Chapter 12

325 17 3
                                    

Juliann's POV

"Sige, salamat talaga JK sa pagsama sa akin ha?" sabi ko at tumayo na kaming dalawa sa kama ko. Nakapagresearch na kami ng maraming kanta tapos balak naming kantahin sa harap ng coach namin kapag pinagpractice na kami.

Hinatid ko si JK sa pintuan ng kwarto ko dahil sasamahan ko siyang bumaba. Noong binuksan ko yung pintuan ko, nakita ko si Kuya na nakatayo sa pintuan ko. "Kuya?"

"Hi bunso!" sagot niya. "Hi pogi!"sabi niya nang nakatingin kay JK. Tumingin si Juan Karlos sa akin na parang nalilito dahil hindi niya alam kung siya yung tinawag ni Kuya o hindi.

"Oo ikaw," tawa ni Kuya. "Ikaw lang naman ang pwede kong tawagin nun. Hindi naman lalaki kapatid ko."

"Hehe," tawa ni JK. "Hi din po pogi," sabi ng sipsip.

"Ako nga pala si Connor James, CJ for short. Pero pwedeng Kuya Pogi nalang," sabi ni Kuya at pumasok muna sa kwarto ko kaya napapasok nalang ulit kami ni JK sa loob.

"Kuya CJ nalang," sabi ko at umupo na kaming tatlo sa kama ko. "Bakit hindi ka pa nagtext?"

"Naubusan na ako ng load eh," sabi ni Kuya at inayos yung buhok niyang kulay pula.

"Itapon mo na cellphone mo, walang kwenta," pagbibiro ko. Kinuha ni Kuya yung laptop ko at binuksan ito.

"Bakit ayaw bumukas?"

"Wala nang battery."

"Itapon mo na rin to, walang kwenta," sabi ni Kuya at tumayo sa kama, hawak parin ang laptop ko.

"Kuya!" tawag ko sa kaniya at inabot yung laptop ko. "Ibalik mo 'yan!"

"Paano kung ayaw ko?" sabi niya at tinaas yung laptop ko. Dahil matangkad siya at hindi ako ganun katangkad, nahirapan akong abutin ito.

"Akin na kasi!" sigaw ko ulit habang tumatalon-talon para maabot yung laptop ko.

"Kuya CJ ibigay mo na, iiyak na eh," pang-iinis naman ni JK. Tumawa silang dalawa at binalik na ni Kuya yung laptop ko sa akin.

Nag-usap pa sila ni Kuya at dahil madaldal sila parehas, sa amin na nagdinner si JK. Nakitext nalang siya sakin at mukhang okay lang naman daw sa tito niya na sa amin na siya kumain ng dinner. Si Kuya nagluto at dahil tamad siya, hot dog lang ang niluto niyang ulam namin.

"Uy, bagay pala sa'yo mga damit ko," sabi ni Kuya dahil napansin niyang suot ni Juan Karlos yung damit niya.

"Thank you," sagot ni JK at umupo na sa upuan. "Ibabalik ko nalang po sa'yo kapag nalabhan ko na," ngiti niya.

"Sa'yo na 'yan. Marami naman akong ganyan saka at least may souvineir ka mula sa akin," sabi ni Kuya at umupo na rin.

"Pang-ilang beses niyo na po ba magpalit ng kulay ng buhok?" tanong ni JK habang kumakain kaming tatlo.

"Hindi ko na rin matandaan eh," sabi ni Kuya at sumubo na. "Pero ang natatandaan ko, ang unang kulay na ginamit ko ay violet," sagot ni Kuya habang punong-puno ng kanin yung bibig niya.

"Manners," sabi ko at nang-inis nanaman si Kuya.

"Anong shinashabi mo?" sabi ni Kuya sa akin habang may mga lumalabas pang kanin sa bibig niya.

"Yuck! Kadiri naman," sabi ko at hinawi yung mga kanin na nasa hita ko. "Linisin mo 'yan mamaya!" tawa ko at patuloy na kumain. Nakita kong tumatawa si JK at parang natutuwa siya sa aming magkapatid.

Pagkatapos namin magdinner, hinatid ko na si JK at iniwan si Kuya sa bahay. Ayaw ni Juan Karlos na magpahatid sa bahay nila kaya sa playground ko nalang siya sinamahan.

Siguro {juan karlos labajo}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon