nang tahimik. "Mina.. are you okay?"
Y/N, are you dumb? Umiiyak nga siya eh, bat mo tinanong kung okey?!
Tumingala siya at nabiyak ang puso ko nang nakita ko ang mga luha sa kanyang pisngi. Suminghot siya. "No.. Chaeyoung and I.. h-had a fight." Lumabas na naman ang kaniyang mga hikbi. Pinatayo ko siya at yinakap, bumubulong sa kaniyang tainga ng kung ano-anong pumunta sa isip ko.
"Do you want to stay sa bahay ko muna? Hindi ka pwede dito, lalamigin ka."
Hindi ko inakalang tatango siya, pero ayun nga ang nagyari. "Sige.. sige, sakin ka muna matulog."
Pag-uwi namin, dali-dali kong ipinaliwanag kay mama ang sitwasyon. Buti nalang at pumayag siya, naginit pa nga ng tubig pangligo ni Sharon. Pinahiram ko kay Sharon ang damit ko at sinabihan kong matulog muna.
Nagprotesta siya, pero ilang minuto lang ay humihilik na.
Alam kong creepy, pero habang natutulog ay pinanood ko siya.
Bumungtong-hinga ako nang maalala ko ang nangyari. Sana hindi iyon ang pinag-awayan nila, dahil sinabi ko na kay Katarina na wag sabihin kay Sharon.
Natulog nalang ako ng mabigat ang puso.
BINABASA MO ANG
Hi, pogi! || myoui mina [COMPLETED]
Fanfic"Hi, pogi! Pa-kiss nga?" "How about I hit you instead?" taglish #11 in taglish (04/15/23) #4 in myouimina (04/21/23)