Chapter 15

134 9 3
                                    

Juliann

"Ano ba kasi yung gusto mong pag-usapan ha?" tanong ko at inugoy-ugoy niya yung see saw. "Diba dapat natutulog ka na ngayon?"

"Wala pa namang curfew, magseseven o' clock pa lang naman kaya ayos lang," sagot niya. "So dali, magkwento ka na."

"Ano ba kasing gusto mong mangyari ha? Nananahimik ako dito eh," inis kong sinabi sa kaniya at tinawanan niya lang ako.

"Ano yung kanina? Anong nangyari dun?" tanong niya. Nagkunwari akong hindi ko alam ang ibig niyang sabihin at nanatiling tahimik.

"Wag ka ngang manahimik diyan. Alam mo ang ibig kong sabihin," sabi niya at nagulat ako dahil mukhang seryoso siya. "Ano yun?"

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung ano yung nangyari." maayos kong sagot. "Napuno na kasi ako Jk eh, hindi na kinaya ng pasensya ko yung mga ginagawa niya. Nung una, ang intensiyon ko lang talaga na matulungan yung inaaway niya kanina. Nananahimik naman kasi siya tapos guguluhin siya ni Louise, diba ang bastos?"

Tumango si JK at pinatong ang siko niya sa ibabaw ng mga tuhod niya bago ipatong ang baba niya sa mga palad niya. "Sige, tuloy."

"Tapos ayun na nga, ako naman yung sinunod niyang inatake. Ako naman yung sunod niyang pinahiya sa harap ng maraming tao," kwento ko at sumipa ng mahina para magalaw yung swing.

Naramdaman ko ang malamig na hangin na naging dahilan para manginig ang katawan ko. Tumingala ako at nakita kong hindi pa rin umaalis ang buwan at ang mga bituwin.

"Hindi ko lang talaga alam kung bakit siya mahilig mang-away ng mga inosente at ng mga mahihina. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ugali niya, kung bakit natutuwa siya tuwing nakakakita siya ng mga taong nasasaktan."

"Eto lang 'yan Juliann ha," nagsalita si Juan Karlos matapos niyang tumayo at lumakad papunta sa akin. Umupo siya sa isang swing at inugoy-ugoy rin ito. "Unang una, hindi ka mahina. Pangalawa, hindi na natin kasalanan kung ganun 'yung ugali niya."

Narining ko ang mga sigawan at tawanan ng mga kabatch ko mula sa malayuan. Tingin ko binigyan na sila ng oras na magsaya at magpahinga muna.

"Pero siguro hindi pa rin tama na patulan siya kasi malay mo, meron pala siyang pinagdadaanan na hindi natin alam. Bawat galaw kasi ng tao, mayroong dahilan at pinagmulan," panenermon ni JK sa akin. "Dati kasi, mayroon akong kilala na sobrang sama ng ugali."

"Mas masama pa kay Louise?" tanong ko at pinatong rin ang mga siko ko sa dalawa kong tuhod.

"Kung si Louise siguro ang pagbabasehan, walang laban tong ikukuwento ko sa sobrang lala ng ugali ni Louise," sabi niya at tumawa kaming dalawa. "Sige go," sabi ko at pinagpatuloy na niya ang pagkukuwento.

"So ayun na nga, masama talaga yung ugali niya kasi nang-bubugbog siya tapos napapaiyak niya talaga yung mga inaaway niya, babae man o lalake," sabi niya. "Tapos isang beses sinubukan ko siyang kausapin, kung bakit ganun yung ugali niya."

"Ano namang nangyari?"

"Ayun, bugbog din yung inabot ko," sabi niya at nagawa pa naming pagtawanan yung nangyari sa kaniya. "Grabe nga yun eh, siguro dalawang linggo namaga yung mukha ko," kwento niya at lalo akong natawa. Pakiramdam ko naluluha na ako.

"Diba dapat pinapapunta na siya sa principal niyo? Bakit walang nagsusumbong?"

"Di pa kasi tapos kwento ko," sabi niya at ngumiti sa akin. "Pagkatapos niya akong bugbugin, nagsumbong na ako kinabukasan. Kinausap kaming dalawa kahit hindi kasama mga magulang namin, pero hindi siya nagsalita. Nakaupo lang siya dun. Nagsalita lang siya nung sinabing magsorry na siya sakin."

Siguro {juan karlos labajo}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon