Juliann's POV
Pagkagising ko nung umaga, wala na si Kuya sa bahay. Siyempre, pumunta na siya ng Manila para pumasok. Grabe sobra akong nadisappoint kasi si Kuya talaga ang bestfriend ko. As in guy bestfriend. Siya yung parang knight in shining armor ko noong bata ako. Siya rin ang lagi kong kalaro. Kahit Barbie ang mga nilalaro ko, game siya na magbakla-baklaan para mapasaya lang ako. Di ko nga alam kung bakit single si Kuya eh. Guwapo, matangkad, mabait, ang pogi pa sumayaw, matalino, na sakanya na ang lahat. Pero bakit kaya siya single? Hindi kaya, bakla si Kuya? Tss. Haha imposible. Kapag bakla yun, uupakan ko talaga siya.
Baka naman gusto niya munang mag-aral. Para siguro wala siyang distraction sa pag-aaral. Oo, tama."Hi Mama! Kelan po ulit balik ni Kuya dito?" tanong ko.
"Sa susunod na buwan daw." sabi ni Mommy habang umuupo ako sa upuan ko at kumain.
***
"Boy Badtrip!" sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom.
"Bakit?" sabi niya.
"Sa bahay na namin yung practice. Mamayang uwian nalang." sabi ko. "Tinatamad kasi ako magdala ng gitara ngayon eh."
"Ganun ba? Haha ang tamad mo." sabi niya.
"Tss. Ewan ko sayo."
***
"Juliann bwisit na bwisit na talaga ako sa Louise na yan! Haaayyy nakakagigil. Pag talaga ako hindi nakapagpigil baka kailangan na nating magpabili ng kabaong para sa kaniya." sabi ni Chi na nanggigigil kay Louise. Kasama niya kasi yung mga kaibigan niya habang nagpapapansin kay JK.
"Tss hayaan mo na sila. Malay mo friendly lang sila diba?" pagtatanggol ko.
"Hmp. Iyan friendly? Hindi friendly ang tawag diyan." sabi ni Chi.
"Ewan ko. Basta hayaan mo na yan. Sabi ko nga sayo, intindihin ang mga taong may sakit sa ulo." pagpapatawa ko.
"Che! Bumenta na yan. Wag mo na ulit ulitin." sabi ni Chi.
"Wushu! Period mo ba ngayon? Ang init ng ulo mo." sabi ko habang tumatawa.
"Ano ba! Oo period ko ngayon. Pero mas umiinit ang dugo ko sa *toot* na yan."
***
"Boy Badtrip!" pagtawag ko sa kaniya.
"Haha hi." ngiti nanaman niya.
"Sabay na tayo umuwi." pag-aaya ko.
"Ha? Eh ano eh uhm. Nakakahiya." ngiti niya habang kinakamot ang batok niya. "Saka uuwi pa ako. Magpapalit pa. Oo tama. Magpapalit pa ako."
"Tsss. Sige pero sama ako sa bahay niyo." sabi ko.
"Ha? Wag na." sabi niya.
"Eh pano mo malalaman bahay ko?"
"Oo nga nuh."
"Sabi ko sayo punta nalang ako sa inyo eh." sabi ko habang hinahatak yung braso niya palabas ng school.
"Eh." sabi niya. "Alam ko na! Magkita nalang tayo sa may playground." suggest niya.
"Oo na nga." sabi ko. "KJ mo naman." sabi ko habang pasakay ng tricycle para umuwi at magpalit.
"JK pangalan ko, hindi KJ." pagbibiro niya.
"Gutom lang yan."
***
Nagsuot ako ng pantalon at hoodie dahil medyo umuulan. Ang kashungahan ko nga lang, wala akong dalang payong. Phone ko lang ang dala ko papuntang playground na medyo malayo mula sa bahay namin.
"Papunta na ako ng playground. May dala ka bang payong?" tanong ko sa kanya habang kausap siya sa telepono.
"Oo. Papunta na rin ako." sabi niya.
"Dalian mo. Giniginaw na ako." sabi ko habang tumatawa.
May nakita akong naglalakad na lalaki papuntang playground na may hawak na payong. Siya na ata yun.
Nakasuot pa rin yung hood ko dahil napakalakas talaga ng ulan. Tumakbo ako papunta sa kaniya."Bakit kasi wala kang payong?" tawa niya.
"Nakalimutan ko. Haha." sabi ko habang pinipiga yung buhok ko.
***
"Grow Old With You nalang kasi!" sabi ni JK.
"Hindi! Kasama Kang Tumanda mas maganda." pagpupumilit ko.
"Grow Old with You mas maganda tugtugin sa gitara!"
"Hindi! Kasama Kang Tumanda!"
"Parang tinagalog lang naman yun eh!"
"Kaya nga. Mas maganda nga kasi Tagalog."
"Hindi! Yung English version mas maganda."
"Tagalog!"
"English!"
"Tagalog!"
"English!"
"Ano ba! Sawang-sawa na ako sa pagtatalo natin. Pwede ba kahit ngayon lang magkasundo tayo. Please lang." sabi ko habang ginugulo ang buhok ko. Ganun ako magrelax.
"Sorry." yan nanaman siya sa sorry niya.
"Teka, alam ko na."
"Anong alam mo na?" sabi ni JK.
"Alam ko na ang gagawin natin para masunod tayo parehas."
"Pano?"
"Imash-up nalang natin." ngiti ko sa kaniya.
"Oo nga noh." sabi niya habang nginingitian ako.
"So ano? Game?"
"Game."
***
"Ano nga ba meron sa pangalan mo?" tanong niya sakin. Nagbreak muna kami sa practice. Bago ko siya sagutin, may kumatok sa pinto. Si Mama.
"Kain muna kayo." sabi niya. May dala siyang orange juice at tinapay. Shemay Nutella.
"Thank you po." pagpapasalamat ni JK.
"Haha welcome." sabi ni Mommy. Kinindatan niya muna ako bago isara yung pinto. Luh. (−_−;)
"Ano na sagot mo?"
"Ah sa pangalan ko? Kasi ganito yan. Sila lolo at lola, nag-eexpect na lalaki ako. Sila ang nagpangalan sa akin. Kaya nga lang, namatay na sila bago pa nila malaman na babae ako. Dahil gusto nila mommy na masunod sila lola, panlalaki yung pangalan ko. Yan ang history ng pangalan kong 'Juliann Clyde'."
"Maganda naman eh. Parehas kayo, maganda."
"Ha?"
"M-maganda yung ano, yung pangalan mo. Oo yung pangalan mo maganda." ngiti niya.
Ano kayang nakain nito? May sayad ba to?
~~~
Haha bitin ba? Sorry ah. Dami kasing inaasikaso ehh :'(
Pero sana isupport niyo parin until the end kasi marami pang posibleng mangyari. Whoop!Support niyo rin book ng sister ko. "First Time" ang title. Darren Espanto fanfic siya kaya support niyo rin. Hihi
xx
BINABASA MO ANG
Siguro {juan karlos labajo}
Teen FictionSiguro • sinasabi mo kapag hindi ka sigurado Ex. "May gusto ka ba sa kaniya?" "Siguro."