Chapter 11

362 14 3
                                    

Juliann's POV

Si Kuya ang naghanda ng breakfast ko ngayon dahil wala daw si Mommy for one week. Kakadating lang ni Kuya nung isang araw tapos isang linggo rin siya dito. Wala siyang pasok kahapon pero ngayon meron na kaya sabay kaming papasok. Oh diba ang saya?

"Ano ba to?" sabi ko habang tinutukoy yung pagkaing nasa harap ko. "Mukhang sumabog na pusa."

"Hindi pa ba halata 'yan bunso? Pan cake yan," tawa ni Kuya.

"Haha akala ko kung ano. Mukha kasing nilagyan ng granada sa loob tapos sumabog eh," sabi ko at nagsimula nang kumain.

"Grabe ka naman bunso, ang sakit mong magsalita," sagot ni Kuya at nilagay yung kamay niya sa dibdib niya na parang nasaktan ng lubos.

"Arti," tawa ko. "Kumain ka na nga Kuya, malalate ako niyan eh."

"Oo na nga," sabi ni Kuya at umupo na sa upuan niya. Kumain kami at nilock na ang bahay. Sumakay kami sa kotse ni Mommy at hinatid ako ni Kuya sa school.

"Pst, bunso," tawag ni Kuya bago ako bumaba ng kotse. "Sino yung poging yun? Parang hinihintay ka eh."

"Pogi ba yun?" pagbibiro ko.

"Oo," tawa ni Kuya. "Sino nga?"

"Wala. Kaibigan ko lang. Siya yung kapartner kong lalaban sa competition," sabi ko at bumaba na sa kotse.

"Ah, 'pag nanligaw sayo yan, sabihin mo sakin ha?" sabi ni Kuya pagkatapos niyang buksan yung bintana. "Gusto ko siya sayo."

"Kuya pati ba naman ikaw!"

"Anong pati ako? Sino pa ba nagsabi sa'yo na mukhang bagay kayo?"

"Si Mommy saka yung mga kaklase ko."

"Ang dami na pala eh. Maraming sasaya pag nagkatuluyan kayo," kindat ni Kuya.

"Eeeh! Alis ka na nga! Dun, alis," pagtataboy ko kay kuya at naglakad na papunta sa gate ng school.

"Pag-aaral muna bunso ha?"

"Alis na kasi!" sigaw ko at naglakad ng may ngiti sa mukha ko dahil sa pagbobonding namin ni Kuya.

"Sino yung kasama mo kanina Juliann?" tanong ni Juan Karlos habang sinasabayan ako papunta sa classroom namin.

"Kuya ko," sagot ko at patuloy na naglakad.

"Ah," sagot ni JK. Nagtagal ang awkward silence sa pagitan namin dahil walang nagsasalita.

"May naisip ka na bang kanta?" tanong niya para masira yung katahimikan.

"Wala pa eh. Pag siguro nagpractice na tayo saka ako makakaisip, which is matagal pa." sagot ko at umupo na sa upuan ko sa classroom.

Napag-usapan ng buong batch namin ang tungkol sa educational trip namin. Next week na kasi 'yun, tapos 5 days pa kami na magsstay sa lugar. Parang vacation, pero nakakapagod at may kinalaman sa school activities.

"Sana maging magkakasama tayo sa bus noh?" sabi ni Chi at inakbayan kaming dalawa ni Alliah. Nakaupo kasi kami sa sahig ng classroom nila tapos magkakatabi kaming tatlo.

"Okay ka lang ba Chi? Kakasabi lang na isang bus lang gagamitin kasi konti lang tayo eh," tawa ko.

"Oh Chandria, you still haven't changed. Bingi ka parin hanggang ngayon," sabi ni Alliah na nagpatawa lalo sa aming dalawa. Si Chi naman, nananahimik nalang.

"Kaibigan ko ba talaga kayo?" tanong ni Chi, na lalong nagpatawa sa aming tatlo. Buti nalang hindi kami napansin nung dalawang teachers na nasa harap, yung mga advisers namin. Pero sina Louise at mga kaibigan niya, oo.

Siguro {juan karlos labajo}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon