Chapter 14

145 7 1
                                    

Juliann's POV

Grabe sobrang saya, kagrupo ni JK si Louise tapos kagrupo ko naman si Marcus. Haha ang saya grabe -__-

Relay ang gagawin namin ngayon. Ang first challenge ay dapat magpasa-pasahan ng kalamansi na nasa kutsara. Bagong-bago talaga. Pagkatapos magpasahan ang lahat ng members, pupunta naman kami sa isang wall na made of ropes na pinagbuhol-buhol. Yung parang sa mga training sites, tapos syempre kailangan namin akyatin.

Tapos 'pag nakatawid na ang lahat, pupunta na kami sa last challenge namin, kailangan naming itawid ang cup na may lamang tubig sa finish line gamit ang scarf o basta panyong malaki. Paano? Kailangan lang naman naming ipatong ang cup sa ibabaw ng panyo at ilakad. Parang ganun kasimple noh?

"Ang hirap naman nun," sabi ni Paul. Oo kagrupo ko siya.

"Kaya natin 'to guys. Tiwala lang!" sabi ko at nilagay ang kamay ko sa gitna namin. "Aja Team Pura!" sabi naming lahat. Ang corny talaga nung pangalan ng grupo namin pero ayos na yun.

"Go Team Ba!" sigaw ng grupo nila Alliah at Darren tapos tumawa sila dahil rin sa kakornihan ng team name nila.

"Team Mang yay!" sigaw ng grupo nila JK at natawa ako kasi bagay sa kanila. Mukha silang mga 'timang'.

Pumunta na ang mga teams sa kaniya-kaniyang posts. Limang grupo talaga kami, wala na akong pake dun sa iba kasi wala naman akong kakilala sa kanila, haha.

Pumila na ang mga members ng bawat grupo at nilagay nila ako sa harapan. Dahil papansin si Marcus, pumunta siya sa harapan ko at siya na daw ang mauuna. Bida-bida eh. Nakita kong nauuna si JK at nasa pinakalikuran si Louise habang tinitingnan yung kuko niyang may nail polish. Aba, naisipan pa palang magpamanicure eh alam na nga niyang may outdoor activies ngayon.

Nagkatinginan kami ni JK at bigla nang pumito ang game master. Nginitian ako ni JK bago siya patuloy na naglakad habang may kutsara sa bibig niya.

"Go JK!" sigaw ng mga kagrupo niya. Tiningnan niya si Marcus na nauuna na sa kaniya.

"Dalian mo JK!" sabi ko.

"Juliann, saang grupo ka ba talaga?" tanong ni Paul sa akin at natawa nalang kami bago ko ilagay ang kutsara ko sa bibig ko dahil malapit na si Marcus. Binaba ko ng konti ang katawan ko para mas madaling mapasa ni Marcus yung kalamansi na nasa kutsara niya. Kinindatan niya ako bago malaglag ang kalamansi sa kutsara ko.

"Good luck," sabi niya at inirapan ko nalang siya. Nakita kong kalaban ko si Chi kaya tiningnan ko siya at natawa kami. Umikot na ako sa isang cone at mabilis na bumalik sa post namin. Nakita kong nahulog ang kalamansi nila Chi at nagsisimula palang yung ibang grupo kaya tumaas ang pag-asa kong mananalo kami.

"Dali, go guys!" pagchecheer ko sa mga kagrupo ko. Nalaglag ng isang beses yung kalamansi sa amin pero okay lang dahil hindi naman agad nakakahabol yung ibang teams.

"Paul dalian mo na!" tili ng isa kong kagrupong babae. Huling player na siya kaya noong nakabalik na siya sa post namin, kumaripas kami ng takbo papunta doon sa second station, yung pag-akyat sa kung ano man. Kaniya-kaniya kami ng pag-akyat at nagpapansin nanaman si Marcus. Binilisan niya ang pag-akyat kaya nakarating agad siya sa other side bago pa ang iba sa amin.

"Go Juliann!" pagbibida-bida nanaman niya. Nairita lang ako kaya nabilisan ko ang pag-akyat. Tumakbo na kami sa last station, yung mukhang imposible.

"Guys eto gawin natin, tutal sixteen tayo, by four natin gagawin 'to dahil four sides lang ang scarf," pagpapaliwanag ko. "Kayong apat muna, banatin niyo yung scarf para makatayo ng madali yung cup."

Sinunod nila ang sinabi ko, hinatak nila ng mabuti ang scarf at nilagay ko na ang cup na puno ng tubig sa ibabaw. "Game, game, game," pinalakpak ko ang mga kamay ko na parang coach at nalakad ng dahan-dahan ang mga kagrupo ko. "Gwen, hatak!" napasigaw ako dahil matutumba na yung cup.

Siguro {juan karlos labajo}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon