Chapter 13

235 18 5
                                    

Juliann's POV

Day 1

Maaga kaming ginising ngayong umaga. 7am at may kumakalembang na kaldero sa mga mukha namin. Yung staff kasi namin ginigising na kami. Hinahampas niya yung kaldero ng isa pang kaldero para gisingin kami. Pwede naman kasing alarm clock nalang.

Nagbihis na ako, yung jogging pants tapos isang plain shirt na medyo maiksi ang sleeves. Siguradong pagpapawisan kami ngayon.

Pinakain na kami ng breakfast, tapos activities agad. Pinagpusod lahat ng babae ng buhok kasi daw baka pagpawisan ng lubos.

Sa first activity, pinaakyat kami ng pader, wall climbing. Medyo mahaba ang pader para pwedeng umakyat ng sabay-sabay ang limang estudyante. Paunahan daw ang objective kaya may timer. Buti nalang nung bata ako inaakyat ko na yung puno ng lola ko sa probinsya kaya medyo sanay na ako umakyat ng mga kung ano-ano.

Malapit na ako sa taas at nakita kong nangunguna na si Marcus. Sumusunod sa kaniya si Juan Karlos at mabilis ang pag-akyat niya. Naunahan na ni Juan Karlos si Marcus, hindi ko alam pero natuwa ako.

Nakita siya ni Marcus, at dahil masama ugali niya, hinatak niya sa paa si JK. Dumulas ang paa ni Juan Karlos at kinabahan ako. Nakahawak siya sa isang bato pero tumama ang baba niya sa isa pang bato. Nakagat niya ang sarili niyang labi at nakita kong nagdudugo ito.

"Oh my gee, JK!" napasigaw ako. Tumingin siya sa baba at nginitian ako na parang okay lang siya.

Noong natapos na ang laro, nagcompare na lahat ng mga record kung gaano katagal bago maabot ang tuktok. Isa ako sa top five, diba ang saya. Unang una si Marcus, tapos si Paul, tapos si Juan Karlos, ako, at hindi ko na kilala yung sumunod. Gusto kong kamustahin si JK, siguro mamaya ko nalang gagawin.

Sunod, pinaghanap kami ng mga barya sa gubat, as in forest. May mga puno, dahon-dahon na pakalat-kalat, saka mga insekto. Pero bihira lang makita yung mga ganun. So ayun, pinaghanap kami ng mga limang pisong nakakalat sa buong gubat. Individual tasks daw kasi muna ngayon.

Sobrang lawak ng gubat, bihira kong makita yung mga kabatch ko. Nag-iingay ang mga tuyong dahon sa paa ko kapag naglalakad ako. Ang tahimik dito.

Limang mga barya lang nakita ko, kasi naman ang laki ng gubat kaya mahirap talaga hanapin. May mga nandaya pa, kumuha ng limang piso sa wallet tapos sinama sa bilang. Dahil magaling yung mga staff, nahuli sila.

Pagkatapos nun pinaglunch na kami, ang bilis diba? Naramdaman na kasi nilang nagugutom na kami kaya pinakain na kami. Hindi man halata pero naka apat oras na kami sa dalawang activities na 'yun. Isama pa yung matagal na breakfast na umabot ng isang oras.

After lunch, pinagpahinga muna kami. Syempre hindi muna pwedeng maligo kasi marami pang gagawin. Pumasok kami sa kwarto namin, nauna na pala yung impakta.

"Hi Louise," sabi ni Chi na sobrang taray. Umayos ng upo si Louise sa ilalim ng isang double deck.

"Hi CHIcharon," tawa ni Louise at nanggigil naman si Chi.

"Juliann, pigilan mo ako," sabi niya at hinawakan namin siya ni Alliah sa braso.

"You look so panget today," sabi ni Louise. "Ay, panget ka pala everyday," sabi niya at tumawa ng malakas. As in hagalpak.

Pumalag si Chi sa hawak namin sa kaniya ni Alliah. "Chi, wag ngayon," sabi ko sa kaniya. "Sa ibang araw nalang."

Umakyat kami sa taas nung isang double deck at iniwan mag-isa si Louise dun sa kabila. Buti nalang pumunta ang iba pa niyang mga kaibigan para papuntahin siya dun sa kwarto nila. Ngayon, solo nalang namin ang kwarto.

Siguro {juan karlos labajo}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon